Chapter 29 - Heart Desire

7K 144 13
                                        

HEART DESIRE

"Take delight in the Lord and He will give you the desires of your heart" - Psalms 37:4

_________________________***_________________________

BRIX'S POV

Nakaupo ako sa garden habang inihintay ang pag uwi ni Blaze. Malapit na mag week end pero tatlong soul owners pa lang ang nakikita namin, may dalawa pang natitira. Paano kaya naman yun matatagpuan? Kailang pa naman bumalik ni Blaze ng Upper World kada week ends para maturuan siyang gamitin ang kapangyarihan ng Sacred Necklace.

Habang lumilipas ang panahon, lalo akong nakakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Natatakot ako para sa mga maaring mangyari. Alam ko na hindi lang mga tauhan ni Naula o Lion Witches ang makakaharap namin kundi marami pa. Sa dinamirami ba naman ng klase ng black spirit, ilan pa ba ang haharapin namin, ang haharapin ni Blaze, bago makaharap ang pinaka hari ng Under World. Kahit si Naula palang ang makakalaban niya alam ko, mahihirapan na siya.

"Uy!"

 

"Ay butiki!" nagulat ako at napalingon sa gumulat sa akin. Si Axel lang pala.

"HAHAHA magugulatin ka pala. Kain ka muna, kanina kapa diyan, di kapa daw kumakain sabi ni Jaynel at Elle." napakamot ako ng ulo.

"Paano kasi, maraming pinagawa sa amin na project naghahabol kasi kami ng oras alam mo na late enrollees kami. Eh dahil sa nangyari kagabi kaya di ko na 'to nakagawa. Ano pala ang ginagawa mo dito?"

 

"Tulungan na kita. Hay, paano pala kayo na punta doon sa kweba? Pero ang dami niyong naligtas ha."

 

"Ah.. Ano eh.. Ano yan?" pag iiba ko nga usapan, mahirap na. Hindi pa ito ang panahon para malaman niya tungkol doon kahit soul owner siya. Ayaw kong mabigla siya.

"Oh!" iniaabot niya sa akin ang maliit na papel kaya napakunot noo ako.

"Ticket? Para saan?"

 

"Napadaan lang ako para diyan. May tugtog kami ng old bandmates ko sa kabilang bayan sa Friday, sa makalawa na yan. Pumunta kayo ha" tiningnan ko ang ticket at nanlaki ang mata ko nang magsink in sa utak ko ang sinasabi niya.

"May banda ka?!"

 

"Oo. Ayan nga oh, obvious ba?"

 

"Yaay! Talaga?! Wow! Cool!"

 

"Kaya pumunta ka, okay?" bigla akong napasimangot nang may naalala ako. "oh Bakit? Hindi ka makakapunta?" umiling iling ako.

"Ano kasi, hindi ako pwede" nakita kong biglang nalungkot ang mukha ng masayahin na Axel kaya naguilty naman ako, minsan lang siya magyaya tapos hindi ko pa pagbibigyan? "Hay! Sige na nga, pupunta na ako diyan" sabi ko sa kanya at parang biglang nag glow ang mga mata niya sa tuwa.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon