Chapter 16

1 0 0
                                    

( Galaxy )

Reyna Debra's POV

Ilang dekada na namin hinahanap ang bato, pero hindi parin namin ito makita. Mukang masyadong naitago ni Silda iyon bago sya mamatay. Pero hindi ako susuko. Hahanapin ko iyon kahit na buhay ko pa ang kapalit.

"Mahala na reyna ! " Narinig ko ang tawag ng aking alagad.

"May balita naba tungkol sa hinahanap natin? "

"Meron na po! " 

Agad akong pumunta sa radar station at tinignan kung meron na nga bang nasasagap ang aming radar.  Ngayon lang tumunog ang radar ulit pagkatapos ng ilang dekadang taon. Pero nung pumunta ako doon.....Wala naman akong nakita.

Tila nagulat ang iba kong alagad at nagtatype sila na parang hinahanap ulit nila.

"Niloloko mo ba ako? " Tanong ko sa alagad kong nagsabing may balita na.

"H-hindi po..nakita p- "

Sinakal ko sya sa pamamagitan ng kapangyarihan ko.

"Ack!  Ack! "

"Ayoko sa lahat yung niloloko ako. "

"T-t -totoo po sinasabi ko, m-mahal na reyna "

"Kung ganun bakit wala akong nakita ! " Hinigpitan ko ang sakal sa kanya.

"Totoo po ang sinabi nya, mahal na reyna. " Narinig kong sabat ng isa kong alagad at binitiwan ko ang isa kong alagad na sinasakal ko.

"Papaano mo naman nasabi? "

Nakita kong pinakita saakin ng alagad ko ang naiwang bakas na signal ng batong hiyas na aming hinahanap. Bago ito mawala, napansin ko na galing ito sa isang planetang hindi gaanong makita ang pangalan dahil naging malabo ito kasabay ng paglaho ng bato.

"Saan nangaling ang bato? " Tanong ko.

"Ayon po saaming nahanap, naglanding po ang bato sa planetang tinatawag na earth "

Earth......

Parang narinig ko nayan. Marami kameng sinakop na planeta para hanapin ang bato, pero ayan lang ang planetang hindi pa namin napupuntahan.

"Ano ang meron sa planetang earth? Sino ang malalakas na dapat kong kalabanin para makapasok doon? " tanong ko.

"Ayon sa aming pananaliksik, Mga tao daw po ang naninirahan doon. Wala naman daw pong nilalang na pipigil sainyo dahil wala naman daw pong mga kapangyarihan ang mga tao doon sa planetang iyon. At kung meron man, may tinatawag silang pulis o sundalo na pwedeng pumigil sainyo, pero ang kanilang armas ay mahina kumpara saatin. Sa madaling salita, walang silbi ang armas nila sa mga taga labas na planeta. " 

Napangiti ako sa narinig ko. Mukang mapapadali ang pagkuha ko.

"Saan bandang lugar ito sa planetang earth? " 

"Wala pong exactong lokasyon dahil bigla nalang pong naglaho ang signal"

Medyo mahihirapan ata ako, pero mukang kakayanin naman dahil wala namang kapangyarihan ang mga tao.

"Sasalakayin na po ba natin ang planeta na iyon, mahal na reyna? "

"Hindi, ako mag isa ang pupunta doon. Ihanda ang maliit at pinakamabilis  na spaceship! " Nagsikilos ang aking mga alagad at nilabas nila ang aking maliit na spaceship.

"Mahal na reyna" rinig kong tawag saakin ng isa kong alagad.

"Dalhin nyo po ito " Binigay nya saakin ang radar.  Tinanggap ko naman iyon.

"Mahal na reyna, nakahanda na po ang sasakyan ninyo " Sabi ng isa kong alagad at dumeretsyo na ako saaking sasakyan. 

"Mag iingat po kayo " Sabi ng isa kong alagad at tinanguan ko lang sya.

"Makakaalis na po ang spaceship nyo in 3....2......and 1. " Nagsimula ng umalis ang spaceship ko at nagpasya muna ako matulog dahil pakiramdam ko'y medyo mahaba pa ang biyahe kahit na ito ang pinaka mabilis naming sasakyan. 

