Chapter 21- Mall Time

7.7K 158 12
                                        

BLAZE'S POV

Nasa bagong bahay na kaming apat, syempre kasama ko si Brix, Elle at Jaynel. Mababait naman sina Elle at Jaynel kaya madali naming nakasundo ni Brix. Lumabas kami sa gubat, pero dahil sa power ni Elle na teletransportation ay nandito na kami agad, isang pitik lang. Ang cool nga eh.

"Dito ang magiging kwarto ni Elle at doon naman ang kwarto ni Jaynel." sabi ni Brix, siya kasi ang inatasan ni daddy na magpa ganda ng bahay na ito, minana pa daw ito ni daddy sa lolo at lola ko. Ang laki eh, mansyon na yata tawag dito.

"Salamat Blaze, Salamat Brix!" sabi nilang dalawa

"Girls, may mga gamit na ba kayo? Mukhang wala kayong dala eh." curious ako kasi wala akong nakitang maleta o bag man lang. Nagtinginan sila na parang nahihiya.

"Ahh wala nga eh." Elle

"Sabi naman nila, dito daw kami makakabili ng damit. Iba naman kasi ang mga damit sa Upper World kaya di kami pwedeng magdala." oo nga naman, medyo plain tela lang naman ang damit doon. Sa mga wizard is big hood depende sa kulay ng angkan nila at ang mga nature fairy ay malamang mga dahon ang damit, pero kakaibang dahon ang mga iyon.

"Chum! I think kailangan muna natin mag shopping bukas." gabi na kami nakarating dito kaya naman wala nang bukas na mall.

"Sure! Excited na ako sa pamimili with new friends!" Brix

"Oo nga, huwag niyo isipin na misyon lang 'to ha, ituring niyo kaming kaibigan na rin. Chum pahiramin na lang muna natin sila ng damit."

"Naku! Salamat sa inyo. Ang babait niyo pala, medyo natakot kami dati noong malaman namin na mga taga Middle World ang makakasama namin dahil akala namin masasama ang ugali niyo." Sabi ni Elle

"Sa mundong ito, meron talagang masama at mabuti kaya kailangan alam mo kung sino ang pagkakatiwalaan. Hayaan niyo, nandito lang kami. Diba papasok din kayo sa school? Masaya yun magkakasama tayo!" ako

"Natatakot ako, paano kung magkamali kami at malaman nila kung sino kami?" Jaynel

"Haha hindi yan, nandito lang kami ni Brix, kaming bahala sa inyo." ako

Pinagbihis na muna namin sila at natulog na kami dahil pareho kaming pagod lahat. Bukas, shopping time na!

Pumasok ako sa room ni Brix, hindi kasi ako mapakali sa sinabi ni Prince Orly eh. Bakit kasi niya tinanong yun? Ayan tuloy na guguluhan ako. =_=

"Chum?" tawag ko kay Brix at umupo sa kama niya.

"Oh bakit?" napabangon naman siya at humarap sa akin.

"Remember the Prince Charming na kinukwento ko sayo noong mga bata pa tayo?" napakunot noo naman si Brix sa sinabi ko. "Eh kasi Chum, nagkita kami sa Kingdom of Fairies." bigla naman napa upo ng tuwid si Brix.

"Wait! Don't tell me si Prinsipe Orlando ang prince charming mo?!" tumango tango naman ako ng mahina at napayuko sa kahihiyan. Malay ko ba na totoo pala ang nangyari noong bata pa ako.Sinabi ko pa kasi noon kay Brix na pakakasalan ko si Prince Orly... Waaaah sana hindi niya naalala yun. Huhu

Nanahimik kami ng mga 10 seconds.

"Kyaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!! BLAZE! BLAZE! Nakakakilig naman yan! Anong sabi niya? Nakilala ka niya? Ano? Dali mag kwento ka! Ayiiiiii!" walang hiya ang sakit ng katawan ko sa kakayugyog niya sa akin. Akala ko tutuksuhin ako, pero mas malala pa pala.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon