Chapter 6

1 0 0
                                    

3rd Person's Point Of View

Flashback part 2

Natanggap na ni Violet ang damit na binigay sa kanya ng principal. Sanay na sya sa ganitong pangyayari. Tinitiis nya nalang ang mga panglalait ng mga kapwa nya mag-aaral dahil masasayang lang ang oras nya kapag ito'y pinatulan nya pa. At higit sa lahat, ayaw nya ng gulo.

Dumerestyo na  sya sa kanyang classroom at nagsimula na ang klase nya.

------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw...

Naglalakad si Violet sa hallway....

"Ayan nanaman sya oh..."

"Bakit kaya pumapasok pa sya eh alam naman nyang hindi sya welcome dito?"

"Ang tigas rin ng muka nya no?"

Bulong - bulongan ng mga tao sa paligid. Pero kahit na naririnig ito ni Violet, katulad ng dati, hindi nya ito pinapansin.

"Oi, pero nabalitaan nyo ba? Nag trending kahapon yung video tungkol sa kanya HAHAHA"

"OO nga eh HAHAH"

Napayuko nalang si Violet dahil sa narinig nya. Nakita nya ring nag viral iyon, pero agad na pinabura ng principal at pinatawag ang magulang ng nagkalat non.


"Violet Baliw!!" Tumingin si Violet sa lalakeng may hawak na bola.

"ILAGAN MO TO!" 

Nakita ni Violet na binato sa kanya ang bola. Napapikit nalang sya dahil impossibleng mailagan nya ito sa sobrang bilis ng bato sa kanya.

*SWEEEESHHHHHh!!*

Naramdaman nyang may malakas na hanging dumaan papunta sa harapan nya at nakita nyang may sumalo sa bola na dapat na tatama sa kanya.  Tila napahinto saglit ang mundo nya ng makita nya kung sino ang humarang sa kanya Kahit na nakatalikod ito.            

                                                                                   (Chris Watson)                                                                                (Credits: Google)                                                     ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                                   (Chris Watson)
                                                                                (Credits: Google)
                                                          

Si Chris Watson lang naman ang sumalo sa bola. Hindi alam ni Violet kung bakit nya ginawa iyon para mailigtas sya.  Para sa mga hindi nakakaalam, matagal ng may pagtingin si Violet kay Chris Watson dahil sa kagwapuhan nitong itsura at sa galing nya sa paglalaro ng basketball. Palihim nya itong sinusuportahan at pinapanood.

"Oi Chris! Bakit mo hinarangan?! " sabi ng isang teammate nya na nambato.

*SWOOOSH!*  *PAK!!*

Tumama sa teammate nya ang bola na binato ni Chris.

"Hoy Chris! ano ba ang ginagawa mo?!" Tanong ng isa nyang teammate at tinulungan nya tumayo ang binatuhan ni Chris.

"Hindi nyo ba alam na masama ang bullying?" Sagot ni Chris.

" Ano ba pake mo?! Eh gusto namin syang pagtrip-" 

*BAM!* 

Nagdugo ang ilong ng ka teammate nya dahil sa suntok ni Chris. 

"Tara umalis na tayo dito" Umalis na ang ka teammate nya at napansin ni Chris na napapalibutan sila ng attention.

"Sino pa ang gustong mambully sa kanya?!!!!"  Natakot ang mga tao at nagsi - alisan na ang mga ito para pumunta sa kanilang classroom.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Chris kay Violet.

"A-ah..O-oo. Sige mauuna na ako ha? Salamat kanina"  Naglakad na si Violet papunta sa kanyang classroom.

" Teka saglit -" 

Naputol na ang sasabihin ni Chris dahil agad na binilisan ni Violet ang lakad nya. Hindi alam ni Chris na namumula si Violet dahil sa kilig na nararamdaman nya ngayon kaya agad na syang umalis dahil baka mahalata nya iyon.

------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na ang klase ni Violet at nilalagay nalang nya ang ibang gamit nya sa kanyang locker.

"EHEM!" Narinig ni Violet iyon at nakita nya ang taong tinakasan nya kanina.

"Oh! I-ikaw pala...Chris." 

"Buti naman kilala mo ako HAHAHAH"

*lub-dub* *lub-dub* Tumitibok ang puso ni Violet sa tawa ni Chris.

Nagulat nalang sya ng biglang punasan ni Chris ang babang labi nito.

"Hindi mo napapansin na tumutulo na pala laway mo  " nakangiting sabi ni Chris. Namula naman si Violet sa sinabi nya.

"Uh....May maitutulong ba ako? " 

"Wala naman......Gusto ko lang sanang may kasabay akong umuwi"

..........

Tumahimik silang dalawa saglit at tila naging awkward ang conversation nila.

" A-aah... ganun ba? Hindi mo ba kasama mga kaibigan mo? " Tanong ni Violet.

" Hindi eh, busy sila kaya naghahanap sana ako ng makakasama"

"Aah ok. Sana may mahanap ka" Maglalakad na sana si Violet papaalis ng biglang....

*GRAB*

Hinawakan ni Chris ang braso ni Violet kaya napahinto sya.

"Teka saglit lang." Tinignan ni Violet si Chris.

"Baka pwedeng....... ikaw sana ang sumabay saakin pag-uwi." 

Namula si Violet sa sinabi ni Chris.

"U-uh..."

"Sige na pleaseeeeee".

Napabuntong hininga nalang si Violet. Mukang natupad ang dati nyang pinapangarap na makasama si Chris ng silang dalawa lang.

"O sige na nga"

"YESSSSSSSS"
 
"Teka, asaan kaba nakatira? "

" Sa address na ************** "

"Aaah sige. Tara?"

Umalis na silang dalawa sa eskwelahan nila at sabay na sila nag lakad.

------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang oras na sila naglalakad, pero tahimik lang silang dalawa na tila ba hindi nila kilala ang isa't isa.

Sabay silang napahinto sa paglalakad.

" Ano um- "

" Ano- "

Sabay nilang sabi kaya naputol ang sasabihin nila.

"Sige, ikaw na muna" sabi ni Violet.

"Um....meron sana akong sabihin matagal na.."

"A-Ano ba yun?"

"Gusto ko sanang sabihin sayo na...Gusto kit- ay Hindi! Ang ibig kong sabihin ay mahal kita. Since nung makita kita nung nagtransfer ka. "

Napanganga si Violet sa sinabi nya.

"H-Huh??? alam mo ba ang pinag- "

"OO ! ALAM KO !!!!!! "  Nagtaka si Violet sa sagot ni Chris dahil parang may halong galit sa tono ng pananalita nya.

"Ang ibig kong sabihin ay oo. Pasensya na kung nasigawan kita. Natatakot kasi akong ma reject."
Sabi ni Chris.

Hindi alam ni Violet ang isasagot nya sa confession ni Chris. Ito kasi ang unang beses na merong nagkakagusto sa kanya. Napayuko nalang sya para mag isip. Naramdaman nyang inangat bigla ni Chris ang ulo nya sa pamamagitan ng paghawak sa baba nya.

"Alam kong ito palang ang unang beses na may nagkagusto sayo. Kaya naiintindihan kong naguguluhan kapa, pero sana maintindihan mo ang nararamdaman ko sayo" 


"Oo...."

"Huh? anong  OO? sinasagot mo na ako? "

Tumango si Violet at parang lumiwanag ang muka ni Chris sa reaction nya.


"YESSSSSSSSSSS!!!! "

Masaya si Violet dahil hindi nya alam na meron na palang pagtingin si Chris sa kanya noon palang.


Hindi nya akalain na magiging sila ng crush nya. Sana all dba?

Natapos na ang pagdidiwang ni Chris kaya nagpasya na silang umuwi ng magkahawak ang kamay. 


Next chapter

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon