TRUTH OF THE PAST
"And you will know the truth, and the truth will set you free." - John 8:32
______________________***_________________________
BLAZE'S POV
Nagising ako sa ingay na nasa paligid. Naamoy ko mainit na hangin na parang mentol, unti unti kong dinilat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang malamlam na mga mata na may perpektong hugis ng kilay na nakatingin sa akin. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari.
"Wayne! Si Brianne? Nasaan si Brianne?!"
"Mahiga ka muna, huwag kang tatayo agad, baka matumba ka." pag pipigil niya sa akin. Hindi ako pwede humiga lang dito habang nag aagaw buhay ang isang kaibigan ko.
"Teka, si Brix? Anong nangyari kay Brix? Nasaan siya?!" naalala ko ang nangyari kay Brix kagabi, halos matumba na siya at nawalan ng malay sa sobrang sakit daw ng ulo niya habang tumatakas kami sa mga taga Under World na humahabol sa amin. Naalala ko si Jaynel dahil nag paiwan siya sa pagtakas namin. Magtatanong pa sana ako kahit walang sumasagot sa akin, pero nakita ko si Jaynel na naka upo sa tabi ni Wayne kaya nabawasan ang kaba ko.
Anong nangyari? Bakit wala akong nagawa? Napaka stupida ko para tumakbo lang.
FLASHBACK***
Nawala sa isip ko ang mga pagsabog na narinig namin sa labas ng BAR at nabaling ang atensyon ko kay Brianne na duguan na natumba. Buti na lang at katabi niya si Ace, halos lahat kami ay biglang nag panik at hindi mapakali.
Napatakbo ako sa tabi ni Brianne.
"ACE! Anong nangyari?!" nag aalalang tanong ko sa kanya, nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Ace na halos mapaiyak na siya sa nakikitang kalagayan ni Brianne.
"Hindi ko alam! Hindi ko alam!" naiiyak na sigaw niya "Katabi ko lang siya kanina kasama ang hawak niyang laruan nang sumabog. Pagkatapos nun ay hindi ko na alam." paliwanag ni Ace. Tingnan ko ang tabi ni Brianne pero wala na si Hetty, nasaan na si Hetty?!
Sinubukan kong punitin ang damit sa bandang dibdib ni Brianne, nakita ko ang malalim na sugat niya sa dibdib at ang lakas ng pressure ng dugo na lumalabas mula dito. Ilang beses ko sinubukang haplosin para mapagaling pero hindi ko magawa. Hindi gumagaling ang sugat niya. Anong nangyayari, bakit ngayon pa hindi gumagana ang healing magic ko.
"Dalhin niyo siya sa hospital BILIS!" sigaw ko kina Ace. Agad naman siyang tinulungan ni Axel na buhatin si Brianne at tumakbo na rin si Wayne para kunin ang sasakyan sa labas.
Pero bago pa sila makalabas ng BAR ay may humarang na mga nilalang. Naka itim sila na parang mga kulto pero tiyak ko na hindi sila tauhan ni Naula.
Nakita ko na napa atras si Wayne at hinawakan ako ng mahigpit. Napahinto rin sa paglalakad sina Ace at Axel habang buhat buhat ang duguan na si Brianne. Biglang lumakad sa unahan si Jaynel para e cover kaming lahat. Sa pag basa ko ng expression niya, parang kilala niya ang mga lalaking nasa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantastikIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
