3rd Person's Point of View
Sumugod si Debra papunta kay Violet at matapang naman itong hinarap ng dalaga. Ngunit hindi inaasahan ng dalaga na malakas ang atake ng reyna kaya nahihirapan syang harapin ito. Patuloy lang umaatake ang reyna at panay depensa naman ang ginagawa ng dalaga. Habang umaatake ang reyna sa kanya, dahan - dahan nyang inobserbahan ang galaw ng atake nito sa kanya hanggang sa makahanap na sya ng tiempo.
Agad na umilaw ang buhok nya at sinuntok nya ang reyna na may halong kapangyarihan ang kamao nya. Tumalsik sa ere ang reyna at agad naman nyang napigilan pagtalsik nito dahil sya'y nakakalipad. Medyo nasaktan ang reyna dahil sa ginawa nya. Ginamit ni Violet ang kapangyarihan nya at pinatama nya ito sa reyna. Ang reyna naman ngayon ang dumedepensa sa ginagawang pag atake ni Violet.
Napansin nang reyna na mabagal ang ginagawang pag atake ni Violet. Kaya agad syang nakahanap ng tiempo at ginamit ang energy blast at inatake ito sa kanya. Agad naman naging alerto ang dalaga at ginamit nya ang force shield upang maging depensa. Sobrang lakas ng energy blast na ginagawa ng kalaban kaya napapaurong ang katawan ng dalaga. Napangisi ang kalaban sa nakikita nya at mas lalo nya pang nilakasan ang pag atake niya.Nahihirapan naman ang dalaga dahil doon. Kailangan umisip ng paraan ang dalaga dahil kung hindi, tiyak na katapusan na nya. Tumingin - tingin sya sa paligid at nakita nya ang isang upuan. May naisip na agad syang paraan, pero kailangan nyang gawin ng mabilis ang binabalak nya.
Agad nyang ginamit ang kanang braso nya para kontrollin ang upuan. Medyo bumibigay na ang force shield nya dahil isang braso lang gamit nya. Kaya agad nyang binilisan at pinatama ang upuan sa reyna. Tagumpay naman nyang natamaan ang kalaban kaya napahinto ito sa atakeng ginagawa nya.
Sinamantala na ni Violet ang pagkakataon at agad nyang ginamitan ng energy ball sa mga kamay nya at pinatama ito sa reyna. Napansin naman ni Debra ang atakeng ginawa sa kanya.
Kaya sinabayan nya rin ito ng pagtake kagaya ng ginagawa ni Violet. Patuloy lang nagsasalpukan ang kanilang mga atake hanggang sa mainis na ang reyna at agad na sumugod kay Violet. Sinakal nya ito at lumipad dala - dala ang dalaga. Dinala ni reyna Debra ang dalaga sa tuktok ng langit at laking gulat naman ni Violet ng bigla syang dinala dito.
Reyna Debra's POV" May huli kabang sasabihin bago mamatay ? "
" Bitiwan moko-- " Hindi ko na pinatapos ang sinabi nya at ginamitan ko na agad ng malakas na suntok ang babaeng ito.
* POW ! *
Tumalsik sya pababa sa pagkakasuntok ko. Ngunit hindi pa ako nakontento at agad na sinundan ang pagkakabagsak nya at--* POW ! *
Pinatamaan ko pa ng suntok ulit. Pinanood ko nalang syang nahuhulog mula rito sa itaas. Siguro'y dahan - dahan nalang akong bababa dahil magkakagulo pa ang mga tao kapag bumaba ako.
3rd Person's Point of View
Nawalan ng malay si Violet nung sinuntok sya nang malakas ni reyna Debra ng dalawang beses. At ngayon ay pabagsak sya mula sa ere. Napansin ng mga tao ang nahuhulog sa langit kaya nagsitigilan sila lahat at tinignan ito.
Hanggang sa...
* BOOM ! *
Tuluyang bumaon sa lupa ang katawan ni Violet. Natigil ang mga sasakyan dahil doon kaya nagkaroon ng traffic.Lalapitan na sana nang mga tao si Violet, pero.....
" Tignan nyo yun ! " May nakapansin sa babaeng bumababa galing sa langit at namukaan ng mga tao kung sino iyon. Kaya agad silang umalis at nagtakbuhan. Nagsi babaan narin ang mga nakasakay sa sasakyan.
Bumaba na agad si reyna Debra kung saan bumagsak si Violet. Kinuha nya ang katawan nito sa pamamagitan ng kapangyarihan nya at doon nya sinimulan ang balak nyang kunin ang kapangyarihan nito.
Napasingi si reyna Debra dahil wala nang nakakapigil sa kanya sa binabalak nya--
* PAK ! *
Napahinto ang reyna sa kanyang ginagawa at napatingin sa taong nambato sa kanya nang bato..At wala syang ibang nakikita kung hindi si Miya lang.Reyna Debra's POV
" Itigil mo yung ginagawa mo sa kanya ! "
" At sino ka namang nilalang ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Gagawin ko kung ano ang gusto ko at kung ano ang nararapat saakin ! "
" Kaibigan nya lang naman ako ! At kung meron ka man balak na gawin sa kanya, kailangan mo muna akong harapin para makuha mo sya ! "
Mukang matigas itong babaeng ito ah. Tinapon ko muna ang katawan ng babaeng ito at agad na sinugod ang babaeng nangistorbo sa ginagawa ko. Kinuha ko sya at lumipad ako nang mabilis papalayo para paniguradong hindi nya ako maiistorbo ulit. Saglit lang naman ito kaya bibilisan ko na agad.
" Bitiwan mo ako ! " Sabi nya at sumusuntok pa sya.
Talagang pinupuno ako ng babaeng ito. Sapat na siguro yung ganitong layo. Agad kong ginamit ang mahika ko para makatulog ito. Pero hindi lang ito basta mahika. Panigurado kahit na magising sya'y hindi na sya mabubuhay pa.
Agad kong binato sa damuhan ang babae at lumipad na pabalik.------------------------------------------------------------------------------------------
Asaan na sya?! Saglit lang naman ako nawala. Impossibleng makatayo agad sya kahit na magising sya na wala ako.
Sinubukan ko syang hanapin kung saan, pero wala talaga sya at hindi ko maramdaman ang presensya nya.
Malas ! Kung hindi lang ako ginulo ng Miya na iyon, kanina ko pa sana nakuha ang kapangyarihan nya. Buti nalang at tinapos ko na ang buhay nya kaya wala na ako proproblemahin sa susunod.
Nakatakas mo ako ngayon, Violet. Pero hindi mo na ako matatakasan sa susunod nating pagkikita.
Violet's POVIdinilat ko ang mga mata ko dahil nararamdaman kong may gumagamot ng mga sugat at galos ko. Pag tingin ko
" Reyna Silda ?! "
" Shhhh Wag ka muna magsalita. Lalong lala ang sakit ng katawan mo kapag nag salita kapa. "
Nakita kong ginagamitan nya ng kapangyarihan nya ang mga sugat ko. Ayun siguro yung nararamdaman ko kaya parang may gumagamot saakin.Teka bakit nga pala ulit ako nagkasugat? OO NGA PALA SI DEBRA !
Sinubukan kong tumayo--
" AGh! "
" Ano ba ? Wag ka muna gagalaw dahil ginagamot ko ang sugat mo "
" Pasensya na po, pero si reyna Debra ay nangugulo sa siyudad- "
" Ayos kana sa ngayon. Nakatakas ka pansamantala kaya makakabawi kapa sa sususnod na laban nyo "
" Huh? Ano po ang ibig nyong sabihin ? "
Reyna Silda's POV
( Flashback )Nakita kong umalis Debra. Pagkakataon ko na ito para itakas si Violet bago pa sya mahuli ng kalaban. Binuhat ko sya at agad na lumipad papalayo. Napansin ko na marami syang natamo kay Debra. Mukang hindi nya kinaya ang kalaban, pero sya nalang ang pag asa namin kaya bubuhayin ko pa sya.
Nakita ko ang isang puno na puro damo ang paligid at doon kame bumaba. Pagkatapos non, doon ko na siya ginamot.
( End of flashback )
Violet's POV" Aah ganun po pala ang nangyari..Pero bakit naman po umalis si Debra? Gumawa po ba kayo ng distraction para makalayo sya ? "
" Hindi, ang kaibigan mo ang gumawa "
Kaibigan? Huwag mong sabihin si...
" Oo sya. At siya ang sinugod ni Debra para hindi nya matuloy ang binabalak nya "
" ASAAN NA PO SYA ? KAILANGAN KO PO SYA MAKITA AT BAKA MAPAANO NA SYA ! "
" Huminahon ka lang. Dadalhin kita roon, pero hayaan mo muna akong gamutin ka "
Hindi na ako sumagot at sinimulan na nya ulit gamutin ang sugat ko. Sana ayos ka lang, Miya.
Next Chapter....
BINABASA MO ANG
Sapphire
FantasyNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...