Epilogue &POST CREDIT SCENE

1 0 0
                                    

3rd Person's Point of View

( Galaxy )

Nabalitaan ng asawa ni Debra na natalo sya at namatay ito sa labanan. Galit na galit ito, ngunit na detect ng alagad nya kung nasaan ang kapangyarihan ng bato at sa tumalo sa asawa nya. Sinabi ng alagad nya na nasa earth ito. Sinabi ni INVASION na magsihanda ang buong kawal at lulusubin nila ang planetang Earth.

-------------------------------------------------------------------------------

( Planet Earth )


Tatlong linggo ang lumipas...

Ginawa ni Violet ang kanyang sinabi na magiging bayani siya at tutulungan ang mga naapi gamit ang kapangyarihan niya. Hindi nagtagal ay hinangaan siya at nakilala siya ng ibang tao dahil sa mga kumalat na video tungkol sa kanya noon. Kilala narin siya bilang sa pangalan na
 " Sapphire" Kaya Sapphire na ang tawag sa kanya.



Ngayon ay kakauwi lang ni Violet galing sa trabaho at pagkatapos niyang gawin ang ibang tungkulin niya bilang superhero sa kaniyang lugar.

Violet's POV

" Naka uwi kana pala. Buti maaga ka nakauwi. Maraming hindi magandang nangyayari ngayon sa labas kaya mag ingat ka " Sabi ni Dad na nagbabasa ng newspaper.

" Ayos lang ako dad. Tyaka andiyaan naman si Sapphire sa paligid kaya paniguradong ligtas naman tayo "

" Kahit na, may nabalitaan akong isang taong bakal at isang taong toro na nanggulo sa siyudad sa hilagang lugar. Sanhi daw iyon ng hindi kilalang gamot.  Mamaya kung ano ang mangyari sayo at masyado kang umaasa sa sapphire nayan. "

Napa iling nalang ako at umakyat papunta saaking kwarto.

" Oo nga pala, may lalaking pumunta rito kanina. May binigay siyang sulat. Sabi niya ikaw lang daw magbasa non. Nilagay ko sa kwarto mo. " Narinig kong dagdag ni dad. 

Sino naman kayang lalaki iyon ?


Pumasok nalang ako sa kwarto at hinanap yung sulat na sinasabi ni dad.


*  Demonic Whisper * 

Napatingin ako bigla. Parang may narinig akong bumubulong. Wala namang tao rito kaya sino naman ang gagawa non? 

Napansin ko na may papel sa kama. Ayun na siguro yung sulat.

Ano naman kaya ito ?  

Binuksan ko ang papel at sinimulan kong basahin.


Sapphire,

Nais kong makita ka sa address na ito MAIN STREET 9***** ********

Meron tayong pag uusapan at kailangan ng mundo ang tulong natin. Meron tayo kailangang pag usapan tungkol sa kapangyarihan mo.

-J??????


Sino naman itong J?????? at mukang alam niya ang tungkol saakin. Kailangan kong malaman kung sino at ano siya. At kung papaano niya alam ang kapangyarihan ko.


Sinuot ko na ang aking costume at tinanggal ang aking wig.

Binuksan ko ang bintana at doon na ako lumipad paalis.








Coming soon !!!

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon