HELLO 2015!!! Happy Three Kings! ^___^
Happy reading everyone. I know hindi nakakatuwa ang mga kaganapan in this chapter pero sana magustuhan niyo. Hehehe I don't know how to end this story kaya bahala na si Batman. They says that ENDING is the best part. Sana maging BEST PART nga ang ending soon. Chapter 54 na po tayo. 6 more chapters to go. Hold on. ^__^
_______________________***_______________________
BLAZE'S POV
Nahuli ko ang pakpak ng malaking itim na ibon at hinila pailalim. Bumulagta naman ang ibon kasabay ng pagkahulog ni Naula sa lupa. Muling tumayo ang malaking ibon na matapang na naka tingin sa akin ang nakakatakot na mapupula niyang mata. Muli kong kinuha ang Ax weapon ko.
Tumakbo agad si Brix sa likuran ni Naula at si Aaron nanatili sa likod ko kaya senenyasan ko siya na sumunod kay Brix. Nabigla ako nang may kung anong bumalot sa katawan ko.
"Shield, to protect you." napatingin ako kay Aaron. Ngumiti siya sa akin at tsaka tumakbo para sundan si Brix.
Inis na mukha ni Naula ang humarap sa akin. Agad naman siyang bumangon at sinugod ako.
Malakas ang pagkakahampas niya ng kanyang sandata na mahabang metal na may dagger sa dulo. Mabilis ko ito sinangga nang espada ko at hinampas sa kanya ang palakol na hawak ko sa kaliwang kamay. Dahil sa impact may maiksing punit ang damit ni Naula kaya mas nainis pa siya sa ginawa ko.
"Hindi mo ako kaya!" sigaw niya sabay sugod sa akin. Muntik na akong tamaan sa ulo nang bigla siya sinipa ni Brix sa tagiliran kaya tumilapon siya ng kaunti, sinipa rin siya agad ni Aaron na siyang nagpatilapon sa kanya sa malayo.
"Alriiiight!" hiyaw ni Aaron na tumalon talon pa na pa ekis ekis ang mga paa na parang mag bo-boxing.
Inis na binato siya ni Naula ng bolang apoy kaya tumalon ng mataas si Aaron. Halos isang bahay ang taas ng pagtalon niya papunta sa kabilang Dereksyon. Mabilis na tumakbo si Naula na parang hangin, palapit sa akin at inatake ako sa likod, hinampas niya sa balikat ko ang metal niyang hawak kaya napa subsob ako sa lupa. Mabilis niya akong sinunggaban at paulit ulit na sinaksak ng matulis na dagger sa balikat.
"Arrgg!" inis siyang napasigaw nang hindi ako tinatablan ng pag saksak niya.
"Wrong move dude!" sigaw ni Aaron sa kanya. Mukhang nahalata niya na galing sa Sacred RIng ni Aaron ang shield na nakapalibot sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
