THE SACRED TREASURES
"Wisdom makes one wise man more powerful than ten rulers in the city." Ecclesiastes 7:19
_________________________***_________________________
Naglakbay ang mga prinsesa at mga prinsipe kasama ng mga kaibigan nila. Paikot ikot sila sa Lawa ng Apoy na nasa Under World. Hindi nila makita ang bakas nina Blaze at Wayne dahil sa kadiliman ng paligid at tanging ilaw na nagmumula sa apoy sa paligid lang ang nagsisilbing liwanag sa Underworld.
Naririnig nila ang sigaw ng mga boses ni Wayne at Blaze kaya tiyak nila na nasa paligid lang ang mga ito. Bigla naman silang nag alala nang biglang tumigil ang pagsigaw ni Blaze.
SOMEONE'S POV
Nanghihina na nang tuluyan si Master Naula dahil sa tama ng Soul Owner ng Sacred Ball sa kanya. Sa Sacred Ball na iyon nang gagaling ang kapangyarihan ng mga taga Upper World lalo na ang angkan ni Master Naula. Kaya hindi nakapagtataka na pwede niyang ikamatay kung tinuluyan siya ng Soul Owner na iyon.
Sumilip ako nang kaunti kay Master Naula habang nakaupo siya sa isang trono na katabi ng rebulto ng Hari ng Dilim. Nakaupo lang si Master doon habang hawak hawak ang kaliwang dibdib na parang nag aapoy na ang balat nito. Kakatapos lang niyang utusan ang mga Imitator Spirit na lituhin at pag laruan ang mga bisita namin. Kung titingnan ay parang normal lang siya pero parang unti unti siyang kinakain at nilalamon ng sugat niyang iyon. Gawa sa kabutihan at kalinisan ang Sacred Ball kaya kung sino mang nilalang na kampon ng Under World ay kayang kaya burahin nito sa mundo.
"Hindi na pwede ito" bulong ko sa sarili ko habang naka tanaw kay Master Naula sa malayo. Kung mawawala si Master, hindi maisasagawa ang plano, hindi mabubuhay ang Hari. Kailangan siya ng Underworld. Kailangan pa siya ng Dark King para sa mga plano niya.
Dali dali akong lumabas sa palasyo bitbit ang sandata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin pero kailangan ko mag isip. Kailangan mag tagumpay ang Under World, kailangan mabuhay ang Dark King.
"Ate Chrome!"
Napalingon ako sa kanan nang may marinig akong boses ng babae, parang bata iyon. Dali dali akong tumakbo sa pinaggagalingan ng mga boses, parang may gulo.
Nakita ko ang mga mortal at immortal na nilalang ng mga Upper World at Middle World. Nandito lang pala sila, kung sa bagay inaasahan na ni Master ito kaya nga niya pinadala ang mga Imitator Spirit para lituhin at paglaruan sila. Ang pagtagpuin silang lahat para maisagawa ang plano. Ngunit paano namin ma isasagawa ang plano kung unti unting pinapatay ng init ng apoy ng Sacred Ball si Master Naula?
"Aarrgh!" nakita ko ang pag takbo ng isang batang babae sa kinaroroonan ko. Kapwa na kami narito sa desyerto. Parang may hinahanap siya, ang prinsesa yata na bumagsak sa hindi kalayuan dahil sa kagagawan ng mga kasamahan ko. Napatay ng mga Soul Owners na iyon ang mga Imitator Spirit. Wais na talaga sila dahil hindi sila nadala sa panggagaya ng mga Imitator Spirit sa mukha at katauhan ng mga kaibigan nilang nag traidor sa kanila. Mukhang hindi sila basta basta.
"Ate! Saan ka?" rinig kong tawag ng batang prinsesa habang palinga linga siya sa paligid. Kilala ko siya. Anak ng White King. Tama! Siya! Siya ang gagamitin ko para makita ang nilalang na makakatulong sa pag galing ni Master.
Kailangan ko siyang makita. Siya lang ang makakatulong kay Master Naula.
KIM'S POV (LOST SOUL)
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasíaIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
