Chapter 32 - The Second Prophecy

6.3K 133 23
                                    

THE SECOND PROPHECY

"The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit." - Psalms 34:18

______________________***_____________________

[AT:UPPER WORLD]

ORLANDO'S POV

Ako nga pala yung pinaka gwapong prinsipe sa Upper World. [Alam kong kokontra ang kapatid ko dito kaya atin atin lang 'to.] Minsan napapangitan talaga ako sa pangalan ko [Palibhasa, crush ni Author ni Orlando Bloom eh], gumaganda lang ito pag si Blaze na ang tumatawag sa akin. Teka, kilala niyo naman siguro ang nag iisang Warrior Fairy, iyong maganda, magaling at mabait pero MATARAY. Oo ang taray niya, nag ka boyfriend lang ng mortal, naging mataray na. Kung hindi lang siguro ako nahuli, kahit konti may pag asa naman siguro ako diba? Mas may pinagsamahan naman  kami ni Blaze at lalong advantage din na may dugong immortal siya dahil immortal naman ako. Nakakapanghinayang lang kasi ilang taon ako naghintay sa pagbabalik niya pero nasa kamay na siya ng iba.

Kung hindi lang sana naging hadlang ang lalaking siraulo na iyon. Kailangan ko lang kasing protektahan si Blaze laban sa kanya.

Bumalik ako ng Middle World para mag aral dahil sa nakakadagdag kaalaman talaga ang mga itinuturo sa Middle World at napapakinabangan sa Upper World. Dito kasi sa mundo namin, walang ibang pinag aaralan kundi ang mga history ng bawat kaharian at pag gamit ng kapangyarihan, dahil sa isa akong Prinsipe bunos na doon ang pag aralan ang pamamalakad ng kaharian at pakikidigma. Ang mga guro namin ay nagiging personal na taga gabay ng bawat isa sa amin, depende sa angkan at estado mo sa kaharian. Hindi gaya sa mundo ng mortal, wala kang ibang gagawin kundi umupo at makinig, pagkatapos ng oras ng klase ay wala nang pakialamanan. Ultimo ugali ng tao, pananalita at kilos ay pinagaaralan nila kaya nakakaaliw. Patunay na may kalayaan talaga ang mga mortal, pati ang kaalaman nila ay walang limitasyon, malaya. Hindi na ako nagtataka kung bakit ito ang pinaka kinaiinggitan ng mga taga Under World sa mga mortal.

Bumalik ako hindi lang para mag aral sa mundo ng mortal kundi para na din bantayan si Blaze, pero isang araw matapos ng pagkikita namin ay may napansin akong dalawang lalaking nagmamanman sa kanya. Sinundan ko ang mga iyon at inalam ang pakay nila. Noong una ay ayaw pa nilang umamin hanggang sinabit ko sa puno ng niyog ang isang lalaki at sa takot ay napaamin ko ang isang kasama niya. Ayon sa mga lalaking iyon ay napag utusan lang sila ng lalaking nag ngangalang Jupert. Noon ay akala ko isang manliligaw o lalaking may gusto lang kay Blaze ang lalaking iyon pero hindi. Dahil higit pa sa gusto, at sa sobrang pagkagusto ay wala na ito sa katinuan at nalaman ko ang plano nilang pagdukot kay Blaze para ibalik sa bansang France. Pero napigil ko ang planong iyon.

Hindi ko na alam kung sinunod ng Jupert na iyon ang kasunduan namin, pero habang nasa tabi ako ni Blaze ay walang sino man ang pwede manakit sa kanya.



Tiningnan ko si Blaze na nag lalakad na nauna na sa akin, hindi masyadong makulit at hindi namamansin masyado. Hindi gaya ng dati na madaldal siya at makulit. Ibang iba sa prinsesa na nakilala ko, alam kong naiilang siya mula noong umamin ako sa kanya na gusto ko siya. Mas gwapo naman ako sa boy friend niyang madamot, parang hahawakan lang sa kamay si Blaze, ayaw niya. Oo na, kahit anong sabihin ko, talong talo ako sa Wayne na iyon.

Makapag move on na nga. Balik sa kwento. Nandito na nga kami ni prises--este ni Ms. Hatley sa Upperworld. Apelydo kasi pan tawag namin sa mga mortal.

"Orly! Ang tagal ha, saan ba kasi tayo pupunta?" atat naman nito.

"Sandali! Nagmamadali ka?" pagsusungit ko sa kanya, pinansin nga ako pero nagtataray naman.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon