Chapter 56 - Pre war

2.5K 75 0
                                        

@UPPERWORLD

Naging alerto ang bawat kaharian nang malaman nila ang balita tungkol sa muling pagbangon ng Hari ng Dilim. Ang mga Prinsesa at Prinsipe ang mga inatasan na mamuno sa darating na malaking digmaan. Natatakot sila at nababahala sa mangyayari, ang mga hari at reyna naman ay nagtipon sa Kaharian ng Kingdom of Elements kung saan marami ang depensa at malakas ang protective barrier.


"Sa Middleworld mag sisimula ang digmaan." seryosong sabi ni Saphira, ang ina ni Brix na guro sa Kingdom of Fairies.


"Maraming mortal ang masasaktan, kailangan may gawin tayo, kailangan natin silang protektahan, wala silang kalaban laban sa mga demonyo ng Hari ng Dilim."sagot ni Prisipe Benjamin.


"Pero kung aalis tayo, paano kung lusubin agad nila ang Upperworld, walang matitirang tagabantay dito. Kailangan din tayo ng kaharian." Prinipe Orlando.



Sa isang maliit na tagong silid sa ilalim ng palasyo ay may babaeng nakatago sa ilalim ng isang mahika. Hindi maramdaman ng nino man ang kanyang presensya dahil sa mahikang pumapalibot sa kanya.


Paikot ikot siya sa maliit na silid tila nagaalala o sadyang may hinahanap. Marming gamit ang nahalungkat at nagkalat sa sahig. Tila hindi ito mapakali.


"Nasaan na? Nasaan na yun? kailangan kong mahanap iyon bago mahuli ang lahat."



@MIDDLEWORLD

Magkakasama ang mga magkakaibigan sa kalsada malapit sa gubat. Sabog ang bumper ng sportcar ni Brix dahil sa sumabog sa harapan nito.


"Teka, ikaw ba maygawa niyan?!" nakataas ang kilay ni Brix habang naka turo sa sasakyan niya. Napakamot na lang ng ulo si Wayne dahil guilty ito.


"You're a reckless driver, Brix. You deserve a punishment." balewala niyang sabi.


"Hindi porket boyfriend ka ng bestfriend ko palalampasin ko na ang ginawa mo? Bayaran mo yan!" tumalikod si Wayne dahil sa ingay ni Brix.


"Papalitan ko yan." bulong niya.


"Ano?!" Brix


"Uy awat na nga. Ang ingay mo Brix, mamaya makatawag pansin ka sa mga demonyo!" sita ni Aaron sa kanya.


"ABa't—-"


"Alam ko kung saan natin makikita si Blaze."


Napatingin silang lahat kay Wayne na parang gulat na gulat at di makapaniwala.


"Talaga?!"Brix


"Oh ano pa ang hinihintay natin. Tara kunin natin si Blaze." sabi ni Ace na babalik na sana sa sasakyan nila.


"It's not that easy." sagot ni Wayne na parang may malalim na iniisip.


Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon