Chapter 4 - Dare to Wayne

8.4K 218 10
                                        

WAYNE'S POV

 

Lintek na! Dahil sa baduy na babaeng yun kaya nangyari sakin ito. Dahil sa kanya nandito ako sa gym dahil sa isang dare. Bwisit! Malas talaga pag nakikita ko siya!

"Oh ano insan! Anong feeling mapag tripan? Hahaha" walang hiyang Aaron na 'to, pag ako natapos sa punishment na to humanda ka talaga sa akin.

"Wayne, magpakahinhin ka naman. Remember babae ka ngayon diba?" ugh! I can't believe this! Na isahan ako ng pinsan kung iyon. Gago yun ah. Bakit ito pa ang punishment niya, diring-diri na ako sa sarili ko.

"Haha Wetweeew Wayne! Maiinlove ako sayo kung babae ka talaga. Haha Astig mo.!" isa pa 'tong Ace na to. Bwisit!

At ayun nagsisitawanan ang mga ulol at pinag pipyestahan ang itsura ko ngayon. May araw din kayo. Sige lang.

Paano kasi matapos ng gabing hiniram ko ang kotse ni Aaron.

=FLASHBACK===+++

Lagot ako sa pinsan ko dahil may gasgas ang bago niyang kotse. Hindi ako takot sa kanya, clear tayo dyan ha. Ayaw ko lang kasi na masira ang tiwala niya, hiniram ko yun eh pero hindi ko iningatan. At isa pa, alam ko tuwing may nangyayaring ganito. May parusa ang may sala.

 

-

Nandito ako sa bahay nila insan, babalik ko na ang kotse pero hindi ako mapakali sa mga gasgas sa harap ng kotse niya. Hindi iyon maitatago dahil bakas na bakas.

 

 

Bahala na. Mawala man ang tiwala niya sa akin dahil hindi ko iningatan ang kotse niya, hindi ko naman sinasadya yun at hindi ako ang may gawa niyan.

 

 

"Oh insan andyan na pala kayo ni spootnick ko. Kamusta? Swabe niyang tumak---" si spootnick po ang pangalan ng kotse niya. Napahinto siya sa pagsasalita ng makita niya ang itsura ng kotse niya. Patay!

 

"INSAN!!!!! ANONG GINAWA MO!?!!" naku! Mukhang mas nakakatakot pa siya ngayon sa itsura niya dati noong nasira ko ang playstation niya.

 

"Ah eh… kasi… yung babae kasi… ano…" putek! Nauutal ako. Pinsan ko lang to eh, si Aaron lang ito. Pero kasi ako ang may kasalanan, alam niyo iyong guilty ka. Kaya hindi pwede ako pa ang magalit diba? Kapal ko naman kung ganun.

 

"Ano!? Dahil sa babae?!!! Ha?! Kung gusto mo mambabae sana sumama ka na lang sa bar. Hindi na ipapahamak mo pa si spootnick! Alam mo ba na patay ako kay daddy pag nakita niya yan?!" oo nga pala, mahigpit si tito sa kanya. Lagot nga siya. Pero ako naman ang may kasalanan eh.

 

"Ako na lang ang mag e-explain kay tito." sabi ko, maniniwala naman si tito sa akin eh. I am uncle's favorite nephew.

 

"Akala mo ganoon lang ka dali yun insan? Hindi porket mabait si daddy sayo, palalagpasin ko itong ginawa mo kay spootnick?!" ang arte talaga ng pinsan ko. Pero wala akong karapatan mag reklamo, noong nasira niya ang motor ko halos mabalian na nga siya ng buto nang binugbog ko.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon