WAYNE'S POV
Ang sakit sakit talaga ng puson ko hanggang ngayon. Ang lakas makatuhod ng babaeng iyon. Di ko akalain na ganoon kalakas ang pwersa niya. Pakiramdam ko nag be-bleed na ang bladder ko. Shit talaga! Kahit umihi ang sakit... BWISIT!
"Oh ano insan, masakit parin ba?" Tanong ni Aaron habang naka upo kami sa garden nila, dito kami madalas tumambay sa bahay nila. Magka same village lang naman kaming lima at si Brianne nasa harap lang ang bahay nila.
"Tangna! Ikaw kaya dito para ramdam mo. Parang nagka- internal bleeding yata ako. Shit!" reklamo ako ng reklamo habang hawak hawak ko parin ang puson ko. Sumasakit pag gumagalaw ako o namimwersa ako.
"Lalo ko talagang naging idol si Blaze. Grabe! Ang astig niya." sabi ni Axel na sinamaan ko lang ng tingin.
"Ayan ka na naman, hindi kaba nadala sa pag sipa niya ng baso? Nakakatruma yun! Akala ko masisira na ang gwapo kong mukha eh." sabi ni Ace, natalsikan kasi sila ng bubog nang tumama sa mesa nila ang baso na sinipa ni Blaze sa ere. Buti hindi sila natamaan.
Ewan ko nga kung paano niya nagawa iyon kasi lahat ng baso nila sa mesa at natumba. Parang nag bowling lang siya ng baso sapamamagitan ng pagsipa. Cool... ay hindi pala, bakit ko ba pinupuri ang babaeng iyon?
"Syempre kinabahan ako dun sa stunt niya. Pero ang astig talaga eh. Kakaibang babae, imagine napasakit niya ang katawan ni Wayne ng ganyan katagal? Haha hindi nga natitinag yan sa mga bugbugan eh, pero sa isang tuhod lang sabog siya. Wahahaha... And!!.... Admit it! Na amazed kayo sa pagsipa niya ng baso diba? Kakaiba talaga siya." tapos lumingon siya sa akin. "Wayne, hindi talaga basta basta si Blaze. Tsk! Sayang, sana ako na lang ang nag date dun." kanina pa ako naririndi kay Axel. Puro Blaze kasi ang naririnig ko sa kanya, kesyo astig daw, magaling daw, iba daw. Tss! Naiinis parin ako sa babaeng iyon dahil sa ginawa niya. Dalawang araw na ako nag pipinetensya ng sakit sa puson dito.
"Tumigil kana nga. Nakakasawa ka na ah. Ang sakit na nga ng puson ko dito dagdagan mo pa?!" inis na inis na talaga ako, kailan ba kasi mawawala ang sakit na 'to?! Buti naman at na nahimik din sila.
Tumayo si Angelo na poker face lang. Hindi niya ako kinikibo, ano nanaman ang problema niya?
"Serves, you right? Hindi mo kasi siya nirespeto. Bilis ng karma. Pati kami dinamay mo." hindi na ako nakapag salita sa sinabi ni Angelo, sobrang seryoso niya kasi. Seriously? Tinamaan talaga siya kay Blaze?
Alam ko na palagi siyang seryoso pero ngayon mas seryoso pa siya sa pinaka seryosong mukha niya dati. Ngayon lang siya sumagot sa akin ng ganyan. Ganoon ba niya ka gusto ang Blaze na iyon kaya ganyan siya ka affected?
Nagkatinginan lang kaming apat pag alis ni Angelo.
Grabe ha. Ano bang gayuma meron ang babaeng iyon bakit napapaamo niya ang mga playboy na mga kaibigan ko?! Tss!
"Anong problema nun?" tanong ko sa kanila.
"Obviously, inlove nga kay Blaze eh pero dahil sa ginawa mo galit na rin si Blaze kay Angelo." sagot ni Aaron at uminon ng beer in can.
Kasalanan ko pa na nadamay sila? Ako ba ang nagsabi na sundan nila kami?
"Tss! Yun lang?! Ang OA niya naman, edi maghanap ng bago. Para namang kawalan ang babaeng iyon." don't tell me na aawayin niya ako para lang sa babaeng amazona na iyon.
"INLOVE nga kasi si Angelo. Pag in love ka, inlove ka... You cant resist it nor ignore it. Kaya affected yun." mukhang ramdam ni Ace ang sinasabi ah.

BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasíaIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...