Chapter 39 - Who is Aikee Wayne?

5.4K 129 48
                                    

WHO IS AIKEE WAYNE?

"Trust HIM with all your HEART and do not lean on your own understanding." -Proverbs 3:5

NOTE TO READERS: Di ko na alam paano sisingit ang LOVE STORY kasi si Author hindi inspired sa ganyan.Haha Pang fantasy lang talaga ang utak ko, di ko alam mag LOVE STORY masyado. (nagagawa nga naman ng single)haha Pero tina-try ko naman po. ^_^ Kaya inspire me! mwehehe

_________________________***__________________________

[AT:UPPER WORLD]

WAYNE'S POV

Nandito kaming lima ngayon sa isang silid, malapad ito na lahos parang isang bahay na ang laki pero isa lang itong ordinaryong silid tanggapan sa Kingdom of Nature. Habang nag iisip at nag papahinga kaming lahat sa silid na ito. Hindi ko maiwasang isipin si Blaze ang babaeng pinakamamahal ko, nag aalala na talaga ako. Ano na kaya ang nangyayari sa kanya? Tangna lang talaga, huwag na huwag lang magkakamali si Naula na sakta siya dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sa demonyong iyon. Sana lang, hindi pa huli ang lahat.

Sa totoo lang naiinip na ako. Langhiya, bakit pa kasi kailangan pang hintayin ang pag punta ng mga taga ibang kaharian kung pwede naman na mauna na doon. Paano na lang kung may hindi na magandang nangyayari sa kanila doon? May mga kapangyarihan naman sila, bakit di nila gamitin yun?! Gusto ko man mag reklamo pero wala akong magawa. Ako nga walang maitutulong eh, dagdag mo pa ang alalahanin ko tungkol sa pagkatao ko. Ang gulo gulo na ng utak ko, minsan natutulala na lang ako. Pero tama nga siguro si Brix, unahin ko munang isipin kung paano maililigtas sina Blaze. Bakit ba ako na rito? Eh kung mauna kaya ako doon, kasama ko naman si Yosz.

Bumukas ang pinto ng silid at nakita ko ang isang lalaking katiwala nila dito. Tinawag niya kami para pumunta sa bulwagan ng palasyo. Dumating na raw kasi ang mga hari at reyna ng Kingdom of Gems at Kingdom of Wizard. Gusto ko nga sana pati yung Kingdom of Fairies isali dito dahil kalahi nila si Blaze diba? Tiyak na tutulong yun. Pati na rin yung Kingdom of Elements dahil gusto ko talagang malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Pero delikado daw para sa dalawang kaharian ang maglakbay dahil mahihina ang mga kapangyarihan nila sa ngayong wala ang mga Sacred Treasure nila. Kung sakaling anak nga ako ni Naula, posible na Elementalist din ako. Kung pwede lang totoo na lang ang sinabi ng Naula na iyon, para sa kanya ko mismo gagamitin ang kapangyarihan ko.

"Umupo kayo mga bata" sabi ng hari ng Kingdom of Nature, si haring Eli. Sumunod kami sa utos niya at umupo sa limang bakanteng upuan. Namataan ko naman si prinsesa Chrome at prinsipe Elfin na nakaupo sa tabi ng upuan namin, nasa harap naman ang mga malalaking upuan ng mga hari at reyna.

"Huli na ba kami?" napatayo kaming lima pagkakita namin kay Orlando, kasama niya si prinsesa Ana.

"Prinsipe!" gulat na sambit ni Brix habang lumapit sa kanyang harapan at nag bow. "Buti nakarating ka" Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pag asa dahil sa presinsya ng dalawang magrerepresinta ng dalawang kaharian.

"Buhay ni Blaze ang nakasalalay dito, hindi ko siya pwedeng pabayaan at walang gagawin." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Alam kong may gusto parin siya kay Blaze pero hindi naman siguro resonable mag selos ngayon lalo na pareho naming inaalala ang kaligtasan ni Blaze. Tama, kaligtasan muna ni Blaze ang isipin ko. Mas mabuti kung tutulong siya.

"Ngunit prinsipe Orlando, mahina ang kapangyarihan mo. Masyadong delikado para sa inyo ni prinsesa Ana ang sumali sa labanang ito" may awtoridad na sabi ni haring Eli pero mararamdaman mo sa boses niya ang pagaalala sa dalawa.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon