Violet's POV
"Ito ba yung sinasabi mong gagantihan mo ? "
"ANO BA! BITIWAN MO NGA AKO! " Nagpupumiglas ako, pero masyadong malakas ang hawak nito saakin.
"Oo, sya nga yun. " sabi nung dati kong inupakan.
Bigla nalang akong naramdaman na may humila ng paa ko paangat at binuhat nila ako.
"IBABA NYO AKO! " Hindi sila nakinig at naglakad lang sila kasama akong binubuhat."ANO BA! SINABING IBABA NYO AKO!!! "
"Wala ka nang magagawa. Sabi ko naman sayo babalikan kita eh FwuHAHAHAAH "
3rd Person's Point of ViewDala dala ng mga lalaki si Violet at pasikreto nila itong binibitbit para hindi mapansin ng mga pulis.
Nagpipilit si Violet na magpumiglas, pero hindi nya magawa dahil hawak - hawak sya mabuti ng mga lalaki.
Kung nagtataka naman kayo kung saan sya dadalhin, malalaman nyo yan sa point of view ni Violet.
Violet's POV"ANO BA! TALAGANG YARI KAYO SAAKIN KAPAG HINDI NYO PA AKO BINABA! "
Pero parang wala silang narinig saakin. Wala bang mga pulis dito sa lugar na ito?"Saan nyo ba ako dadalhin ha?! "
"Itatapon kana namin " Sabi nung dati kong binugbog.
Saan naman kaya ako itatapon ng mga ito.
Nakita ko sa mga vision ng mata ko na ang tulay. Wag nilang sabihin na doon nila ako itatapon?
"Eto naba yung lugar, boss ? "
"Oo, dyaan sa ilog natin itatapon itong babaeng ito."
"Baka mamatay ito - "
"WALA AKONG PAKE!!!!"
Sa ilog pala ako itatapon ng mga ito. Kailangan ko ng makaalis dito. Hindi ko hahayaan na tapusin nila ang buhay ko. Marami pa akong pangarap sa buhay.
3rd Person's Point of ViewNagpipilit ulit si Violet makawala sa mga lalaki at naagaw naman yon ng attention nila.
"HAHAHAHAHAHAh sa tingin mo makakawala ka pa saamin? " Hindi pinakinggan iyon ni Violet at nagpapatuloy lang sya mag pumiglas.
"O tara, baka makawala pa itong babaeng ito" Sabi nung pinuno nila or yung taong binugbug ni Violet.
Naging mas malakas ang pagpupumiglas ni Violet kaya mas hinigpitan ng mga lalaki ang hawak sa kanya.
"O bibilang ako ng tatlo ha? "
Violet's POVKailangan kong makaalis dito.
"Isa..."
Ayan na..Bumibilang na sila.Pinipilit kong makawala, pero malakas talaga sila. Naramdaman kong bumebwelo na sila.
Bwisit ! Bwisit ! BWISIT!!!
Ano ang kailangan kong gawin.
"Dalawa..."
Lumuluha na ang mga mata ko. Sana merong maka tulong saakin.
Lord, bigyan nyo po ako ng lakas. Sana makaisip ako ng paraan.
"Dalawa't kalahati "Mukang ito na ang katapusan ng buhay ko.
Wala manlang tumulong saakin kahit isa-
"Sumigaw ka"Teka, parang kilala ko yung boses na yun ah.
"Sumigaw ka habang may oras ka pa"
3rd Person's Point of View
Napahinto ang mga lalaki ng makita nila si Violet na parang natutulog.
"Oi boss, mukang nawalan na ata ng malay ito. Itutuloy paba natin "
"Oo, ituloy nyo parin. Pagsabi ko ng tatlo, ihagis nyo nayan para mawala na ang sakit ng ulo ko at para makaganti narin ako. "
Tumango ang mga kasama nya sa kanya.
"Mag handa kayo ah. Tatl-- "
*SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!! *
Nagulat ang mga lalaki at nabitawan nila si Violet ng marinig nila ang lakas ng sigaw ni Violet. Hindi ito basta sigaw dahil isa itong supersonic scream. Ang sigaw na ito ay 300 decibels (Low level palang ng sigaw nya ito ) pwedeng ikasira ng tenga ng tao o pwede nilang ikamatay. Kapag tumaas pa lalo ang sigaw ni Violet, pwedeng magkaroon ng lindol, masira ang bundok, at pwedeng mamatay ang mga tao na tila abo kapag natamaan sila ng sigaw ni Violet.
Pinipilit ng mga lalaki takpan ang bunganga ni Violet, pero masyado itong malakas sa pagkakasigaw nya. Tumalsik rin ang isang lalaki dahil sa sobrang lakas ng hangin. Hindi na makagalaw mga ito. At dahil kanina pa nila tinatakpan ang tenga nila, napansin nila na parang may tubig na lumalabas sa tenga nila. Tinignan nila ang kanilang tenga at nakita nila na puro dugo na ang mga kamay nila. Wala na silang marinig at pakiramdam nila'y mabibiyak na ang ulo nila kapag nagtagal pa sila doon. Hindi narin sila makapagusap dahil bukod sa malakas na sigaw o supersonic scream na lumalabas kay Violet, wala narin silang marinig. Kaya nagsensyasan nalang sila na tumakbo at doon na silang tuluyan nawala.
Samantala...*SKREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!! *
Patuloy parin sumisigaw si Violet at tila wala sya sa sarili nyang pag-iisip. Biglang natanggal ang wig ni Violet at mas lalong lumakas ang sigaw nito. Nag glow ang buhok niya at doon lalo nagkaroon ng pwersa ang supersonic scream nya.
*PLOCK ! *
Sumabog ang mga ilaw sa pilig dahil sa sobrang lakas ng supersonic scream na ginagawa nya. Nagliliparan narin ang mga maliliit na bagay sa paligid at umuusog narin ang mga upuan,basurahan, at abandonadong sasakyan.*SKREEEEEEee........*
Bumagsak si Violet at nawalan ng malay pagkatapos mangyari ang kanyang ginawa. Naubusan sya masyado ng enerhiya at doon sya nakatulog.------------------------------------------------------------------------------------------
Violet's POV
Naramdaman kong may tumatapik saakin kaya nagising ako. Tinignan ko kung sino yung gumising saakin at nakita ko si...reyna Silda.
"M-mahal na reyna ? "
"Mabuti nagising kana. Ilang oras karin nakatulog "
"hmmmmmm." Umunat muna ako dahil parang naparasap ata ang tulog ko.
"Ano po ba ang nangyari ? " tanong ko. Bakit parang napaos ata ako bago ako makatulog?
Hindi sumagot sakin si reyna Silda at nakita ko ang daliri nya na may tinuturo saakin. Tinignan ko kung ano ba yung tinuturo nya at.........HOLY SHYEEETTTTTT!!! ANO TO!!!!!???? Bakit ang gulo ng lugar dito? Lumindol ba?
"A-ano po ang nangyari dito? Lumindol po ba? "
"Kagagawan mo yan "
....
....
....
Ano daw?
Tinuro ko pa ang sarili ko at tumango sya saakin. Papaano naman nangyari yun?" Papaano naman po nangyari yun? "
"Narinig mo ba ang boses ko nung multikan ka ng itapon sa ilog? "
"Opo. Narinig ko ang boses nyo at paluha na nga ako non. Ang pagkakarinig ko ay Sumigaw ka tapos non sumigaw......nga ako sa sobrang galit..." Parang ang weird naman isipin dahil lang sa sigaw, nagkaganito na ang lugar na ito? Kaya pala pakiramdam ko'y parang paos ako kahit hindi naman.
"Tama ang nasa isip mo. Dahil sa kapangyarihan mong sumigaw ng malakas, nagawa mong pigilan ang mga lalaking dapat na'y itatapon ka at napagtagumapayan mo iyon. Napasobra ang pag gamit mo sa kapangyarihan mo kaya ganito ang nangyari. "
"Namatay po ba ang mga lalaki? "
"Hindi, pero nagawan mong tanggalan sila ng pandinig kaya hindi na sila makakarinig kahit kelan." Nakaramdam ako ng guilty ng marinig iyon."Kunin nyo na po ito!! Ayaw ko na po itong kapangyarihang nakuha ko. Gusto ko na po maging normal na tao at baka makapatay na ako sa susunod at ayaw kong mangayari iyon. Pakiusap ! "
"Pasensya na...Hindi ko matatanggal ang kapangyarihan mo. Mas lala ang sitwasyon kapag tinanggal ko sayo ito at mas dedelikado ang kalagayan ng planeta mo kapag naisipan na ni Debra na sumugod dito. Tandaan mo, may mission ka kaya ka pinili ng bato at naniniwala akong hindi sya nagkamali sa pag pili sayo. "Mukang wala na ako magagawa. Kasalanan ko naman din kung bakit napunta ako sa ganitong kalagayan eh.
Nakita kong inabot saakin ni reyna Silda ang aking wig.
"Huwag ka malungkot dahil masasanay karin. Ito nga pala ang wig mo. Tumalsik ito kanina nung sumigaw ka." Binigay nya saakin ang wig at sinuot ko ito.
"Salamat p-" Bigla nalang syang nawala. Napabuntong hininga nalang ako.
Chineck ko yung cellphone ko at...1:13 AM Na?!! so ibig sabihin, madaling araw na?! Tinignan ko ang mga missed calls at text ng mga magulang ko.. Mukang yari ako pag uwi. Umalis nalang ako para makauwi na.
Next Chapter...

BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...