TRAINING
"She is clothed in strength and dignity and she laughs without the fear of the future" -Proverbs 31:25
___________________________***_________________________
[AT:UPPER WORLD]
BLAZE'S POV
"Aahhhh! Teka teka!" sigaw ko habang umaapoy ang dulo ng pana na hawak ko. Ang init kasi ng apoy, dagdag mo pa na nanginginig pa ang kamay ko habang naka tutok ang pana sa target ko.
"Bitaw!" Gosh! waaah ang strict naman nitong si Prinsipe Benjamin. Prince Orly na saan kana kasi, ikaw na lang sana mag turo sakin dito. "Diba sabi ko bitawan mo? Ulitin mo." may authoridad ang pag kasabi ni Prinsipe Benjamin kaya natataranta tuloy ako.
"Hindi ka titigil hanggat hindi mo nasasapol ang sampung target na iyan. Bilis, mag umpisa kana." ito na nga eh, gisang gisa na ako sa prinsipe na ito.
Imbes mag reklamo ay sinunod ko na lang siya, baka gawin pang dalawampu ang target ko, naku. Kumuha ako ng bala ng pana at gamit nang kapangyarihan ng Sacred Necklace, naglabas ako ng apoy gaya ng tinuro ni Prince Orly kahapon. Ang pag labas ng apoy sa isang pitik ng daliri.
Apoy at tubig ang nailalabas ng Sacred Necklace, nakakapaglabas din ito ng tatlong uri ng sandata. Una ay ang nag aapoy na pana na kayang kayang sunugin ang sino mang target nito, ang ikalawa ay ang dagger na pag tinamaan ang target ay nagiging matigas ito gaya ng isang malamig na yelo at pwedeng mabasag pag hinampas ang na freeze na target, at ang pangatlong sandata ay ang latigo na kayang abotin ang target kahit dalawampung metro ang layo, nagagapos niya ang target nito hanggang hindi na makagalaw at maubusan ng hangin o hininga sa sobrang higpit ng pag kakagapos nito sa katawan ng target.
Hindi pa naituturo sa akin kung paano palabasin ang mga sandatang iyon dahil kailangan ko daw muna matutunang gamitin ang mga ganoong klaseng sandata. Back to basic kung baga. Unang itinuro niya sa akin ang ang pinaka simple, ang pag gamit ng latigo. Sunod niyang itinuro ang pag gamit ng dagger, mas gusto ko sanang matutunan ang pag gamit ng espada kesa dagger pero hindi daw iyon sakop ng kapangyarihan ko. Kaya ito ngayon, ang panghuling itinuturo niya ay ang pag gamit ng pana, mahirap itong pagaralan lalo na't umaapoy ang arrow na hawak mo. Pero amazing lang kasi hindi ako napapaso.
"Aaahhhh!" nabitawan ko ang bow dahil sa nagpanic ako nang magkalat ang apoy ng arrow papunta sa bow.
"Ayusin mo Miss Hatley, gusto mo bang umuwi ng Middle World o hindi?"
"Gusto" sagot ko na parang batang pinapagalitan.
"Hindi ka uuwi hanggat hindi mo na pe-perpekto yan. Dadagdagan ko ng sampu, meron ka nang dalawampung target. Kailangan mong maubos yan sa isang minuto." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nasabi ko ba sa inyo na perfectionist ang prinsipeng ito? Grabe lang, meron lang naman akong apat na pasa mula sa latigo dahil gusto niyang mahuli ako ang mga pinapakawalan niyang false shadows kanina. Nahuli ko yung sampung shadows na iyon in 30 seconds pero naka anim na subok ako bago ko na perpekto iyon. Sunod ay nagkasugat sugat ako sa tatlong dagger na gamit ko kanina, kinailangan kasing ma bullseye ang sampung dartboard. Thank to my healing magic dahil gumaling agad ang mga sugat ko, mukha na akong yagit kanina sa training na 'to. Torture ito eh, may galit ba sakin si Prinsipe Benjamin? Ang lupet niya grabe.
ORLANDO'S POV
Kanina pa ako na nunood kay Blaze sa kanyang pagsasanay kasama ang kapatid ko. Sadyang napakagaling ni Prinsipe Benjamin sa pag gamit ng mga sandata kaya hindi na ako nag tataka kung paano na gawa ng mahusay ni Blaze ang mga pag gamit ng mga sagradong sandata na iyon sa isang araw. Kung ako nga ay inabot ng dalawang taon bago ko ma perpekto ang mga pag gamit niyon. Kaya bilib na bilib ako sa dedikasyon ni Blaze kahit pinapagalitan na siya sa training, nasugatan at na disgrasya. Ni isang reklamo ay wala akong narinig sa kanya, sinusunod niya parin lahat ng mga tinuturo sa kanya. Alam kong hirap na hirap na siya pero hindi makikita sa itsura niya ang hirap. Parang natutuwa pa nga siya, ini-enjoy niya ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
