3rd Person's Point of View
Reyna Debra's flashback
Planet Myriad.
Masaya namumuhay ang mga myriads dito sa planetang ito. Mayapa ang lugar na ito at maayos ang pamumuhay ng mga magulang ni Debra.Sila ay reyna at hari dito sa planetang ito. Isa palang prinsesa si Debra nung nabubuhay pa ang mga magulang nito.
Lumipas ang sampung taon
May sumalakay sa kanila. Isang malalakas na hukbo galing sa hinding kilalang lugar na tinatawag itong mga Hiruk. Ang mga hiruk ay isa sa mga brutal na mga hukbong pumapatay kung ano man ang makita nilang buhay. Pinagpapatay nila ang ibang myriads. Hindi pumayag ang mga magulang ni Debra na sakupin ang planeta nila kaya lumaban sila. Pero nang lumabas ang hari ng mga hireuk na si....INVASION.
si INVASION ay isang malakas na mandirigma at may mga usap - usapan na may ka connection sya sa mortal na kalaban ng terrestial kaya ganyan sya kalakas.Pinatay nya ang mga magulang ni Debra at nakita iyon ni Debra sa sarili nyang mga mata. Lungkot, galit, pagdurusa ang naramdaman nya nang mga oras na iyon. Mahina pa si Debra ng mga oras na ito at kulang pa ang karanasan nya.
Agad na tumakbo si Debra at inatake si Invasion, pero agad itong pinatalsik ni Invasion. Nahirapan tumayo si Debra dahil sa sobrang lakas ng atake na ginawa sa kanya. Agad na inangat ni Invasion ang kamay nya, senyales para tumigil lahat ng kaguluhan. Napahinto ang mga hiruk sa ginagawa nila.
Inangat ni Invasion si Debra at tinignan nya ito mabuti.
" Maganda ka at napahanga moko sa lakas ng loob mong sumugod saakin. Kahit na alam mong mahina ka pa. "
" M-magbabayad ka sa ginawa mo sa magulang k-ko. Hinding hindi ko hahayaan na patayin mo ang mga myriads."
Napatawa si Invasion sa sinabi ni Debra." Gusto mo palang mailigtas ang mga myriads? pwes, mamili ka. Ang buhay ng mga myriads o magpapakasal ka saakin ? "
Nagulat si Debra sa tinanong sa kanya.
" S-sa tingin mo ba...Magpapakasal ako sa kagaya mo- "
" Kapag tumanggi ka sa alok ko, mamatay lahat ng mga myriads kasama ka at kagaya ng mga magulang mo na wala ng buhay. Kapag nag pakasal ka saakin, maliligtas ang mga myriads at palalakasin kita para sakupin natin ang buong kalawakan. "Mukang walang magawa si Debra kaya pumayag nalang sya sa kagustuhan ni Invasion kapalit ng buhay ng mga myriads.
Lumipas ang limang taon..
Kinasal na sila Debra at Invasion. Naging reyna na si Debra noong panahon na ito. Ang mga mababait na myriads ay naging kilala bilang mga mananakop at mga sadistang babaeng mandirigma. Malakas narin si Debra at binigyan sya ng kapangyarihan ng asawa nya.
" Debra ! " agad na lumapit si reyna Debra kay Invasion at lumuhod ito sa kanya.
" Bakit po, kamahalan ? " hindi asawa ang turingan nila sa isa't isa kaya ganyan ang tawag nya kay Invasion.
" Bibigyan kita ng mission. Ayun ay kunin ang batong hiyas na nakatagio sa planetang Sapiro "
Nanlaki bigla ang mata ni Reyna Debra ng marinig nya ang planetang sapiro. Andoon nakatira ang matalik nyang kaibigan na si Silda.
" Kailangan ko po ba talaga sakupin ang planetang iyon ? "
" Oo, bakit, tumatanggi kaba? Gusto mo ba tapusin ko na ang buhay ng mga myriad- "
" Gagawin ko na po ang utos nyo "
Agad na umalis si reyna Debra, kasama na ang ilang myriads at doon na nila sinubukang sakupin ang planetang sapiro. Nabigo sila nang ilang beses, pero hindi sila sumuko.
And the rest was history...End of Flashback
Next Chapter
PS: Sorry for the short chapter.

BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...