Miya's POV
Asaan na kasi yun? Bakit naman bigla - biglang nawawala. Napag ka malaman pa tuloy nila akong baliw (┬┬﹏┬┬)
"Violet ! " Wala akong narinig na sagot.
"Violet! Lumabas kana dyan. Wala na mga pulis" Pero wala manlang nagpakita.
Hay nako nilabas ko nalang ang cellphone ko para tawagan sya-
*Tap!*
"Aah! " sino yun? bakit parang may kumalabit saakin?
"Miya...." Naplingon ako dahil may tumatawag saakin,pero wala naman tao sa harap ko.
Nako makaalis na nga. Mukang may nagpaparamdam saakin na multo dito eh.
Kinuha ko ang mga gamit ko at palakad na ako sa labas nang biglang....
"Miya saglit! " Napalingon ulit ako, pero wala namang tao. Pero parang boses ni Violet yon? Baka nagtatago padin sya."Violet, andyan kaba? Asaan kaba nagtatago at hindi ka padin nagpapakita? Wala na yung mga pulis pati yung lalaki"
"Andito ako sa harap mo"......
"Wag ka ngang magbiro dyan. Lumabas kana. "
"Ang kulit nito, sinabing andito nga ako sa harap mo. Gusto mo patunayan ko pa eh"Baka may makakita saakin na ibang tao na nagsasalita ako mag isa dito, at baka matawag nanaman akong baliw kaya tumango nalang ako.
*Tap!*
"Aah! "
"Kumalma ka nga dyan. Ako lang yun"
"V-v-v-violet....patay kana ba? "
"Hindi ! bigla lang ako naging invisible ""We?! hindi nga?! "
"Oo nga, at hindi ko na alam kung papaano bumalik sa dati "
"Hala papaano yan? "
"Hindi ko alam eh "
"Kelan ba nagsimula yan? " tanong ko.
Violet's POVEarlier...
Nagiisip ako kung papaano gagawin dito sa lalaki. Napansin ko yung bag na hawak ng lalaki kanina. Kinuha ko iyon at chineck ko kung ano ba ang laman. Pagtingin ko, mga pera pala iyon at yung ibang alahas. Galing siguro yung mga alahas sa ibang customer.
*POLICE SIREN !*Shyet, paparating mga police.
"Violet, ano gagawin natin?" takot na tanong ni Miya.
Kailangan kong umisip ng paraan.....Ayun!
"Miya, tumawag ka ng ambulance "
"Huh? para sa lalaki ba? " Tinanguan ko sya.
" P-pero papaano ka? "
"Gagawa ako ng paraa-"*POLICE SIREN !*
Napapikit ako dahil nandyaan na agad ang mga police. Ang bilis naman nila. Samantala sa mga movies palagi silang late. Sana hindi nila kame mapansin...
"Itaas mo kamay mo! " tinaas namin ang kamay namin.
Teka, bakit nga pala parang si Miya lang ang tinutukoy ng mga police?"Ikaw ba ang may gawa nito? " Tanong ng police kay Miya.
"huh? Bakit naman ako? Muka ba akong may gawa nyan? Eh andito lang kame ng kaibigan ko kasi napadaan lang kame at nakita naming walang malay. "
Pinagpawisan ako sa sinabi ng kaibigan ko dahil panigurado, ako na ang tatanungin ng mga police. Kailangan ko nalang ihanda ang sarili ko sa mga itatanong nila."Um...ms? nasaan ang kasama mo?"
Huh? Hindi ba nila ako nakikita? Andito lang ako sa likod nya oh? Pumunta na nga lang ako sa gilid para makita nila."Bulag ba kayo? andito-" napahinto si Miya at parang hindi nya ako makita. Sinubukan kong kumaway sa kanya at parang hindi nya ako makita. Teka nga lang..parang may napansin ako.
......
......
......
NASAAN ANG KAMAY KOOOOO!!!!!!!
Teka nga lang. Chineck ko yung buong katawan ko at wala ito. Pero sinubukan ko namang kapain ito, at buti naman andito pa. Bakit nga pala naging invisible ako? Hindi kaya yung oras na napapikit ako nung dumating yung mga police? Oo baka yun nga. At baka kasama ito sa kapangyarihan ko.
Una yung napaka lakas ko, pangalawa invisible? AAAAAAAAAAAAAAAAHHH.
Gulong - gulo na isip ko (ˉ﹃ˉ)
And the rest was history.------------------------------------------------------------------------------------------
Naglalakad kame pabalik ni Miya ngayon pagkatapos ko i kwento sa kanya ang nangyari."Aaah ganun pala. Edi ang dami mo palang superpowers? Ano ano pa ang kaya mo? " Tanong ni Miya.
" Hindi ko pa alam eh. Madalas lumalabas ang kapangyarihan ko bigla kapag nasa hindi inaasahang sitwasyon. " Napatango nalang sya.
"Ano nga pala ulit ang dahilan kung bakit ka pinili ng bato? Nakalimutan ko na eh "
"Dahil may mission akong talunin ang reyna ng mga myriads. Ilang dekada na nakalilipas nung tinalo daw nila yung sapironians. Ayun ang sabi saakin ni reyna Silda."
"Ano pangalan nung reyna ng mga myriads?"
"Sino ano...uh...."
SHYET! Sino nga pala ulit sya??? Nakalimutan konaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.
"Sino? "
"Teka hindi ko maalala eh"
Sinubukan ko talagang alalahanin, pero mukang wala na talaga sa isip ko. Masyado kasi akong nag focus sa trabaho ko kaya nakalimutan ko na.
"Wala, hindi ko na talaga maalala ang panagalan non. Bumalik nalang tayo sa cafe at isuli ang mga pera- Ay oo nga pala, ito oh " Binalik ko sa kanya ang wallet nya.
"Hay salamat naman. Buti nakuha mo ito dahil allowance ko ito ng isang buwan."
Sabi nya at naglakad na kame pabalik sa cafe.------------------------------------------------------------------------------------------
Nakita naming maraming police ang nasa harap ng cafe. Mukang iniimbistigahan nila ang nangyari.
"Violet! " Narinig ko ang boses ni ms. Jung at papunta sya saamin.
"Hay salamat naman at ligtas kayo. Ok ka lang ba? " tanong nya.
"Opo, ayos lang. Oo nga po pala, ms. Jung, si Miya nga po pala, kaibigan ko. " Pagpapakilala ko sa kaibigan ko.
"Hello po" Sabi ni Miya.
"Hi, nice to meet you. Buti at hindi kayo napahamak"Naalala ko yung mga kinuha ng lalaki dito sa cafe.
"Ms. Jung, ito nga po pala oh " bigay ko ng pera mula sa cashier kay ms. Jung. Nakabalot naman iyon kaya alam kong iyon ang pera ng cafe.
"Hay salamat, buti nakuha mo ito. Mawawalan ako ng kita kung sakaling hindi nabalik ito. "
"Ikaw ba si ms. Violet Valir? " narinig ko ang tawag saakin ng police. Tumango ako sa tanong nya.
"Meron lang sana akong itatanong tungkol sa nangyari dito sa cafe"
"O sige po, pero isosoli ko muna ang mga pera at alahas na kinuha ng naghostage kanina " Nakita kong pumayag naman ang police kaya agad ko ito isinoli.
------------------------------------------------------------------------------------------3rd person's point of View.
Time : 10:14 pm.
Nakauwi na sila Violet at Miya sa kanilang tirahan pagkatapos silang tanungin ng police. Agad naman binalita ang pangyayari sa telebisyon.
Samantala.....
May isang spaceship na galing sa langit at.
*BOOOGGSHHH!!*
Nag landing ito sa mga damo at agad na nagbukas ang pintuan ng spaceship. At agad na lumabas ang reyna ng mga myriads, si Reyna Debra.
Reyna Debra's POVSa wakas!! Nakarating din sa planetang ito.
*Sniff ! Sniff! *
Kakaiba ang simoy ng hangin dito sa planetang ito kumapara sa mga planetang napuntahan ko.
Hindi ko na kailangan magpaligoy-ligoy pa. Oras na para hanapin ang bato.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Sapphire
Viễn tưởngNaranasan nyo naba mabigo, masaktan, at bumangon muli? Ganun din si Violet sa nakaraan nya, pero nagbago ang lahat nang mahawakan nya ang isang makapangyarihang bato mula sa kalawakan. Hindi nya alam na meron pala itong kapangyarihan. Ano kaya ang m...