(lumipas ang tatlong araw)
Violet's POV"Sigurado kang ok kana ha? " Tanong ni mommy.
Nabalitaan nilang nagising na ako nung isang araw kaya agad silang pumunta dito. Buti naman ma didischarged na ako ngayon. Ang boring dito dahil wala kang magawa.
"Opo, maayos na maayos na"
" Nakakakilabot naman dahil biglang nagbago ng kulay ang buhok mo." Hindi parin maka move on si daddy sa buhok ko.
" Pero atleast bagay sayo. Magaling din nag kulay ng buhok mo no? HAHAH" dagdag pa ni daddy. Hindi ko alam kung namumuri ba ito o nang-aasar lang eh. Malakas din kasi tama nito minsan.
"Naka handa na ang sasakyan. " Sabi ni Miya. Kinuha na namin ang mga gamit at sumakay na ng sasakyan para makauwi na kame ng bahay.------------------------------------------------------------------------------------------
"Uuwi na ako saamin. Mag iingat po kayo mr and mrs. Valir. Lalo kana Violet"
"Sige, Miya, salamat ulit" at doon na umalis ang sasakyan ni Miya.
Pumasok na kame ng bahay at naisipan namin ni daddy na umupo.
"Mag hahanda lang ako ng makakain" sabi ni mom at pumunta sya sa kusina.
Binuksan ni dad ang tv at nilipat nya sa movie. Pinili nya yung super hero movie. Nakalimutan ko na yung title eh.
Nanood lang kame ng tahimik. Hindi naman ako kagaano mahilig sa super hero movie. I mean, medyo lang, pero d naman ako masyadong fan kagaya ni dad at ng ibang tao.
Nakakaramdam ako ng parang may tumitingin saakin. Lumingon ako at nakita kong si dad pala iyon.
"Dad, may problema ba? "
"Wala naman. Gusto ko lang siguraduhin na maayos kana ulit"
"Ok na po ako. Huwag nyo na po ako alahanin."
"Nakahanda na ang pagkain!! " rinig namin si mom sa lamesa at nakita naming nakahanda na ang pagkain.
Nagsimula na kameng kumain. Tahimik lang kameng kumakain at ni isa walang nagsasalita. Tila wala akong kasama dito sa bahay eh.
" Nagyon ko lang napansin" biglang sabi ni mom. Buti naman may nag salita na.
"Parang ang ganda mo pala lalo kapag ganyan buhok mo no? "
ಠ_ಠso parang sinasabi ba nila na ang pangit ko noon? sakit ha!
" Pwede kana ulit magka boyfriend nyan" Dagdag nya pa. Napasapo nalang ako sa noo.
"Hon naman. Alam mo naman na yung nangyari kay Violet nung nakaraan" sabi ni dad. Kung hindi si dad ang mangaasar, si mom eh.
"Alam ko naman yun. Binibiro ko lang ang anak natin. "
Itinuloy nalang ulit namin ang aming pagkain.------------------------------------------------------------------------------------------
Natapos kame kumain. Pero pakiramdam ko parang nahihilo ako.
"Oh anak, ayos ka lang? " narinig kong tanong ni dad.
"O-opo...M-medyo nahihilo lang ako"
Lumapit si dad saakin at hinawakan nya ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit, siguro kailangan mo lang mag pahinga"
"Sige po"
Umakyat nalang ako habang nakahawak mabuti dahil baka malaglag ako bigla.
Pumasok ako sa kwarto at agad na humiga. Bakit kaya ganito pakiramdam ko? Hindi naman ako buntis para magkaganito. Hindi na ako makapag isip ng dahilan dahil bigla nalang pumikit ang mga mata ko sa sobrang antok ko.
------------------------------------------------------------------------------------------"MAHAL NA REYNA! Ubos na ang mga sapironians. Nahanap nyo na po ba ang bato?"
" Hindi, nakatakas ang bato."
"Nakatakas?! Magagalit po si ****-"
" HUWAG MONG ITUTULOY ANG PANGALAN NAYAN!"
" Masusunod po. Ano po gusto nyo gawin?"
"Umalis na tayo dito at pasabugin ang planetang ito para ma tiyak na walang matitirang sapironians"
*KRIIIINGGGGGG KRIIIIIINGGGGGG*
*Pak! *
Nagising naman ako bigla sa alarm clock na ito kaya pinatigil ko nalang. Chineck ko ang oras ng phone ko at.....7:30 AM na??!!!!!!! HALA KAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
Teka, ano oras ba ako natulog kahapon.
Isip....isip...isip...isip...
Mga 2:30 Pm. Tapos nagising ako ng 7:30 AM. So it means, HINDI AKO NAKAPAG HAPUNAN!!!
Pero hindi naman ako nakakaramdam ng gutom ngayon. Pakiramdam ko ay...normal lang. Ang weird naman.
Wala na nga pala akong trabaho ngayon kaya bakit pa naka set yung alarm clock ko? Sana automatic nalang yang hindi nag seset kapag wala akong trabaho. Nakakatamad kasi. Hay nako. Makapag hilamos na nga lang.
Napatingin ako sa salamin at talagang agaw attention saakin ang kulay ng buhok ko. Well, inaamin kong maganda ang kulay at sa tingin ko ay bagay saakin. Pero parang nakakairita din dahil palagi akong inaasar nila mama at papa. Higit sa lahat, mukang hindi ako tatanggapin sa trabaho dahil kailangan sa interview ay pormal.
Teka may pangkulay dito eh. Wait lang.........AYUN!! ito yung ginamit kong pangkulay noon kay Miya noong gusto nya magpakulay ng itim. Para sa mga hindi nakakalam, kulay brown kasi ang buhok non. Eh gusto nya daw mag pa itim dahil idol nya si Katy Perry.
Sinimulan ko ng lagyan ng kulay ang buhok ko. Kailangan ko nalang mag antay siguro ng isang oras. Siguro sapat na iyon para matuyo ito. Napayuko nalang ako at napapaisip padin ako sa panaginip ko. Ano kaya ibig sabihin non? Na we-weirduhan na ako eh.
*Plink, Plink*
Napansin ko na parang may tumutulo sakin na kulay itim. Teka, hindi kaya ito yung....
Agad akong napatingin sa salamin at napansin kong parang hindi dumikit yung kulay sa buhok ko. Sinubukan ko ulit, pero ayaw. Umulit uli ako, pero ayaw parin. Isang ulit pa, PERO AYAW PARIN!!!
Naubos na ang pangkulay at medyo naiirita na ako.
Sa sobrang irita ko kinuha ko ang kunting at sinubukan kong gupitin ang buhok ko
(Pero konti lang syempre. Ayaw ko makalbo)
*WHRACk!*
ANO BAYAAAAAAAAAAAAAN!! Nasira yung gunting. Bakit parang ang tibay naman nitong buhok ko? Sino ba ang gumawa nito at bakit parang ayaw akong ibalik sa normal na kulay ng buhok ko!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!"
Naisipan ko nalang mag hilamos. Total, ayun naman talaga ang gagawin ko eh. Gawan ko nalang siguro ng paraan mamaya kung papaano susulutionan itong buhok ko.*SLAM! *
Agad akong napatingin sa pintong biglang nagsara ng napakalakas. Biglang tumayo ang balahibo ko sa takot. Wala namang multo dito sa bahay ah?
Napa sign of the cross nalang ako sa sobrang takot. Agad ko nalang binilisan ang paghihilamos ko. Shyet wag ka pipikit baka magpakita yung multo.
Agad kong binanlawan ang muka ko at pinunasan ko ng maliit na towel.
Lalabas na sana ako dito sa cr, PERO NAKA LOCKED!!!!
"MOMMY!!! DADY!!! Tuloonggg!!"
Ngayon lang ako natakot sa buong buhay ko. First time ko lang makaramdam ng multo dito sa bahay. Kung ano man ang kasalanan ko, patawarin nyo ko pleaseee.
"Ehem!"
.......
.......
.......
.......Basta ako hindi ako yung nagsalita non ah. Kasi ang alam ko ako lang yung tao dito sa cr eh.
So kung hindi ako yung nagsalita.....Ibig sabihin ay........
"Pwede kabang humarap saakin "
Dahan-dahan kong hinarap ang ulo ko sa kanya ng medyo nanginginig.
"Kamusta? maari ko ba malaman ang iyong pangalan? "Next Chapter.
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...