------------------------------------------------------------------------------------------

Lumipas ang dalawang linggo...

( Planet Earth )

Violet's POV

*Kriiiing Kriiiiiing *

*Pak ! *

"Ahhhhhhhhh sarap ng tulog ko " umunat muna ako at tumayo tyaka inayos ang aking kama.

Sobrang tagal na pala simula nung nailabas ko yung unang abilidad ko gamit ang kapangyarihan ng bato. Sabi ni reyna Silda, dapat daw pag - aralan ko kung ano pa mga abilidad ko at kung papaano ito gamitin. 

Eh wala akong time kaya hindi ko muna masingit yung sinasabi nya.  Dalawang linggo narin syang walang paramdam saakin kaya nakakalimutan ko din yung bilin nya. Tyaka higit sa lahat, busy ako sa work.

Speaking of work.


Dalawang linggo na pala akong nagtratrabaho sa cafe at masaya naman akong nagtratrabaho doon.  Maganda ang aking kinikita kahit na sakto lang. Minsan pa nga ang boss namin tinuturing kameng parang pamilya kaya nakakagana talaga ng loob mag trabaho sa ganun. Hindi kagaya sa dati kong trabaho na alipin ang turing sayo.

"Violet " Rinig ko si mom sa pinto.

"Bakit po? "

"Wala ka bang pasok ngayon? " 

"Meron po "

"Eh bakit hindi ka pa kumilos ? "

"Ano oras na po ba? "

"Aba'y tignan mo "

tinignan ko yung orasan at......WTF!!!! 8:40 na!!! 

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba para gawin ang morning routine ko.
Ka bwisit naman. Napuyat kasi ako kakanood ng anime na  "Kaguya love is war "eh
Sobrang ganda kasi ng anime na yun at nakakatawa pa. Talagang mawawala ang stress nyo kaya i try nyo narin 😊

"Ayan! Puyat pa kasi. Kaya ka nale late eh " Sigaw pa ni mama.

Nako naman. Sana hindi mainitin ang ulo ng boss ko pag nalaman nyang na late ako sa trabaho.

Ginawa ko na ang ibang morning routines ko, pagkatapos sinuot ko na ang aking wig at dumeretsyo sa cafe.

------------------------------------------------------------------------------------------

"Ito po yung bayad " sabi ko sa taxi driver. Hindi na sya maka diretsyo kasi naubusan ng gas. 
Kaya tumakbo nalang ako sa trabaho.

Bakit parang nararamdaman kong may pumapatak. Teka....hindi kaya...

* Thunder shrieking ! *

Agad akong tumakbo ng mabilis. Pagtakbo ko, doon bumuhos ang malakas na ulan. Ano bayan..Masyado naman ata akong minamalas ngayon. Nakita ko na ang Baepsae Cafe na pinagtratrabahuan ko.

Pumasok ako sa loob at nakita ng mga ka trabahado ko na basang - basa ako. Buti nalang naka plastic ang uniform ko kaya hindi ito nabasa sa loob ng bag ko. Pero sana hindi pa sira yung phone ko..... 😭

"Pasensya na po " Yumuko ako pag tapos non.

"Andyan naba si Ms Valir? " Patay...narinig ko ang boses ni Ms. Jung (My boss )

"Ms. Jung, pasensya na p- "

"Hay salamat naman at ligtas kang nakapunta dito. Nag aalala kame sayo dahil sa ulan. Akala namin napahamak kana " Nawala ang kaba ko ng marinig ko ang mga salita ni Ms. Jung. Oo babae ang boss ko. May half korean sya.

"O mag bihis kana ha? Tapos magsimula kana magtrabaho "

"Opo " Sabi ko ng nakangiti.

Napakaswerte ko sa trabaho ko. Tama nga ang pinasukan ko at wala akong pinagsisihan. Medyo naadik narin ako sa Bangtan dahil sa boss ko na palaging kinukwento kung gaano daw ka hot si Kim Seokjin. 

Oo nga pala, speaking of Bts, naalala ko si Miya na may pag ka army din pala. Masubukan ko ngang imbitahin dito. Dalawang linggo nadin kame hindi nag uusap dahil sa sobrang busy namin.

Next Chapter...

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon