Kinabukasan...
Violet's POV* Kriiiing ! Kriiingg ! Krii - *
Agad kong pinatay ang alarm clock gamit ang kapangyarihan ko.
* Yawwwn *Napasarap ata ang tulog ko kagabi. Grabeeee ang daming nangyaring kabaliwan kahapon. May nagwawalang customer, sobrang init, at.... yung kasama ni Miya na nag ngangalang debra. Parang kilala ko talaga ang babaeng iyon, pero hindi ko lang matandaan. Sana magpakita si reyna Silda ngayon. Baka sakaling masagot nya ang katanungan ko. Ilang araw narin syang walang paramdam saakin.
Teka ano oras naba?
.... 8:40 Am na pala. Tinignan ko yung araw ngayon at sunday. Ibig sabihin ay day - off ko. Bakit bigla akong kinabahan nung gumising ako? Pakiramdam ko'y may masamang mangyayari.
Humiga nalang ulit ako. Kahit naman day - off ko ngayon, wala naman akong magawa. Ang boring (ˉ﹃ˉ)Hindi ako sanay ng walang ginagawa. Ano bang pwedeng gawin.
Isip.....Isip.....Isip........
.....
.....
Ayun ! Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Miya. Buti naman at sinagot nya agad.
* Phone Call Conversation. *Miya : Hmmm? Violet? * Yawwwn * Napatawag ka ata.
Violet : Oo. Kakagising mo lang ? Naistorbo ba kita?
Miya : Hmmmm? H-hindi naman...Wala naman akong trabaho ngayon kaya ayos lang.Violet : Aah ganun ba? Gusto mo ba lumabas ngayon? Wala kasi akong magawa eh--
Miya : LETS GO !!!!!! KITA NALANG TAYO MAMAYA SA BAHAY MO AH !?
* End call *Sabi na eh, dapat hindi ko muna diniretsyo para sumigaw yung babaeng yon -_-
Hay nako. Ang importante ay lalabas kame. Humiga muna ako dahil mamaya pa naman daw yon. Sinubukan ko muna mag libot - libot dito sa kwarto ko. Sadly, wala akong magawa...
" Violet ! Bumaba kana dyan at mag almusal kana ! " rinig kong tawag ni mommy saakin.
Bumaba nalang ako para kumain.------------------------------------------------------------------------------------------
Natapos na ako kumain at agad akong umakyat sa taas at naligo. Pag pasok ko sa kwarto, hindi ko alam kung ano isusuot ko. Naglibot ako sa paligid para maghanap ng maisusuot
Nag suot nalang ako ng white channel t- shirt at isang rip jeans na may kapares na timberlands shoes.* BEEP ! BEEP ! * Mukang andyaan na yung sundo ko. Agad ko na sinuot ang wig ko at kinuha ang aking bag, tyaka bumaba.
" MOM ! DAD ! aalis lang po kame ni Miya. Mamasyal lang po kami ! "
" O sige, mag ingat kayo ha? " Sabi ni mom.
" Tumawag ka saakin Violet pag uuwi na kayo " Sabi ni Dad.
" Opo ! " Dumeretsyo na ako sa sasakyan ng kaibigan ko.
" Yo! Wazzup ! " pagbati nya. Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay.
" So Saan pala ang punta natin ngayon ? " Tanong nya.
" Ewan. Sa mall? "
" O tara. " Pinaandar na nya ang sasakyan at umalis.------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang oras ang nakalipas, nakarating narin kame sa mall. Bumaba na kami ng sasakyan saka pumasok sa loob.
" Ano muna gusto mo gawin ngayon ? "
" Gala muna tayo " Sabi nya.
3rd Person's Point of View.At nag libot - libot ang magkaibigan sa loob ng mall. Nagpag isipan nilang bumili ng mga gamit kagaya ng bag, damit , cosmetic products na gusto ni Miya , at iba pa. Pagkatapos nila gawin ang mga iyon, nagpasya silang manood muna ng movie sa sinehan.
Natapos ang mahigit dalawang oras na panonood, nakaramdam ng gutom ang dalawang magkaibigan at napagisipan nilang kumain sa Ice Cream shop. Ayaw muna nilang kumain na nakakabusog para makagala pa sila at magawa ang gusto nila.
Violet's POV" ito oh" nilapag ni Miya ang order namin sa lamesa.
Ang inorder ko ay banana slpit ice cream, sya naman ay cookies and cream overload.
* Click ! *
Talagang pinicturan nya pa muna ang pagkain bago nya ito kainin. Tapos syempre ipopost nya iyan sa instagram nya. Alam ko nayan. Kabisado ko na galaw nyan.
" Saan pala sunod na pupuntahan natin ? " Tanong nya." Saan mo ba gusto ? "
" Ikaw bahala "
Sinubukan kong tignan ang paligid dahil baka may mapagtripan kaming puntahan at...Ayun !
" Punta tayo doon sa haunted house ! Mukang masaya doon "
Napatigil si Miya sa pagsubo nya ng pagkain at nag iba ang reaction ng muka nya.
(⊙_⊙;) <- Miya
" H-h-hunted house ? ... "
" Oo, bakit, natatakot kaba ? "
" H-hindi naman sa ganun, pero..."
" Huwag kang mag - alala, akong bahala sayo. Hangga't kasama mo ako, walang mangyayari sayo at hindi naman totoo lahat nang andoon. Peke lang yung mga iyon "
" K-kung ayun ang gusto mo....Sige "
3rd Person's Point of View.Nang matapos na sila kamain, agad na dumeretsyo sila Violet sa Haunted house kahit na kinakabahan ang kaibigan nya. Hinawakan nya ang kamay nito para hindi gaanong kabahan. Agad silang pumasok sa loob at sa una palang ay nakakatakot na dahil may mga nakakakilabot na mga statwang nakatayo ( Halimaw )
Marami namang tao ang nasa loob kaya medyo nawala ang takot ni Miya. May mga nagkakataong natatakot at nagugulat parin sya kagaya nang pagbiglang pagsulpot ng mga nakakatakot na mascot, bigla - biglang may humahawak sa kanya , at ang nakakatakot na background music sa loob ng Haunted house. Tinawanan nalang ni Violet ang kaibigan nya dahil sa mga reaction nito.
" Oi bilisan nyo ! Paparating na yung killer clown kaya tumakbo na kayo !! "Nagkaroon bigla ng tulakan at siksikan sa loob ng Haunted House dahil sa sinabi ng lalaki. Medyo nahihirapan ang dalawang dalaga dahil sa nangyayari. Hindi na gaanong mahawakan ni Violet ang kamay ni Miya at malapit na ito bumitaw.
" V-viole--"
"MIYA ! "
At doon na nga sila tuluyang naghilay. Hindi na nila makita ang isa't isa dahil sa siksikan at dami ng mga tao.
" Aantayin kita sa labas ! " Sigaw ni Violet.
------------------------------------------------------------------------------------------Lumipas ang kalahating oras.
Violet's POVPagkatapos ng maraming siksikan na iyon, nakalabas na ako. Inaantay ko nalang si Miya na lumabas. Sana naman ok lang sya at wala sanang masamang nangyari sa kanya sa loob. Napansin ko narin na pakonti na nang pakonti ang mga taong lumalabas hanggang sa....
Wala nang natira.
Agad akong nagtanong sa lalaking nagbabantay."Excuse me, asaan na po yung babaeng nasa loob? Bakit hindi pa po sya lumalabas ? "
" Ay sorry po mam, dahil wala napong tao sa loob eh "
" HUh? Papaanong nangyari iyon eh wala namang lumalabas dito kanina at ako ang unang lumabas dito para makita sya "
"Sorry po talaga mam, wala na po talagang tao sa loob " Sabi nya at tyaka sya umalis.
Medyo nataranta ako at sinubukan kong tawagan ang cellphone nya, pero walang sumasagot. Naglakad - lakad muna ako saglit baka sakaling makita ko sya. Hanggang sa...
" Tignan mo yung balita oh, merong dalawang tao sa taas ng building at balak nya ihulog ang kasama nya "
Narinig ko bigla ang sabi ng isang tao at nagsisiksikan sila sa telebisyong binabalita. Agad akong nakisiksik para makita iyon at......si MIYA IYON AH ! ano ang ginagawa nya doon? At nakita kong merong humahawak sa kanya at balak syang ihulog. Hindi ko makita ang taong iyon dahil nakasuot sya ng witch cape na may hood.
Alam ko kung saang yung building na iyon kaya agad akong umalis bago pa mahuli ang lahat.
Mag antay ka lang Miya. Parating na ako.
Next Chapter........
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...