Chapter 2

1 0 0
                                    

Violet's POV

"Musta mga magagandang babae. Baka gusto nyong samahan namin kayo dahil mukang naliligaw ata kayo hehehe" sabi ng damulag na lalakeng ito.

May mga tattoo sya sa katawan nya at nakikita kong may kutsilyo sya sa bulsa nya.

*Squeeze*  ramdam ko ang higpit na hawak ni Miya saaking kanang braso.

"Huwag ka matakot, Miya. Makakauwi din tayo" pampakalma ko sa kanya.

Dumeretsyo lang kame sa paglakad kahit na nilagpasan lang namin ang lalaking nakaharang samin.

*Grab*

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Teka lang.....Kinakausap ko pa kayo dba?!"


3rd Person's Point of View

"Teka lang.....Kinakausap ko pa kayo dba?!" Galit na sabi ng lalake.

"Bitiwan.....mo.....ako...." Madiin na sagot ni Violet.

"At bakit? Ano gagawin mo? sasampalin mo ba ako ng maliit mong kamay? HAHAHAHAHA" Sabi ng lalake.

Mabilis na gumalaw si Violet sabay hawak sa kamay ng lalake at pagkatapos.....

*Crack!*

"ARAAAAAAAAAAAAYYYYYYY!!!!" sigaw ng lalake sa sakit dahil binali ni Violet ang dalawang daliri nito.

"Hindi, pero kaya kitang balian at bugbugin ngayon kung hindi mo pa kame titigilan"  sagot ni Violet sa tanong ng lalake kanina.

"Magbabayad ka sa ginawa mo !" Nilabas ng lalake ang kutsilyo nya.

"MIYA! Umatras ka muna ng konti" Utos ni Violet.

"S-sige" Takot na sagot ni Miya. Umusog naman sya  ng konti dahil baka masaksak sya ng lalaki.

Sumugod ang lalake at sasaksakin na nya si Violet, pero nailagan ito nya ito at hinawakan ang braso ng lalake at pinaikot dahilan para mabali ang braso nyang iyon. Nabitiwan ng lalake ng kutsilyo nya at napaluhod sya sa sakit na ginawa ni Violet. TInuhuran naman ni Violet at tumama ito sa ilong. Napahiga ang lalake dahil sa lakas ng ginawa ni Violet.  Tinungtungan ni Violet ang katawan ng lalake at natakot na ang lalake kay Violet kaya tinaas na nya ang dalawang kamay nya. Senyales ng pagsuko.

"Sa susunod....huwag na huwag mong pagtritripan ang mga kagaya namin."

*POW!*

Nakatulog ang lalake sa pagsuntok ni Violet sa kanya at nagkaroon sya ng black eye sa kaliwang mata nya.

Agad na binalikan ni Violet ang kasama nya na hindi makapaniwala sa nakita nya. Nakatulala ito at tulo ang laway dahil sa nasaksihan nya.

"Hoy! isara mo nga yan. Mamaya may pumasok dyan sige ka" Sabi ni Violet.

"Vi-violet....Ikaw ba talaga gumawa non?"

Violet's POV

"Vi-violet....Ikaw ba talaga gumawa non?" sabi ni Miya.

Teka papaano ko ba sasabihin... Mukang nakita nya ata ang pagiging violente ko.

"Ah... oo eh. Ganito kasi ya-"

"ANG ASTIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!"

-_-


Grabe. Kanina takot na takot yan ha?

"HINDI MO MANLANG SINABI SAAKIN NA MARUNONG KA PALA BUMUGBOG! PWEDE NA KITA MAGING SUPERHEROOOOOOOO"

 Ang ingay talaga ng bunganga nito. Akala ko pagkalayo-layo ng kausap eh.

"TANGA! self defense lang ginawa ko para saatin. Panigurado kanina pa tayo nakahiga kung hindi ko gagawin yon at higit sa lahat, wag ka nga sumigaw." 

"Hehehe sorry na. Naastigan lang ako sa ginawa mo. Para ka kasing si Keanu Reeves sa John Wick."

Hay nako...Ang dami pang dada.

"Tara na nga! Umuwi na tayo. Hinahanap na ako doon panigurado"

Maglalakad na sana kame nang....

"HOY!!!!"  sya nanaman ba? mukang hindi pa kuntento to sa ginawa ko ah.

"Hi....HINDI PA TAYO TAPOS!!! TANDA KO YANG MUKA MO KAYA HUMANDA KA SA SUSUNOD NATING PAGKIKITA!"  sabi nya at naglakad sya papalayo. Nanghihingalo pa nga sa ginawa ko sa kanya. Dapat lang sa kanya yan, papansin sya eh.

"Hoy Violet, mukang mali ata ang nakalaban mo, mukang magtatawag yon." sabi ni Miya.

"Edi magtawag sya. Sama nya pa pamilya nya eh. Siya naman unang umepal saatin kaya dapat lang sa kanya yan at higit sa lahat, hindi nya ako matatakot."

"Ang tapat mo naman Violet. Sana ganyan din ako, pero talagang inaatake talaga ako ng takot pag ganyan. Teka nga pala, kelan kapa natuto lumaban ng ganun?"


"Alam mo na....tungkol sa nakaraan ko kaya pinilit ko yung sarili ko maging malakas kaya naging palaban akong babae."


"AAAAAH tungkol ba kay Chris-" 

Agad kong tinakpan ang bibig nya.

"HMMMMM!!"

"Huwag na huwag mong sasabihin sa ang pangalan nayan. Ayoko ng maalala ang lalakeng yan"

BInitawan ko na ang kamay ko sa bibig nya.

"O sige. My bad."

"Kaya siguro Violet ang pinangalan sayo ng magulang kasi violente kang tao no? 🤣🤣" Dadag pa ng bruhang to.

"Gusto mo ba matikman ang pagiging violente ko ha?"  *Crack* Crack* pinatunog ko ang kamao ko.

"Oi syempre hindi! Binibiro lang kita HAHAHAH."

------------------------------------------------------------------------------------------

"O sya, mauna na ako ha"

"Sige, goodnight Violet"

 Magkapit bahay lang kame ni Miya kaya lagi kame nagsasabay.

Pumasok na ako sa bahay...

" Andyan kana pala sakto kakain na tayo" Sabi ni Mommy.

"O sige po ma."  Sabay-sabay kaming kumaing tatlo. 

"Kamusta na pala yung trabaho mo anak?"  tanong ni Daddy.

" As usual, ganun padin. Wala naman bago, Dad."

"Aaaah ganun ba? I see..."

Parang may gusto ata tanungin itong si daddy.

"May gusto ba kayong tanungin, Dad?" sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Ah.. oo, tatanong ko sana kung may nanliligaw na sayo kung may nanliligaw nabang lalak-"

*HACK!*  *COUGH* Tu- * Cough*    "TUBIG!!" Agad akong inabutan ni mommy ng tubig.

"Dahan -Dahan lang kasi sa pagkain walang humahabol sayo" sabi ni mommy.

"Eh kasi naman itong si daddy eh"

"Bakit? Nagtatanong lang naman ako. Tyaka malapit kana mag 25 yrs old. Baka tumanda kang single nyan gusto mo?"

Naman oh... Hindi naman matanda ang 25 yrs old na single ah? porket walang jowa single na? Hindi ata patas yon.

" Hay nako, Hon! dba alam mo naman ang nangyare kay Violet nung nasa college pa sya? Baka naman hindi pa sya nakaka move on sa pangyayaring iyon kaya wag mo muna pwersahin humanap ang baby girl natin"

Wow ha! Baby girl?!!  -_-

Kung hindi ako matanda, isa akong baby girl? Ok na sana eh yung pagsalo ni mommy, may pang asar lang ng konti.

Tumayo na ako sa upuan ko.

"Tapos na po ako kumain!" Umakyat na ako sa taas pagkatapos non.

Naisip ko munang mag scroll sa newsfeed ko sa Facebook.

Ano bayan! puro mga love at broken post nakikita ko sa mga tao, lalo na yung mga teenager.  Bat d muna kasi kayo humanap ng trabaho o kaya maging successfull para maging masaya kayo kahit na single kayo.

"AAAAAH tungkol ba kay Chris-"

 "Baka naman hindi pa sya nakaka move on sa pangyayaring iyon kaya wag mo muna pwersahin humanap ang baby girl natin"

Naalala ko ang sinabi ni Miya pati ni mommy.

Hay nako bakit ko ba inaalala? Ayoko na maalala ang nangyari sa nakaraan. Past is past nga daw sabi ni Miya dba? It will never come back. Pag sya'y nag back, edi wel-

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. BWISIT! ANO BA TONG PINAGSASABI KO. Nahahawa na ako sa katangahan ng kaibigan ko.



*Ching!*

Agad kong kinuha ang cellphone ko dahil nga may nag notif.


1 notification 

Chris Watson sent you a message

-Violet, usap tayo.  






Next Chapter.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon