Chapter 11

1 0 0
                                    

Miya's POV

"Base sa nakita namin sa anak nyo. Ang kalagayan nya ay.... Hindi naman ganun ka kritikal. "

Napahinga kame ng maluwag ng malaman iyon.

"May kakaunting injured lang sya at medyo nilalagnat sya, pero gagaling naman din sya sa ipapainom naming gamot at mga ilang araw lang ay gagaling na sya."

"Pero doc, papaano naman po ang pamumutla ng balat nya?" Tanong ko.

"Pansamantala lang iyon. Kailangan lang ng lamig para mawala iyon" Napatango ako sa sinabi nya.

" Pero may masama akong balita " Dagdag ng doctor.

"Ano po yun?" tanong ko.

"Medyo matatagalan syang  gumising. Aabutin siguro ito ng dalawa o tatlong linggo" 

"Ayun lang po ba? "

"oo"

"Ok po salamat"

"Mauuna na ako" sabi ng doctor at umalis na sya.

"Mabuti naman at maayos ang kalagayan ng anak natin" sabi ni Mrs. Valir.

"Pasensya na po talaga" Paghingi ko ng tawad.

"Ano kaba, ayos lang yun. Hindi naman malala ang nangyari kay Violet kaya huwag mo na sisihin ang sarili mo. Tiyaka nadala mo naman sya sa hospital kaya malaking tulong narin nagawa mo" Sabi ni mr. Valir.

Napatango nalang ako sa sinabi nya.

------------------------------------------------------------------------------------------

(Lumipas ang dalawang linggo )

Ang tagal gumising ni Violet. Dalawang linggo na, pero d padin sya nagigising. Kasi naman ang clumsy din kasi nitong kaibigan ko eh. Madalas ko syang dinadalaw dito sa hospital at ganun din ang mga magulang nya. Kakagaling ko lang sa trabaho at naisipan ko syang bisitahin dito dahil baka nagbabakasaling gising na ito, pero hindi pa pala.

*Growwwwwllll*

Narinig ko ang tiyan ko na tumunog. Nakalimutan ko palang kumain kanina kakamadali kong pumunta dito. Tumayo ako at lumapit sa natutulog kong kaibigan.

"Aalis muna ako ha? Babalik agad ako."

At umalis na ako sa room.


3rd Person's Point of View

Naiwan ang natutulog na si Violet sa kwarto. Pero, habang sya'y natutulog.....Paunti-unti nagbabago ang kulay ng buhok nya at nagiging kulay pink ito. 

At maya-maya lang, biglang gumagalaw ang ulo ni Violet na tila hindi sya mapakali.

Violet's POV

" Buti hawak mo na ang kailangan ko.....***** " 

"Hinding-hindi ko ibibigay sayo ito, ***** " 

Teka, asaan ako?? Bakit parang pakiramdam ko'y wala ako sa sarili kong lugar? Ang nakikita ko lang dito ay puro labanan, patayan, at kaguluhan.

"Talagang pinupuno mo ako ha..."  Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Parang ang sama nya base sa itsura nya. Parang kinakalaban nya ang magandang babae. Nanghihina na ang babae na kinakalaban nya sa mga atake nya.

*BOOM! * 

Napapikit ako sa pagsabog. Parang hindi ako naapektuhan at parang hindi ako nakikita ng mga taga rito. Patay na kaya ako? Teka ito ba ang impiyerno?? Wala naman akong ginawang mali ah?

Bigla ko nalang nakita ang magandang babae na kinakawawa kanina. May nilabas sya sa kamay nya....parang familiar sakin yun?

" Pumili ka ng babaeng nararapat sa kapangyarihan mo. Siguraduhin mo na mabuti ito. Lumayo ka sa kasamaan. Antayin mo ang nararapat sayo, kung sakaling hindi pa sya nabubuhay." Sabi nung magandang babae.

At lumipad papalayo ang bagay na kausap nya kanina.

Lilingon sana ako sa babae, pero....

*BOOM! * 

"AAAAAH!" bigla akong napadilat. Teka panaginip lang ang lahat ng iyon? Ang weird naman ng panaginip ko.

ARAY!! sakit ng ulo ko tila may hangover ata ako. Teka, nasaan ba ako? tinignan ko ang kamay ko at may mga nakaturok na swero sa kamay ko. Nasa hospital ba ako? Teka, inaalala ko ang nangyari bago ako mapunta dito.

Isip..isip...isip...isip.....

AYUN!! naalala ko na hinawakan ko yung gemstone at....biglang sumabog???

Parang pakiramdam ko'y ang tagal kong natulog?

Naramdaman ko ang kanang kamay ko na parang may mabigat akong hawak. Tinignan ko ito at... ITO YUNG GEMSTONE AH!!?? Matagal ko bang hawak ito? pero wala na syang kulay. Sa pagkakatanda ko pink ang kulay nito eh. Bakit kaya nawalan ito ng kulay? Peke ata ito eh.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwal non ang kaibigan kong si Miya. Naka uniform pa sya.

"Andito na ako-" Biglang nalaglag ang dala nyang pagkain.

"Oi nalaglag yung dala mo"

"Sorry po, miss. Mukang mali ata ako ng napuntahang room" Sabi nya sabay alis. Ano problema non? Tawag nya saakin ay miss? Bago yun ah.

Maya-maya narinig ko ulit sya na pumasok at tila gulat na gulat saakin.

"Violet....Ikaw ba yan?? " Ano ba klaseng tanong yan? 

"Ano sa tingin mo? "

"OMG!!!!" 

"Teka, teka-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil agad na nya ako niyakap ng sobrang higpit. 

"M-miya...H-hindi na ako makahinga."

"Ay sorry hehe"  

"Teka nga lang, Umalis ako kanina at nawala ako ng mga 1-2 hours. Pagbalik ko, nagising kana. Tapos non.....Pwede mo ba sabihin saakin kung sino nag kulay ng buhok mo? "

Huh????

"Ano ang pinagsasabi mo??"

Kinuha nya ang salamin sa bag nya at ipinakita saakin. Ayos naman muka ko ah. Parang wala ngang galos nung nasabugan ako eh, pero ang pinagtataka ko lang.....


"BAKIT KULAY PINK ANG BUHOK KOOO!!!!!! "

"HINDI KO DIN ALAAAAAM. PAG BALIK KO GANYAN KANA!!!"

"Tumawag kana nga ng doctor" Agad syang tumakbo na tila si Usain bolt sa sobrang bilis.

------------------------------------------------------------------------------------------

"Nganga ka nga" 

"AAah" chineck ng doctor ang loob ng bibig ko.

"Wala bang masakit sayo? "

"Medyo masakit po ang ulo ko nung nagising po ako "

"Hmmmm marahil dahil yan sa stress sa utak mo habang natutulog ka. May napaniginipan kabang masama? "

Sa pagkakatanda ko...

"Meron po"

"Baka iyon ang possibleng dahilan."

"Pero doc! " Sabat ni Miya.

"Bakit po nag ganun ang kulay ng buhok nya? Normal ang kulay ng buhok nya nung umalis ako, pag balik ko, naging ganyan na ang kulay nya"

"Hmmmm wala bang nag kulay ng buhok mo? " Tanong nya saakin.

" Hindi ko po alam eh"

"Nurse, paki check ang cctv" Umalis ang nurse sa kwarto.

Ilang minuto ang lumipas...Nakarating na sya at dala nya ang maliit na tablet. Pinakita nya ang clip sa Doctor.

"Wala namang pumasok dito........pero"

Bigla akong kinabahan sa pagputol ng sasabihin nya.

"Panoorin mo nalang ito para maintindihan mo" Pinakita nya saakin ang clip sa cctv.

Nakita ko na mahimbing akong natutulog at maya-maya biglang hindi mapakali ang katawan ko na tila ako binabangungot. Pagkatapos non, nawalan ng signal ang cctv. Pero bumalik agad iyon pagkatapos ng 1 segundo at doon na nakita ang pagbago ng kulay ng buhok ko.

" Nakakatakot naman yun-" 

"ANO BA! nanggugulat ka naman eh" ito talagang si Miya bigla-biglang susulpot eh.

"Sorry naman. Na curious lang" 

"Doc, baka may masamang espiritu dito sa hospital ah? "

"Hindi ko alam, pero may mga nag suicide kasi dito noon dahil sa depression kaya baka isa yon sa nagpaparamdam"

Bigla namang yumakap sakin si Miya na tila bata.

"HAHAHAHA joke lang. Kwento lang yun ng mga pasiyente dito. O sige maauna na ako ha? Mga ilang araw lang pwede kana ma discharge" 

Sabi ng doctor at umalis.

"Grabe naman yung doctor nayun nanakot"

Napasapo nalang ako sa noo ko sa mga nangyayari dahil hindi ko talaga maintindihan ang sitwasyon ko ngayon.

Next chapter...

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon