Chapter 10

1 0 0
                                    

Violet's POV

Dinilat ko ang mga mata ko at pakiramdam ko'y sobrang sakit ng katawan ko. Teka, ano ba ang nangyari? Oo nga pala, sinusundan kame ng shooting star este ng bulalakaw kanina at nag landing iyon saamin kaya nagkaroon ng pagsabog at tumalsik ako. Impossibleng shooting star yon dahil hindi naman siguro mangyayari yon dba? Buti nalang buhay pa ako.

Teka...si Miya nga pala???

"MIYAA!!!" tumayo ako, kahit medyo nahihirapan ako.

"MIYAA!!!" Wala paring sumasagot. Jusko, sana buhay pa ang babaeng iyon.

"MIYAA!!!!"

"Yow!!" Nakita ko ang kamay nyang naka piece sign at parang na sa loob sya ng damo na iyon. Lumapit ako kung nasaan sya.

"Buti buhay kapa"

"Parang gusto mo na ata akong mamatay ah? "

" Hay nako, tumayo ka na nga diyan."

"Teka, nahihirapan akong makatayo" Pinilit nyang tumayo, pero parang na stuck sya. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at nakita kong nakasabit sa maliit na sanga ng damo ang kanyang damit.  Kaya tinanggal ko ang maliit na sanga na iyon at nakatayo na ang kaibigan ko.

"Salamat"

"Walang anuman"

"Buti ayos ka lang"

" Ano nga pala ulit ang nangyari bakit nagkaganito ang itsura natin? Nakalimutan ko na eh "

" Sinundan tayo ng bulalaw at naglanding iyon malapit saatin"

"Hindi ba shooting star yon? "

"Miya, kung shooting star yon, hindi mag lalanding yon saatin"

" Sabagay. Tara, bumalik na tayo sa pwesto natin. Nagugutom na ako eh"  Nagsimula na sya maglakad.

Maglalakad na sana ako papunta doon sa pwesto namin kanina......pero parang nararamdaman kong may tumatawag saakin kaya napahinto ako.

"Miya.....Wala kabang naririnig? "

"Wala bakit? "

"Parang may nararamdaman akong kakaiba eh"

"Huy!! huwag ka nga manakot diyan." 

Hindi ko talaga maintindihan, pero parang may nagsasabi saakin na pumunta ako sa direksyon kung saan ko nararamdaman na parang may tumatawag saakin. Para akong natulala at bigla nalang akong nag lakad.

"Hoy Violet, san ka pupunta?! "

Hindi ko sya pinansin at patuloy parin sa paglalakad.

"Hoy, teka wag moko iwan!!" Naramdaman ko nalang ang kapit saakin ni Miya, pero naka focus ako sa sinusundan ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba sinusundan iyon, pero pakiramdam ko'y mahalaga iyon sa buhay ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ng aming paglalakad, nakita ko ang lugar kung saan tumama ang bulalakaw sa lupa. Mas lalong lumakas ang nararamdaman ko nung makita ko iyon. Pakiramdam ko may kakaiba doon.

"Violet, hindi ba parang diyan nag landing yung bulalakaw kanina bago tayo tumalsik? "

Oo, Miya, tama ka. Nararamdaman ko parin na may tumatawag saakin. Mas malakas ito kumpara kanina. Lalapit na sana ako doon, kaya lang nakaramdam ako ng pagpigil ni Miya sa braso ko.

"Violet, alam mo ba ang ginagawa mo? "

"Hindi, pero gusto kong tignan kung ano meron doon"

"Baka mapahamak ka. Huwag mo na ituloy ang binabalak mo"

"Miya, kung natatakot ka, pwede ka naman mag stay dito"

"P-pero -" Hindi ko na sya pinatapos at naglakad na ako papunta kung saan nag landing yung bulalakaw kanina. Napansin kong hindi naman ganun ka baon ang binagsakan nito. 

Sinilip ko ang loob non at napansin ko na parang may nag bli-blink na ilaw. Na curious ako kaya lumapit ako. Parang bumibilis ang pag blink nya habang lumalapit ako at lumalakas din ang pagtawag saakin. 

Nang makalapit ako, ngayon ko lang naliwanan kung ano ba ang nagbliblink na ito...

ISANG GEMSTONE!!! 

"Violet, ayos ka lang ba dyan?? "

"OO !! AYOS NA AYOS LANG. TIGNAN MO ITONG NAKITA KO ! "

"ano bayan? "

"Isang Gemstone !  "

"Gemstone?? papaano naman nagkaroon ng gemstone dyan?? "

"Hindi ko alam, bumagsak lang ito sa langit hindi ba? "

"Bumagsak sa langit? ibig sabihin, ayan yung- "

"OO!! ito yung bulalakaw or shooting star na tinutukoy natin "

"Papaano naman napadpad sa langit yan ? "

"Ewan ko din "

Tinignan ko ang gemstone at mukang ito nga ang nararamdaman kong tumatawag saakin. Parang natutukso akong tignan at hawakan ang bagay na ito dahil sobrang ganda nyang tignan.

"Violet, umalis kana kaya diyan. Baka mapahamak kapa"

Hindi ko sya pinakinggan dahil mas inintindi kong tignan ang bagay na ito. Parang inaakit nya akong hawakan sya. Sinubukan kong hawakan sya at........


*BOOOOOM!!!*

3rd Person's Point of View.

Nagkaroon ng pagsabog nang hawakan ni Violet ang gemstone. Nang sumabog ito, pumasok sa katawan nya ang kapangyarihan ng gemstone ng hindi nya namamalayan. Nagkaroon din ng malakas na hangin kaya nawalan ng balanse si Miya.

Pagkatapos ng pagsabog na nangyari, nahimatay si Violet.


Miya's POV

Nagulat ako ng biglang may sumabog. Teka si  Violet.

"VIOLET!!!" agad akong bumaba sa at pinuntahan ang kaibigan kong nakahilata.

Chineck ko ang katawan nya at tinapik-tapik ko ang muka nito. Teka...namumutla sya!!

"Huy, gumising ka!"  pero wala akong narinig na sagot. Chineck ko ang pulso nya pati narin ang heartbeat nya. Mabuti nalang tumitibok pa ang mga ito. Sinubukan kong hawakan ang noo nya.

"Sh*t" ang taas ng lagnat nya. Bakit naman kasi nagkaroon ng pagsabog at nilagnat pa itong kaibigan ko? Yari ako sa magulang nya kapag nalaman nila ito.

Agad kong nilabas ang cellphone ko para tumawag ng doctor, pero kung minamalaas ka nga naman oh.. Walang signal. Lumayo muna ako saglit para magkaroon ng signal at salamat naman meron kakaunti.

"Hello 911, pwede po ba kayo magpadala ng ambulance dito? Nahimatay po kasi ang kaibigan ko"

"Opo, nandito po kame sa Mt. ******* "

"Ok po salamat. Pakibilis narin "

Ayan ang mga sagot ko sa tinawagan ko.

Nagpasya akong buhatin itong si Violet. PERO GRABE HA! ANG BIGAT NYA! Mas matakaw panga akong kumain sa kanya at hindi ko inaasahan na ganito pa pala sya kabigat. Dinala ko sya sa komportableng lugar.

*Wiu – Wiu, Wiu – Wiu*

Andyan na pala ang ambulance. Buti nakarating agad sila.

"Asaan po ang nahimatay ? " 

"ito po sya" 

Ihiniga at isinakay na si Violet sa loob.

"Pasok narin po kayo sa loob " Sabi ng isang nurse. Kaya pumasok narin ako.

Tinignan ko si Violet.

"Huwag ka mag-alala, magiging maayos din ang lahat"

------------------------------------------------------------------------------------------

( Hospital )

Bumaba na kame at pinasok na sya sa hospital. sinusundan ko lang sila habang dinadala si Violet sa room.

"Mam, hanggang dito nalang po kayo"

Sabi ng nurse. Kaya wala akong magawa. Jusko, sana ok lang ang kaibigan ko.

"Miya? " napatingin ako sa tumawag saakin at nakita kong ang mga magulang ni Violet.

Sa mga hindi nakakaalam, tinawagan ko sila habang nasa loob ako ng ambulance at pinaalam ko na sa kanila ang pangyayari at sinabi ko narin na papunta na kame sa hospital kaya andito narin sila.

"Mr. and Mrs. Valir! " agad akong yumuko sa harap nila.

"Pasensya na po sa nangyari sa anak nyo "

Naramdaman kong inangat ako ni Mrs. Valir.

"Ayos lang yun, ang importante ay wala naman napahamak ng husto sa inyo"

"May update naba ang doctor? " Tanong ni Mr. Valir.

"Wala pa po, pero chinecheck na po nila si Violet"

Narinig namin ang pagbukas ng pinto at nakita namin ang doctor.

"Sino dito ang magulang ni Ms. Violet Valir? " sabi ng doctor.

"Kame po " sabi nila Mr. And Mrs Valir.

"Base sa nakita namin sa anak nyo. Ang kalagayan nya ay...."



Next Chapter...

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon