ACE'S POV
Pagkatapos namin mag dinner pumunta na kami ng living room. Nandito parin kami sa bahay ni Blaze, it was an old mansion. Lagi kaming napapatingin dito pagnapapadaan kami sa bahay na ito dati noong mga bata pa kami. Akalain mo naman na magiging kaibigan pala namin ang nakatira dito. Sabi ni Blaze, sa grandparents niya pa ang bahay na ito kaya old style siya. Nagmukhang bago lang ito dahil sa paint pero makikita sa loob ng bahay ang mga antique na mga kagamitan. May mga antique furnitures na nakakamangha ang mga disenyo, may mga old paintings na pininta pa ng mga sikat na pintor ng Pilipinas, meron din mga pigurines at jars na mga kakaiba ang mga desinyo. Hindi tulad ng ibang antique na bahay na mukhang nakakatakot, ang bahay ni Blaze ay napaka cozy, ang gaan ng pariramdam ko nang pumasok ako dito. Parang mabuting tao at masayahin ang nakatira dito dahil sa gaan ng aura ng bahay. Nakakamangha talaga, pati ang garden nila ay kakaiba.
Talaga palang magkakasama silang apat na naninirahan dito. Masaya silang kasama, mga cool girls kaya madaling pakisamahan.
Napatingin ako kay Brianne na tahimik na nag du-drawing. Architecture student siya at napansin din niya ang kakaibang desinyo ng bahay ni Blaze kaya ginuhit niya ito and she even asked permission kay Blaze at okay naman. Actually, kanina ko pa siya gustong kausapin kaya lang isang tanong isang sagot siya. Nag aalala ako sa kanya, mukhang kanina pa siya malungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang matalik mo na kaibigan ay ipinagpalit ka sa mga bagong kakilala at ang masama pa doon ay kinakalaban ka na niya ngayon.
"Brianne, juice oh" inabot ko sa kanya ang bitbit kong juice.
"Thanks." tanging tugon niya. Buti kinuha niya at ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na mapait at malungkot.
"Are you really okay?" tumango lang siya na nakangiti pero hindi siya nakatingin sa akin. Ang tanga kasi ng tanong ko, malamang hindi siya okay.
Magmula noong bata pa kami, pito kami ang nagtatanggol at nag aalaga sa kanya, parang bunsong kapatid na namin siya dati. Ayaw namin na may umaaway o nagpapaiyak sa kanya, ngayon pa kaya na mahal na mahal ko na siya? Kaya na iinis ako na merong nagpaiyak at nanakit sa kanya. Ang masama pa doon ay ang taong pinagkatiwalaan niya.
Sabi na nga ba't masama ang kutob ko sa Megan na yun.
"Don't worry Brianne, nandito pa naman ako para maging karamay mo lagi." I know, she needs assurance now. Dapat maramdaman niya na hindi siya nag iisa kahit nawalan siya ng kaibigan. "See, this?" sabay pakita sa kanya ng bulaklak na pinitas ko sa garden nina Blaze. "This flower is called Morning Glory. They're amazing kind of flowers. They open their petals with a smile the moment they see the sunlight." napataas ang kilay niya na parang nagtatanong kung ano ang pinagsasabi ko, pero nginitian ko lang siya. "Hindi open ang petals nila ngayon kasi gabi na, pag pinilit mo naman baka masira siya. Pero 'di bali, bukas kusang bubukas yan. Gaya mo lang ang bulaklak na ito. Brianne, alam ko na malungkot ka, may sakit at galit diyan sa loob mo dahil may nawalang importante sayo, pero bukas tingnan mo ngingiti ka ulit dahil narito kami bilang totoong kaibigan mo." ngumiti siya sa akin.
"Thank you Ace. I appreciate it."
"Cheer up. Don't be like that, we're still here for you." tumango tango siya at ngumiti
"I never thought na ang lalim mo palang kausap minsan. May props ka pa." natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Hinarap ko siya bago magsalita.
"Mahilig lang talaga ako mag observe ng mga halaman." sagot ko.
"Talaga? Bakit naman? Pero nagustohan ko yung about sa Morning Glory." nakangiting sagot niya.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasíaIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
