Chapter 34 - Oracle Awakening

5.5K 130 28
                                        

ORACLE AWAKENING

" Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen." -Hebrew 11:1

__________________________***__________________________

WAYNE'S POV

Kahit papaano ay napawi ang pag aalala ko. Maayos na nakabalik si Blaze, kahit pagod ay magiliw siyang nakikipag kwentohan sa akin. Hindi ko lubos maisip na ang sadistang babaeng ito ay magiging girl friend ko. Pero mas mahirap isipin at paniwalaan na isa siyang diwata, may mga responsibilidad pa na nakalaan sa kanya. That's explains why she is so pretty.

Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko, naka upo kami sa couch habang naka sandal ang ulo niya sa dibdib ko. Nakatulog siya sa kakaiyak matapos namin magusap at masabi sa kanya ang lahat ng nangyari noong wala siya, ang tungkol kay Hetty at Brianne. Pagod nga talaga siya, nalungkot at naiyak pa siya nang malaman ang nangyari sa alaga niya pero kahit papaano naging masaya siya dahil buhay ni Brianne. Kaya mas gustong gusto kong makatulong kahit hindi ako isa sa kanila. Sangkot na ang mga kaibigan ko dito lalo na ang taong mahal ko. Kung meron man kaming inaabangan ngayon, iyon ay ang pag gising ni Brianne.

Naipaliwanag sa amin ni Orlando ang kakayahan ng isang Oracle. Nakikita nila ang hinaharap, mga kaganapan na haharapin ng mundo. Nais din nila alamin ang parteng ginalaw ni Hetty at ano ang naging pag babago sa prophesiyang ito. Isang tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Bakit niya ginawa ang mahigpit na ipinagbabawal na aksyong iyon kung kapalit noon ay ang pagkawala ng memorya niya bilang Oracle? Hindi kaya para sa kabutihan ng lahat ang ginawa niya kaya nag sakripisyo siya?

"Pssst!" sitsit ko sa kanya, kanina pa kasi siya pa sulyap sulyap sa amin ni Blaze. Inggit siguro yun "Orlando, hoy!"

"Oh?" naka upo siya sa kabilang couch at nag lalaro ng cellphone niya habang ang iba naman ay na nonood ng movie. Kung ako kasi masyado akong nag iisip tungkol sa nangyayari, gusto kong makatulung. Ayaw ko maramdaman na useless ako sa grupong ito. Kahit mortal ako, may magagawa rin ako lalo na't tungkol na ito sa kaligtasan ng buong mundo.

"Alam mo ba kung ano ang prophecy ni Hetty dati?" bigla silang natigil lahat sa ginagawa nila at lumingon sa akin. Si Orlando ay biglang sumeryoso ang mukha at humarap sa akin.

"Bakit ka interesado?"

"Bakit niya ginawa ang pinagbabawal na aksyong iyon at sinakripisyo ang sarili niya at memorya niya bilang Oracle? Anong intensyon niya? Ano ba ang unang propesiya at ginusto niyang baguhin ito."

"Alam mo, mortal. Labas ka na sa usapan na iyon."

"Tinatanong kita kaya sumagot ka na lang. Bakit mundo niyo lang ba ang apektado dito? Mga kaibigan ko at ang taong mahal ko ang sangkot dito, tingin mo tutunganga na lang ako at maghintay na walang alam at ginagawa?!" biglang gumalaw si Blaze, mukhang nagulat siya sa pag taas ng boses ko.

"A-anong nangyayari?" tanong niya pero tinginan ko lang ng masama si Orlando.

"Bakit anong kaya mong gawin ha?! Mortal ka lang at hindi mo kaya ang mga taga Underworld na iyon. Kaya kung ako sayo, mananahimik na lang ako."

"At ano?! Panonoorin na lang ang mga kaibigan ko na nakikipag laban ng wala akong ginagawa? At panonoorin si Blaze na lumalaban sa hari ng dilim na iyon ng mag isa?! Kung ikaw, naduduwag ka pwes ibahin mo ako. Dahil may kapangyarihan man ako o wala, mortal man ako o hindi, makikialam ako kasi may pakialam ako! Huwag mo ako minamaliit Orlando!"

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon