Chapter 21

1 0 0
                                    

Violet's POV

(Kinabukasan....)

*Kriiiiingg !!!! Kriiinggg!!! Kriii - * 

Agad kong pinatay ang alarm clock ko gamit ang kapangyarihan ko. Buti nalang talaga at natuklasan ko yung ganitong abilidad. Hindi ko na kailangang hampas - hampasin ang gamit na iyon para lang patayin.

Tumayo na agad ako sa aking higaan at inayos ito. Ginawa ko narin ang aking morning routine at bumaba para kumain. Pagbaba ko....

.....
.....
.....
.....

Bakit walang pagkain sa lamesa? Teka nga lang, asaan ba sila dad at mom? Ang tahimik dito sa baba at nakapatay pa ang ilaw. Naisipan kong tawagan sila.

*Riiiiingg !! Ringggg!! * Andyaan pala ang mga cellphone nila. -_-

" Mom !! Dad !! " Pero walang sumasagot. Nakasara pa ang mga bintana. Grabe naman sila. Maaga naman silang nagigising kesa saakin, pero bakit parang wala sila?

Binuksan ko nalang ang mga bintana. Naisipan kong pumunta sa kwarto nila dad at mom, pero walang tao doon. Asaan naba sila? Hindi manlang sila nag iwan ng sulat kung saan sila pupunta.
Naisipan kong i check ang garage. Agad akong pumunta doon para tignan kung andoon ba ang sasakyan ni dad.

Pero pagbukas ko ng pinto, andoon naman ang sasakyan nya. Andito pala ito eh, pero bakit wala sila? Nag commute kaya sila?

*Growl *

Nagugutom na ako. Nagpasya nalang ako pumunta sa kusina dahil wala naman mag aasikaso ng pagkain ko kung hindi ako lang.

Pagpasok ko sa kusina....

*POP ! *

" HAPPY BIRTHDAY !!  " 

ಠ_ಠ ?

Nakita ko sila Mom, Dad, at si Miya. Ano daw sabi nila?? Happy Birthday ??

" Sino pong may birthday? "

"Ano ka ba naman, Violet. Syempre ikaw " Sabi ni Miya.

Anong date naba ngayon ?  Agad kong kinuha ang cellphone ko para icheck.

JUNE 24 NA PALA!!!!! Birthday ko na pala ngayon?

"Nako, Violet. Nagiging makakalimutin kana " rinig kong sabi ni mom.

"Nawala po sa isip ko na birthmonth ko na pala kakatrabaho. "

"Oh ano pa inaantay mo ? I blow mo na yung cake at ilalabas na namin ang pagkain " Sabi ni dad.


Lumapit ako sa cake para i blow ito, pero bago iyon, nag wish muna ako tyaka ko ito binlow.
Kung ano man ang winish ko....ayun ay secret nalang 😉

"Oh ito oh " Nakita ko na may binigay saakin si Miya na regalo.

"Wow naman..Salamat, Friend " Sabi ko sa kaibigan ko sabay yakap sa pisngi nya. Sinubukan kong alugin ang laman dahil baka mahulaan ko.

"Mamaya mo na alamin yan pag binuksan mo na " Sabi ni Miya.

" Mamaya na muna yang regalo at kumain na muna kayo " Sabi ni Dad. 

Umupo na kame at nagsimula kumain. Napaka sarap ng handa nila Daddy at Mommy. Tinignan ko yung katabi ko kumain at tila wala ng bukas kapag kumakain.

* Cough ! Cough !*

Binigyan ko agad ng tubig itong matakaw kong kaibigan. Ayan ang sinasabi ko eh. Kung hindi maingay ang bunganga, lakas kumain na tila inaagawan.

"Dahan - dahan lang kasi " Sabi ko.

"S- * Cough ! * Sorry ! Ang sarap lang kasi ng luto ni Mrs. Valir "

"  Buti naman nasarapan ka sa luto ko, Miya. Kumain ka lang ng kumain, pero dahan - dahan lang ah? Baka mabilaukan ka uli " Tumango si Miya at pinagpatuloy na uli namin ang aming pagkain.

Habang nararamdaman ko yung masarap na kinakain ko, bigla kong naalala yung trabaho ko. Shyet! Ano oras naba?  Chineck ko yung phone ko at..10:30 AM NA PALA !!

"May problema ba, Violet? " Rinig kong tanong ni dad.

Agad akong tumayo. 

"Nakalimutan ko, dad. May trabaho po pala ako ngayon. " Aalis na sana ako sana ako nang biglang-

* Ting! *

Tinignan ko ang cellphone ko kung ano yung notification....Mukang lagot ako.

 1 notification.

Ms. Jung sent you a message.

Pinagpawisan ako sa kaba dahil alam kong tatanungin nya kung bakit late ako. Bahala na nga. Mabait naman si ms. Jung, kaya maipapaliwanag ko naman ng maayos.

Binuksan ko yung notification at...

                                                               Chat Conversation.


Ms. Jung :"Happy Birthday, Violet !! may pasalubong akong lightstick dito para sayo 😊 Pahinga ka mabuti ah? 

Natuwa ako sa nabasa ko. Hindi ko akalaing mababati ako ng boss ko na parang kaibigan nya. Pero bakit hindi sya nagalit dahil late ako? 

Me : 
Maraming Salamat, ms. Jung ! Hahabol po ako sa trabaho mamaya.

Ilang segundo ang lumipas.

* Ting! *

Ms. Jung : Trabaho? Day off natin ngayon kaya magpahinga ka. Alam narin ng parents mo yan. Kaya rest well 😊
                                                           

                                                              End of Conversation

Day off? Chineck ko ang cellphone ko at...Sunday pala ngayon!!! Nakalimutan kong day off nga pala namin pag ganitong araw. 

Bumalik nalang ako agad sa upuan at kumain ulit.  Tinignan ko sila dad at mukang alam nila kung ano nasa isip ko.

"  Kumain ka nalang dyan at magcelebrate tayo ngayon ng birthday mo. Kanina lang kame minessage ng boss mo " Sabi nya kaya napatango nalang ako.

------------------------------------------------------------------------------------------

Time :  5:40 PM.

Naisip namin lumabas kanina pagkatapos kumain.  Nanood kame sa sinehan, nagpunta sa amusement park, at nag kantahan sa karaokeng inupahan namin. Pagkatapos ng lakad namin non, andito kame ni Miya sa loob para magpahinga sa byahe namin kanina. Kung tatanungin nyo kung kasama ba tong kaigan ko sa gala namin kanina, oo kasama sya. Sya paba? Eh hindi nagpapahuli yan sa mga ganitong acitivities eh.

Nakahiga kame ngayon at nag cecellphone lang. Hindi kame nag uusap ni Miya dahil naka focused lang kame sa cellphone namin. Kaya ang tahimik dito sa kwarto. Nagpsya akong patayin na ang cellphone ko dahil medyo sumasakit na ang mata ko at baka magkaroon ng cluster headache na ang ulo ko.

Napalibot ang paningin ko at nakita ko yung box na niregalo saakin ni Miya kanina.

" Miya "

"Oh? "

" Pwede ko naba buksan yung regalo mo ? " 

" Ay oo nga pala ! " Agad nyang kinuha yung regalo nya at ibinigay nya ito saakin. 

" Buksan mo na "

Sinimulan kong buksan ang regalo nya at.......

" ANO TO !!!!???? "

" SUPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY !! "

Kung tatanungin nyo kung ano ba itong niregalo nya saakin...Isang sexy na damit lang naman. 

" Miya, alam mo namang hindi ako nagsusuot nito. Para saan ba ito ? "

"Naisip ko kasi na bagay sayo yang damit na iyan kaya ginawa ko para sayo. Ayan ang magiging costume mo kapag naging superhero ka !  Total may superpowers ka naman."


Wait....Superhero ??

Next Chapter.....

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon