Chapter 17

1 0 0
                                    

Violet's POV

"Ano pong order nyo? " Tanong ko sa customer.

"Isang purple army donut and isang cappuccino coffee"

"Ok po. " Nilista ko ang order nila .

"Isang purple army donut and isang cappuccino coffee daw sa table 7 " Sabi ko sa counter.

Madami nanamang tao ngayon. Panigurado pagod nanaman ako mamaya nito hehe.

"VIOOOLLLLLEEEEEEEEEEEEETTTTT "

Rinig ko ang isang pamilyar na boses at pagharap ko ay si...Kilala nyo na kung sino naman yun. Bunganga palang eh. Naramdaman ko tuloy na pinagtitinginan kame ng mga customer sa sobrang lakas ng sigaw nya.

"Miya, ano ba? nakakahiya naman yung ginawa mo"

"Sorry na heheh. Kamusta kana? " 

"Ayos lang naman, upu ka muna " Hinatif ko sya sa bakanteng upuan.

"Ang ganda pala dito sa trabaho mo. Puro bts at karamihan ay picture ni Kim Seokjin. "

"Oo, eh army yung amo ko eh "

"Mabait naman ba yung amo mo? "

" Oo naman, parang pamilya at kabigan nga turing nya saamin eh. Eh ikaw? Kamusta ka naman sa trabaho? Ganun padin ba yung boss mo? "

"Hay nako...Nagbago sya bigla dahil iniwan sya ng asawa nya."

Aaah ganun. Kinarma pala sya. Buti lang sa kanya yon.

Tinanguan ko nalang ang sinabi ni Miya.

*Ring! Ring! *

Narinig ko na ang tunog ng bell. Oo nga pala, yung order ng number 7.

"Miya, dyan ka muna ha? babalik agad ako "

"Sige lang " 

Agad akong pumunta sa counter at kinuha yung order nya. Pumunta na agad ako sa table 7 at nilapag ang order nya dito.

"Ito na po ang order nyo, pasensya na po sa paghihintay "

"Salamat." sabi ng customer ng nakangiti.

Agad kong pinuntahan sa Miya.

"Oi, baka nagugutom kana. Baka may gusto kang kainin dito. "

Sabi ko sabay bigay sa kanya ng menu.

"Sige. Um...."

Inantay ko sya sa pagpili ng pagkain.

"Gusto kong i try itong specialty nyo, itong Kim SeokJin purple cake and isang ordinary coffee nalang. Ninenerbyos agad ako sa kape eh at hindi rin ako gaano makatulog kaya ayan nalang muna yung order kong coffee ngayon. Sa sususnod nalang ako bibili ng best coffee nyo dito . " Tinanguan ko sya.

"Antayin mo nalang order mo dito ha? "

"Sige lang "

Agad akong pumunta sa counter.

"Isang Kim Seokjin purple cake and isang ordinary coffee sa number 46  *Bell! Bell! * "  Sabi ko sa counter at pinatunog ang bell.

Habang hinahantay ko yung pagkain ni Miya, nagpasya muna akong kuhain ang order ng ibang customer dito.

------------------------------------------------------------------------------------------

*Bell ! Bell ! *

"Kim SeokJin purple cake and ordinary coffee fortbale 45 ! " rinig ko yung order na para kay Miya kaya agad akong pumunta sa counter para kunin iyon at dalhin iyon sa kanya.

"Ito pala order mo oh " Sabi ko sabay lapag ng pagkain sa lamesa nya.

"Wow! ang ganda naman ng pagkakadesign dito. Talagang may muka pa ni Kim Seokjin ha? "

"Syempre, specialty nga eh. O sige, mag tratrabaho muna ako. Balikan nalang kita mamaya "

"Sige, enjoyin ko lang itong pagkain nyo dito "

Nakita kong may bagong pasok na customer at umupo sya sa bakanteng upuan.  Pumunta ako doon para tanungin ang order nya.

"Violet  "  narinig ko ang tawag ni ms. Jung saakin. 

"Saglit lang po ha " sabi ko sa bagong dating na customer. Pumunta ako kay ms. Jung.

"Bakit po?" 

" Pwede mo ba hanapin yung listahan ng isa kong recipe doon sa loob ng office ko? malabo na kasi ang mata ko at kailangan kong umalis ngayon para sa meeting ko tungkol dito sa cafe. Kukunin ko nalang pag balik ko ha? Ikaw lang maasahan ko sa paghahanap dahil matalas pa ang mga mata mo kumpara sa iba "

"Sige po " 

At doon na umalis si ms. Jung.

Pumunta ako sa office nya at sinimulan hanapin ang sinasabi nyang recipe. Ang dami namang papeles na nakatambak dito. Nagmamadali siguro si ms. Jung kayaa naiwanan nalang nyang ganito ito.

At...ayun!! Nakita ko ang hinahanap nya. Itinago ko ito sa bulsa ko para ibibigay nalang ito sa kanya. Ayoko tignan yung recipe dahil mukang secret lang ata iyon para dito sa cafe.

Nagpasya na ako lumabas ng opisina ni ms. Jung.

"Sinabing walang kikilos eh! Papatayin ko talaga itong babaeng to! "

Ano yung ingay sa labas? Agad akong sumilip at nakita ko yung lalake na hawak si Miya at nakatutok sa kanya ang baril.

"H-huwag po! please lang, madami papo akong pangarap sa buhay "

"Ibigay nyo saakin ang pera nyo lalo na yung sa cashier! dahil kung hindi, papatayin ko talaga itong babaeng ito! " Sabi nya habang nakatutok yung baril.

Nilabas ng cashier namin yung pera at ganun rin yung ibang tao dito sa cafe. Nilabas narin ni Miya yung sa kanya. Agad kinuha ng lalaki ang mga pera at nilagay yon sa bag nya. Parang kilala ko itong lalaking to ah? Parang sya yung customer na kukuhaan ko kanina ng order kaya lang tinawag ako ni ms. Jung.

"Walang tatawag ng pulis dahil kung sino man ang tumawag, papatayin ko"

3rd Person's Point of View

Lumabas agad ang lalaki pagkatapos nya kunin ang pera ng mga tao.

Agad nataranta ang mga tao dahil sa pangyayaring iyon at yung iba naman ay nag sisi- iyakan dahil nawalan sila ng pera. Ang mga katrabahador sa cafe ay tumawag na ng mga pulis at agad nilang nireport kay ms. Jung.

Samantala...

Agad na tumakbo si Violet palabas ng cafe at nagtataka ang mga katrabahador nya kung bakit sya tumakbo palabas. Napansin din ni Miya ang paglabas ng kaibigan nya.

"Violet, saan ka pupunta?!!" nakita nyang malayo na si Violet kaya nagpasya nalang syang sundan ang kaibigan nya.

Binilisan ni Violet ang kanyang takbo para mahabol ang lalaking nanghostage kanina sa cafe. Hinding - hindi nya hahayaan makuha ng lalaki ang pera ng mag tao. Dahil alam nyang pinaghirapan nila iyon.

Napansin ng lalaki na may humahabol sa kanya kaya nagpasya syang lumiko sa may sulok. Hindi naman nagpaiwan si Violet at ganun din ang ginawa nya. Umakyat ang lalaki sa may bakod at ganun din ang ginawa ni Violet. Maraming tao sa paligid sa kabila ng bakod na nilagpasan nila. Kaya tinulak ng lalaki ang mga tao para maharangan si Violet sa kanyang pagtakbo, pero agad nyang inilagan ang mga ito at itinayo ng mabilis.

Lumiko ulit ang lalaki sa sulok. Dirediretsyo sya sa pagtakbo hanggang sa may nakita ulit malaking pader. Sinubukan nyang umakyat, pero hindi sya makaakyat dahil nadudulas ang kamay nya.

Ang ibig sabihin non ay...

"Mukang dead end kana.."

Next Chapter...

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon