Chapter 30

1 0 0
                                    

3rd Person's Point of View

Nasa ere na ngayon si Violet at hindi nya alam kung papaano hanapin si reyna Debra. Hindi nya alam kung saan nya ito sisimulan hanapin. Naisip nya nalang na puntahan ang mga lugar kung saan sila naglaban. 

Sinimulan nyang puntahan ang mataas na building kung saan nya nakitang nakasuot si reyna Debra ng witch cape, pero wala doon.

Sumunod naman syang tumungo sa lugar kung saan sya bumagsak.


Pinuntahan nya iyon at nakita nyang maraming reporter at mga tao roon. Mukang delikado kung makikita sya ng mga tao roon kaya umalis narin sya at mukang wala naman din doon si reyna Debra.

Isang paraan nalang ang naiisip ni Violet, at iyon ang puntahan sa tuktok ng langit. Agad syang lumipad nang mabilis. Maraming ulap syang nasasalubong kaya nahihirapan sya. Umisip sya ng paraan para mahanap nya ng maigi ang reyna.

At doon nya naalala ang mga mata nyang kaya makakita ng mga bagay na  tila x - ray.  Pumikit sya at binuksan nya ang mga mata nya. Napansin nyang may eroplanong paparating kaya agad nyang inilagan iyon. Tumingin - tingin sya sa paligid at nakita nya ang isang maitim na aura na nasa itaas.

Agad nyang pinuntahan iyon.

At dito na magsisimula ang final showdown ng dalawa.

Violet's POV

" Buti naman at nakarating ka. Kanina pa kita inaantay.  At napansin ko maganda ang damit mo"
Nakangising sabi nya.

" Galing ito sa kaibigan kong binigyan mo ng sakit. Mukang inaantay mo ata ang pagdating ko? Humanda ka dahil magbabayad ka sa ginawa mo sa kaibigan ko ! "

Hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa at agad ko siyang sinugod.

3rd Person's Point of View

Agad na sinugod ni Violet ang reyna sa pamamagitan ng malakas na suntok at tumama ito sa muka.  Naramdaman ng reyna kung gaano kalakas iyon. Hindi pa nakakalingon ang reyna at nakaramdam ulit sya ng pangalawang atake.  Sinubukang umatake ni Debra, pero agad itong inilagan ni Violet.  Ginamit ng reyna ang kapangyarihan nya at itinira ito sa dalaga.


Mabilis naging alerto si Violet at inilagan nya iyon kesa gumamit ng force shield. Sumugod sya at inipon ang kapangyarihan nya papunta sa kanang kamao nyo nya at binigyan ng malakas na suntok ang reyna. Pero hindi lang iyon isang beses at sinundan nya iyon nang maraming suntok. Binuhos nya lahat ng lakas nya at pinatama iyon sa kalaban. 


Hindi magawang madepensahan ng reyna ang atakeng ginagawa ni Violet. Mas malakas ang atakeng ginagawa ng dalaga kaya paniguradong naapektuhan ang kalaban. 

Ginamit ni Violet ang kapangyarihan nya at pinatama ito sa reyna. Tagumpay namang natamaan iyon kaya tumalsik ang reyna.











Pero sa kabilang banda ng kanyang pagtalsik, tumama sya sa pakpak ng nakasalubong nyang eroplano. Kaya nawalan balanse ang lipad nito at nahihirapan kontrollin ng piloto ang pagmamaneho.  Pabagsak na ang eroplano at nakaramdam ng taranta, takot, at gulat ang mga pasaherong nandoon.  Naalarma naman si Violet sa nangyayari kaya agad nyang sinundan ang eroplano.  


Maraming nakapansin sa langit ang umaapoy na pagbagsak na eroplano kaya natakot ang mga tao. Sa mga hindi nakakaalam, sa siyudad pabagsak ang eroplano. Paniguradong maraming tao ang mapipinsala kapag tumama iyon doon.

Malapit na sa siyudad ang eroplano at nagulat nalang ang piloto ng parang lumilipad sila kahit na hindi nya ito kontrollado. 

Ang hindi niya alam, si Violet ay nasa ilalim nito at buhat - buhat nya ang eroplano. Sa pamamagitan ng super strength nya. Dinala ito ng dalaga sa malawak na lupa kung saan walang mga building at mga tao  ang ma aapektuhan.

Dahan - dahan nyang binaba iyon at nakita ng mga pasehero kung sino ang bumuhat sa sinasakyan nila. Kaya nagkaroon ng papuri si Violet mula sa mga tao roon. Hindi inaasahan ng dalaga ang kanilang papuri dahil sa kabayanihang nagawa nya. Napangiti sya at kumaway.












Sa gitna ng kanilang katuwaan dahil sa nangyari, may biglang sumuntok sa ating bida at doon sya tumalsik.  Pinagkukuhanan ng litrato ng mga pasahero ang babaeng sumuntok sa kanya.  Hindi iyon pinansin ni Debra at sinakal si Violet at lumipad papunta ng........Kalawakan.


Nagulat ang dalaga nang makita niya ang kanyang planeta. Nakita niya ang muka ng reyna at medyo nakakatakot ang mga tingin nito. May ginamit na kapangyarihan si Debra pero napapikit nalang si Violet bigla.

Nakakaramdam ng sakit sa ulo ang dalaga.  Pagdilat niya, wala nang sumasakal sa kaniya.  At....nasa loob narin siya ng planetang earth.  Hindi niya rin alam kung nasaang lugar siya.


                                                                          ( Credits : Google )Andito siya sa lugar ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                          ( Credits : Google )

Andito siya sa lugar ngayon. Iba rin ang suot niyang damit at napaka ganda nito.

Violet's POV

Bakit ako andito sa lugar na ito?  sa pagkakatanda ko'y nasa gitna ako ng labanan at sinasakal ako ni Deb--

" Violet ! "

Narinig ko ang pamilyar na boses at...Miya??

" Kamusta kana, Violet ? "

" M-miya ? Wala ka nang sakit?  Papaano ka gumaling ? "

" Nakahanap na raw ng lunas ang doctor kaya gumaling na agad ako " 

" Ganun ba ? Mabuti naman at gumaling kana. Pinag alala mo ako--"

" At wala kang nagawa para gumaling ako. "

Nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon.  Parang galit siya saakin.

" A-ano ang ibig mong sabihin ? "

"  Iniwanan mo lang ako sa hospital habang ako'y nag aagaw buhay. Ano klase kang kaibigan huh ? "



"  Miya, umalis ako dahil kailangan kong talunin si Debra para mailigtas ang mundo- "

* SLAP ! *

" * Demon tone * Sinungaling ! Iniwanan mo ako dahil hindi mo ako kayang bantayan at alagan bilang kaibigan ! "

Ngayon lang ako nasampal ni Miya. Nag iba rin ang pananalita niya. Medyo nabigla ako at natakot. Pero kinalma ko lang ang sarili ko.

" Miya, huminahon ka lang at pag - usapan natin ito "

" * Demon tone *  Pag usapan ? Tignan mo ang ginawa mo " May tinuro siya sa likod ko at pag lingon ko.....Isang libingan.


Miya Murphy 
R.I.P
Born  : Aug 5, 1997
Died:  July 16, 2022

" Wait...R.I.P ? Bakit ka nakalagay doon-"  Pag lingon ko wala na siya at iba narin ang paligid.

                                                                            ( Credits : Google )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                            ( Credits : Google )

Nakaramdam ako ng lamig.  

* Grab ! *

" Aah ! " May humawak saakin at galing iyon sa libingan ni Miya. 

Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para tanggalin iyon. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala. Dahil may lumalabas doon sa libingan at.....

" Miya, ikaw ba iyan ? "

"  * Zombie tone * V-viyoleewt....Bakit...mowww akoooo pinabayaannuunnnn "

Naging zombie siya.. 

* Moaning *

 Narinig ko ang pag ungol at hindi lang pala isa ang nakikita kong mga zombie ! Maramin din sila!


" * Zombie tone * Magbabayad...Kah kaaaaaa " Sabi ni Miya.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari at gulong - gulo na ako, pero hindi ko hahayaan na mamatay ako sa ganitong lugar.


KAILANGAN KONG LUMABAN ! 








Next Chapter.......

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon