Naranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli?
Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...
Pagdilat ko agad kong inunat ang aking katawan. Teka, nasa biyahe padin kame.
Tinignan ko si Miya na nagdridrive.
"Oi gising kana pala"
"Ilang oras na tayo bumabyahe?"
"5 hours"
"5 Hours!! Tapos wala parin tayo sa destination natin? "
"Okay lang yun ano kaba? Road Trip nga eh. Sino ba naman kasi natutulog sa road trip??"
"Eh sabi mo matulog ako eh"
"Eh bat ka naniwala? "
Tumahimik nalang ako.
"Tignan mo kasi yung view oh"
Ginawa ko ang sinabi nya at napanganga ako sa ganda.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
"Oh dba???? Sinasayang mo yung pagkakataon eh"
Mukang tama nga sya. Masarap palang pagmasdan ang ganitong view no? Buti nalang naisipan kong lumabas. Wala parin siguro akong mapapala kung magkukulong parin ako doon.
"Oo nga pala, San pala papunta ang biyahe natin? " Tanong ko.
" Papunta sa bundok"
"Bundok? ano naman gagawin natin doon? "
"Basta, antayin mo nalang. Malapit-lapit nadin tayo. Enjoyin mo nalang yung view dyaan at ako na bahala papunta doon"
At nandito nga kame sa bundok. Tinignan ko yung oras, 5:20 na pala.
Kinuha ko ang gamit ko sa loob ng sasakyan.
"Violet, tulungan mo nga ako dito" lumapit ako kay Miya.
"Ano yun? "
"tulungan mo akong itayo ito"
May inabot sya saakin na parang stand.
"Sige, pero ano ba ang itatayo natin? "
"Edi Tent, mag cacamping din tayo dito para masaya" Mukang maganda naisip nya.
Tinulungan ko syang mag tayo ng tent at natapos din kame.
"Phew ! medyo napagod din ako doon ah"
"Ako din, buti medyo malaking tent ang nakuha mo"
Nagpasya kame ni Miya tignan ang view at napangiti kame sa ganda ng view na nakikita namin mula dito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
Akalain mo na kahit napaka sakit ng binibigay sayo ng mundo, may magandang tawanin parin pala ito.
"Tara Violet, picture tayo"
Nilabas ni Miya ang kanyang phone. Lumapit ako sa kanya.
"1....2.....and... *Click* "
"Para may memories tayo"
Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya nya. Wala talaga akong naging kaibigan noon mula pagkabata hanggang college. Kahit maingay ang bunganga nito, hindi ko hahayaan na merong manakit sa kanya.
"Mag-gagabi na pala." bigla nyang sabi.
"May panggatong din akong dinala. Nandoon sa likod ng sasakyan, nakaplastic, pakikuha nalang"
Pumunta ako sa likod ng sasakyan at kinuha ang itim na plastic. Medyo mabigat ang mga ito, pero kakayanin naman. Nilagay ko iyon sa gitna.
"Asaan nga pala ng lighter? " Tanong ko.
"Eto oh" Inabot nya saakin at sinimulan ko nang sindihan. Pagkatapos non, umupo ako sa tabi nya.
"Mamaya kakainin natin ito" Sabi nya at tinuro nya saakin ang malaking tupperware na hawak nya na puro barbecue ang loob.
" Alam mo napaka swerte ko din pala no" Napatingin sakin si Miya bigla sa sinabi ko.
"Ano ang ibig mong sabihin? "
"Kasi nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo. Kung wala ka siguro, baka wala akong neexperience na ganito at baka mag isa parin ako"
" Syempre naman. Tayo tayo lang naman nagtutulungan eh"
"Masaya ako at muli kang bumabangon para sa sarili mo" dagdag nya pa.
"Oo, ayoko din kasi na habang buhay akong nakakulong sa kwarto at ma depressed sa walang kwentang dahilan"
"Tama lang yun. Huwag mo sayangin ang buhay mo sa taong hindi nararapat sayo."
"Pero sa totoo lang, hindi pa ako gaanong ok. Pinipilit ko lang na bumangon ngayon para magsimula ulit"
"Ok lang yun. Ganun talaga ang buhay, hindi minamadali. Take time lang kasi yan. Mawawala din yan"
Mukang tama sya. Lilipas naman din ito.
"Oi! oi! " Bigla nya akong kinakalabit.
"Ano ba yun? "
"May shooting star!! Bili mag wish tayooo!! "
"Naniniwala ka doon?? eh pambata lang naman yun eh"
"Bahala ka nga dyan, basta ako mag wiwish"
Nakita kong para syang nagprapray nung dumaan yung tinatawag nyang shooting star. Wala naman nangyayari kapag nagwiwish ka doon dba? Sa pelikula lang naman yun eh.
"O ayan, nakapag wish na ako. Sinayang mo yung pagkakataon"
"Bakit naman ako magwiwish? Eh sa pelikula lang naman nangyayari yon. Baka kapahamakan lang maidudulot nyan?"
"Hay nako, mag isip ka nga ng positive. Puro ka negative kaya nagkakaganyan ka eh" Ouch, medyo tinamaan ako non ah.
"Mangyayari ba talaga lahat ng humihiling doon? "
"Oo naman!! Basta maniwala ka lang at maging positive ka lang, paniguradong gagana kung ano man ang hiniling mo"
Napabuntong hininga nalang ako.
"O sige na nga"
"Yehey!!! Teka, antayin natin sana may dumating pang shooting star"
Ilang minuto ang lumipas.....
"AYUN!!" Bigla nyang turo sa langit. Nakita ko ang sinasabi nyang shooting star.
"O bili, mag wish kana!!!" Ginawa ko ang porma nya kanina kung papaano sya mag wish.
Teka, ano ba ang hihilingin ko? um......Sana magkaroon ng pagbabago sa buhay ko na pwedeng maging opportunity para sa sarili at kabigan ko. O ayan lang ang wish ko. Dinilat ko ang mga mata ko at napansin kong si Miya na nakatulala sa langit.
"O ayan, nakapag wish na ako" Pero wala parin syang kibo at nakatulala parin sa langit.
"Hoy!! Ano ba ang nangyayari sayoo? " Inalog-alog ko sya para magising sa pagkakatulala. Nakita kong may tinuturo sya sa langit.
"Violet, tignan mo nga kung saan papunta yung shooting star" tinignan ko ang shooting star at parang naging tuldok ito. Teka, bat nagkaganun??
"Bakit naging ganun yun? " sabi ko.
"Hindi ko din alam, pero parang may masama akong pakiramdam sa shooting star nayun"
Parang hindi umaalis ang shooting star sa pwesto nya. Hindi ba dapat kanina pa wala iyon? Pero tinitigan ko ito mabuti at parang may napapansin nga akong hindi maganda..
" Miya, tumakbo na kaya tayo."
Paunti-unti na kameng naglalakad paatras. Ay hindi ko paba nasasabi kung bakit parang na shocked kame? ang shooting star lang naman ay....PAPUNTA SAAAMIN!!!!!!
Tumakbo na kame palayo. Tinignan ko ang shooting star at medyo malapit na ito saamin.
"Ayan ang sinasabi ko ! Disaster ang madudulot ng shooting star!!" Sabi ko habang tumatakbo kame.
"Eh ikaw naman din kasi may kasalanan dahil binalewala mo yung unang shooting star."
Patuloy lang kame sa pagtakbo hanggang sa....
*BOOOM!*
Naramdaman ko nalang ang aking pagtalsik at doon na nawala ang aking malay.