Violet's POV
Ilang araw na ako nakakulong sa kwarto. Simula nung nag resign ako sa trabaho at nung makita ko ulit yung walang hiyang lalaking iyon.
" Anak, hindi ka parin ba kakain? tatlong araw kana nakakulong dito sa kwarto mo. Baka malipasan kana nyan" sabi ni mommy.
"Busog pa po ako."Ilang araw nadin pala akong hindi kumakain. Sa tingin ko napapabayaan ko na ang sarili ko.
3rd Person's Point of View."Hon, nagaalala na ako sa anak natin. Baka mamaya mapano na iyon." Sabi ng mommy ni Violet.
"Huwag mo sya alalahanin masyado." sabi ng Daddy ni Violet.
"Anong huwag alalahanin? mamaya mag ka ulcer yang anak natin dahil ilang araw na hindi kumakain."
"May tiwala ako sa kanya. Alam kong malakas na babae sya at hindi sya kagaya ng iba dyan na mahina. "
"Hay nako ! Bahala kana dyan. " sabi ng mommy ni Violet at Umalis.
Violet Dad's POV
Tama sabi ng asawa ko. Ilang araw na nga nakakulong si Violet, pero alam ko naman na malalagpasan nya iyan. Ilang araw nadin bumibisita ang kaibigan nyang si Miya dito sa bahay.
Siguro mas maganda kung ako nalang kakausap sa anak ko.
*Knock ! Knock ! *
"Anak andyan kaba? " Pero wala akong narinig na sagot.*Knock ! Knock ! * Wala parin akong marinig na sagot pagkatapos non. Pumunta ako sa vase para kunin ang susi ng kwarto nya sa loob non.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang anak ko na nakahilata at nakatalukbong ng kumot.Sinubukan kong tapikin ang anak ko.
"Hmmmm??? "
"Alam kong hindi ka tulog, Violet. "
Tinanggal nya ang kumot nya at umupo sya. Sabi na eh.
Umupo narin ako sa tabi nya."Huhulaan ko, siya nanaman ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? "
Dahan dahan syang tumango.
"Kelan pa? "
"po? "
"Kelan kapa nya kinukulit? "
"Nung isang araw lang po."
"Ganun ba? "
Tumango nalang sya.
"Alam mo anak, kung bumabalik man ang nakaraan mo, kung nalulungkot, at kung alam mong nawawalan ka ng pag-asa, tandaan mong isang pagsubok lang ang lahat ng ito."
*Sniff* *Sniff*
Narinig kong umiiyak ang anak ko kaya ihinaga ko nalang ang ulo nya saakin.
" Lagi mong tatandaan na, God has gifted you with the best of everything and you must respect it.... Because of challenges in life, don't give up on the hopes of a better tomorrow. "
"O- *Sniff*- Opo. "
Hinalikan ko ang noo nya para kumalma sya ng konti."Alam kong malalagpasan mo yan. May tiwala ako sayo"
"Oo nga pala."
"Bakit po? "
"Bakit hindi nyo muna maisipang lumabas ni Miya? Ilang araw kana binibisita non. Lumabas muna kayo para makalimutan mo muna ang problema mo." Suggest ko sa kanya.
"Pag-iisipan ko po"
"O sya, aalis muna ako ha? May tatapusin lang akong problema"
"Sige po. Mag ingat po kayo"
Bumaba na ako at sumakay sa aking sasakyan.Akala nya siguro hindi ko alam kung nasaan sya? Nakita ko sya sa bar nung isang araw nung niyaya ako ng mga kaibigan ko makipag inuman. Hindi ko lang sya pinansin dahil ayoko masira ang birthday ng aking kaibigan nung araw na iyon.
------------------------------------------------------------------------------------------3rd Person's Point of View.
Nakarating na ang daddy ni Violet sa bar at nakita nya nga doon ang kotse ni Chris. Agad syang pumasok doon.
Nakita nyang maraming nagsasayawan, pero hindi nya gaanong inintindi iyon.
Naglibot-libot lang sya hanggang sa...
"Bingo!"Nakita na nya ang hinahanap nya. Nakikipag inunam ito sa mga kaibigan nya at may mga babae silang kasama.
Chris POV"HAHAHAHAHAHAHAHHA uminom pa kayooooooo " Medyo lasing na ang kaibigan ko ah.
"CHEERS"
"Ang tanga naman nung babaeng yon, Chris" sabi ng kasama ko."OO nga eh. Feeling malakas na akala mo kaya nya ako pabagsakin? Para sakin kahit ano pa ang mangyari sa kanya, ganun padin sya saakin. Talunan padin. Sayang nga eh, hindi na sya na fall saakin."
"Huwag ka mag-alala.......Dahil hindi na ulit mangyayari iyon." rinig ko ang hindi pamilyar na boses sa likod ko.
Kita ko sa mga kasama ko na tila natakot sila bigla. Teka, sino ba ang nagsalita?
Haharap na sana ako, pero.....
*GRAB !* *WHAAACK!*
Naramdaman ko nalang na merong humihila saakin pagkatapos kong maramdaman na merong nagbalibag saakin sa lamesa.Violet Dad's POV
Pinagtitinginan ako ng mga tao habang hinihila ko itong walang hiyang lalake na ito. Pero wala akong pakeelam sa kanila.
Pagkalabas ko...Ihinagis ko ang lalake.
"A-ANO BA ANG PROBLEMA MO !"
Aba, sya pa ang may ganang magalit ha?
"Sino kab-.....Dad?!!!"
"Huwag mokong ma Dad-dad."
"Dad, kamusta kana? Kamusta na yung anak mong si Vi-"
*POWW!!*
Binigyan ko lang naman sya ng isang matinding suntok sa muka kaya nagdugo ang ilong nya.
"Masakit ba? mas masakit pa ang ginawa mo sa anak ko."
"Da-dad! Let me explain-"
*BOOGSHH!!!*
Isang upper cut ang binigay ko sa kanya."ACK!!"
"Ang lakas din ng loob mong tanungin ang anak ko kung ayos lang sya eh no? Ayun ! DINEPRESSED MO NANAMANG HAYOP KA! "
Natihimik lang sya sa sinabi ko.
*POW!!*
"Pasalamat ka at hinayaan kitang tumakas noon." sabi ko.
Kinuha ko ang leeg nya at..
*GRIP!*"Ito ang tatandaan mo...Kapag nalaman kong nagpakita kapa ulit sa anak ko, kahit isang segundo lang sa mata nya na nagpakita ka kahit na hindi mo intention na magpakita, baka makapatay na ako ng tao sa buhay ko."
"O-opo! M-masusunod po."
Binitiwan ko na sya.
"Oi Chris!! Ayos ka lang ba? " Dumating na ang mga kasama nya.
"Tara umalis na tayo dito" at doon na sya umalis kasama ng mga kaibigan nya.Nagawa ko na ang dapat na ginawa ko noon.
------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan.....
Violet's POV
* Krriiiiiingggggg kriiiiiiiiiiinggg*
*PAK! *
Nakakabwisit talaga yang alarm clock nayan. Parang ang sarap nang itapon eh.
Umaga na pala.....Maghapon nanaman siguro akong nakakulong dito. Wala manlang ako magawa. Kung meron man akong gustong gawin, tinatamad ako para doon. Parang gusto ko nalang humiga dito sa buong buhay ko...
Pinikit ko nalang ulit ang mata ko para kumalma kahit papano ang isipan ko."Bakit hindi nyo muna maisipang lumabas ni Miya?"
Napadilat ako bigla nang maalala ko ang sinabi ni Daddy kagabi.
Tinignan ko ang cellphone ko at marami palang message si Miya saakin nung mga nakaraaang araw. Ilang araw ko din kasing hindi nahawakan to dahil baka mag message yung mokong na yun.
Sinubukan kong tawagan si Miya.
*riiiiingggg*
"HOYYYYY!!! BUTI BUHAY KAPAAAA!! " Ang galeng...Hindi parin nagbabago.
"Pwede hinaan mo naman boses mo? "
"Ay sorry....Kamusta kana?"
"Eto ayos lang"
"Buti napatawag ka. Ilang araw na ako bumibisita dyan sainyo, pero nakakulong ka padin daw sa kwarto mo"
"Ah ganun ba? Pasensya na. May gusto sana akong Sabihin."
"Ano yun?"
"Mukang pumapayag na ako sa roadtrip na sinasabi mo."
"Weeee???? TALAGAAAA????"
"OO !!! pero hinaan mo naman boses mo. Ang sakit sa tenga eh"
"Ay sorry hehehe bukas pwede ako dahil binigyan na kame ng 1 week break, ano pwede kaba? "
"Sige lang""O sige, kita nalang tayo bukas ah? "
End Call...Siguro oras na ulet para bumangon.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...