Chapter 3 - Takbo!

9.6K 219 13
                                    

BLAZE'S POV

Ilang days palang ako dito pero pansin ko ang daming weird na nangyayari sa lugar na 'to. Noong kararating ko lang dito, people here were all afraid to go outside their house after 5:30pm. As in wala kang makikitang tao na nakakalat sa lugar na ito pero on Thursday night na gising ako sa mga ingay  ng mga motor sa labas. Hindi naman siya sa harap ng apartment pero sa likod siya na parte ng barangay na ito. Matataas kasi ang mga damu doon, malapad ang bakanteng lupain kaya masyadong tahimik ang lugar at mukhang creepy.

Dahil sa curious ako sa nakakabulabog na mga motor na nag pabalikbalik na dumadaan, idagdag mo pa ang mga parang nagwawalang tilian at sigawan. Feeling ko gising na gising lahat ng tao sa barangay pero wala nga lang lumalabas o baka immune na sila? Kaya nga naisipan ko sumilip sa rooftop, kita kasi doon ang buong barangay.

I immediately hide myself noong nakita ko ang dose-dosenang tao sa di kalayuan mula sa apartment. Mga nag titipong kabataan na nag kakasiyahan. Ultimong street party kung titignan. May nagsasayawan nag wawala at may nag haharutan pa. Maraming mga sasakyan na naka park doon. May simpleng kotse, sports car at mga motor. Nakakatakot sila dahil nasa itsura nila ang hindi matinong tao. Mukhang pariwara na mga kabataan. Tss!

Anong klaseng kabataan ang mga iyon?

"What kind of a place is this?" bulong ko sa sarili ko. Sigurado naman akong hindi ako makikita mula dito dahil sa layo ko at madilim dito. Pero nag iingat parin ako na baka sakaling may dumaan sa likod ng apartment ko.

Patay sindi ang ilaw ng mga sasakyan at motor doon, may mga babaeng naka pulupot sa kada lalaki na naroon. May nag iinuman at nagtatawanan, may nag sasayawan na ulitimong ginawang party bar ang kalsada.

May nakita ako na paparating na sasakyan papunta sa direksyon nga mga kabataan na iyon. Bigla akong natakot at kinilabutan ng nakarinig ako ng putok nga baril.

"Oh Shit! Shit!!!" hindi ko alam ang gagawin ko, kinikilabutan ako sa lugar na ito. Sanay ako sa bakbakan pero takot ako sa baril kahit marunong akong gumamit nun. Hindi ko na talaga alam anong gagawin nang marinig ang putok na iyon. May pinatay ba sila?

Masyado akong nawindang sa mga nakikita ko.

Nakita kong binilisan nang kotse ang takbo nang makalampas iyon sa kinaroroonan ng mga pariwarang kabataan. Nagsitawanan naman ito at nag kantyawan pa. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalayo na ang sasakyan sa kanila. Sana walang natamaan na sakay ng sasakyan na iyon.

Nakakatakot sila.

Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan at nang masigurado ko na hindi naman sila lumalabas o umaalis sa lugar na iyon. Napag desisyonan ko na ring pumasok. Sinarado ko mabuti ang pinto sa rooftop, pati na rin sa pintuan sa harap. Bumalik ako sa kwarto at nag lock na rin ng pinto. Mabuti nang sigurado.

Hindi ko alam kung anong klaseng tao sila, alam ko mas masama ang mga tinatakasan ko, pero kung sino man ang mga kabataan na iyon, sigurado ako na hindi sila gagawa ng mabuti.

Bumalik ako sa kwarto habang iniisip ang mga nakita ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako dapat maging kampante sa lugar na ito.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon