Chapter 19 - Action Speaks Louder

6.9K 156 5
                                    

Dedicated to my new reader, CUTE_ANA22. Thank you sa support, enjoy reading! ^__^

________________***_________________

[MIDDLE WORLD-MORTAL WORLD]

WAYNE'S POV

Badtrip!! Ugh! Saan na ba ang babaeng iyon?! Hindi niya ba alam na delikado ang lugar na 'to ngayon? Kung saan saan na naman nag susuot iyon.

May mga humahanap pa sa kanya na mga mukhang adik! Ano naman ang kailangan nila kay Blaze. Mga walang hiyang iyon, pag may nangyari lang talaga doon malalagot sila sakin! Baka ngayon lang ako makakapatay ng tao!

Nasipa ko ang bato na nasa daanan ko sa sobrang inis.

"Relax insan! Baka naman may pinuntahan lang iyon, mag iisang buwan na siyang hindi umuuwi eh." buti sinamahan ako ng pinsan kong si Aaron. Kundi baka masira ko na ang pinto ng apartment ni Blaze sa kakakatok! At baka naka suntok na ako ng mga kapitbahay niya dito, mga purong walang alam eh! Kainis!

"Yun na nga! Mag iisang buwan na siyang wala tapos walang paalam sa may ari ng apartment niya. Alam mo naman siguro ang mga nangyayari sa lugar na 'to?!" hindi niyo naman ako masisisi, kahit amazona ang babaeng iyon, babae parin iyon. Nag iisa lang palang nakatira dito yun tapos umaalis ng walang kasama.

"Eh anong magagawa natin, tsaka hindi mo naman girl friend yun para magalala ka ng ganyan ah." tama nga naman si Aaron, hindi ko naman girl friend yun eh. Bakit nga ba ako nagaalala dun? Kayang kaya naman niyang patumbahin ang magtangkang bumastos sa kanya eh.

May bumastos sa kanya?! Mga gag* yun ah!

"Leche! Tara! Tawagin mo ang tatlong kumag!" ah bahala na basta hahanapin ko ang babaeng yun!

Siguro na gui-guilty ako sa ginawa ko sa kanya gusto ko lang bumawi. Tama! Iyong nga siguro.

***

[UPPER WORLD]

BRIX'S POV

Sa wakas naka pag enroll na rin kami ni Blaze sa Artman University ng Sarrosa. Excited na ako mag aral dito ang daming activities, ang laki ng school ang daming gwapo at magaganda grabe!

Parang uso ang mag pormahan sa school na 'to, kakaiba eh. Bukod sa walang required uniform ang mga students dito, kahit ano pwede isuot, walang pakialamanan. Kasi nga layunin daw ng school ay e-practice ang freedom. They want their student to be matured enough to do what is good and what is right. Hindi strict pero high standard ang school na 'to.

May nakabanggan nga akong gwapo na machong lalaki. Ang sakit nga nun eh, sa laki ba naman ng katawan ng lalaking binangga ko. Kaya ayun tumalbog ako. Sayang lang kasi hindi ko na kilala nag mamadali ako dahil pinatawag ako ni ina. Pero ayos lang, magkikita pa naman kami. Soon! Hehe excited na ako mag kwento kay Chum ko.

***

Nandito pala ako sa Kingdom of Fairies, kararating ko lang. Hinihintay ko lang matapos ang paguusap nila ina at Chum sa loob ng library. Ang tagal nila nangangawit na ako dito.

Napatingin ako sa bintan, hindi na nga ito gaya ng dati na kwento ni ina. Buhay na buhay daw ang boung kaharian dati, ngayon may parte na medyo nagiging desyerto at may mga parte na gumuho. Ang palasyo nga may mga cracks na, hindi ba guguho 'to? Nakakatakot naman. Sana bumalik na ang dati para ayos na at masaya na ang lahat.

Ngayon sa Middle World, madami nang criminal at masasama, mga hindi makataong gawain ang mga nagagawa ng mga mortal ngayon. Hindi sila aware na ang kasamaan ng pagiisip at ugali nila ay dahil sa nilason ng mga evil spirits ang kaluluwa nila.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon