Chapter 1 - Blaze

17.4K 367 23
                                    

[AT: UPPER WORLD]

AUTHOR'S POV

Nagkakagulo na sa Upper World dahil sa hindi inaasahang pagsalakay ng mga taga Under World. Maraming pagsabog ang naganap na ikinasira ng mga lugar ng bawat kaharian doon. Maraming namatay at marami ring nakikipaglaban para sa kanilang buhay.

Iba't ibang uri ng mahika ang makikita sa mga labanan.

Samantala sa Kingdom of Fairies, bilang kaharian na may pinakamatibay na depensa ay may isang Warrior Fairy na manganganak. Protektado siya ng lahat dahil sa paniniwala nila na ang batang dinadala niya ay ang makakapagligtas sa lahat pagdating ng panahon.

"Mitchell! Mike! dalhin niyo ang mga ito at itakas dito. Tandaan niyo ang bagong mag mamayari niyan ay kailangan inosente at malinis. Maliwanag ba mga anak?" siya ang pinuno ng angkan ng Warrior Fairy, ang ama ni Mitchelle. Binigay niya ang limang Sacred Life Treasures ng mga kaharian para itago ang mga iyon sa mundo ng mga mortal at hanapan ng mga bagong magmamay-ari.

"Opo ama, kailangan ko nang itakas si Mitchelle dito. Paalam." paalam ni Mike, isang mortal. Anak mayaman na umibig sa isang diwata kaya sumama siya dito.

Pero sa panahong ito, kailangan nilang bumalik sa mundo ng mga mortal gaya niya.

Naglakbay na sila pa puntang lagusan. Isang malaking portal na mukhang salamin ang pinasukan nila, daan iyon ng mga taga Upper World papuntang Middle World.

Nanganak na si Mitchelle sa isang hospital sa probinsiya ng asawa niyang mortal. Dala nila ang mga Sacred Life Treasures ng mga kaharian ng Upper World. Tiyak na mahina na ang mga kapangyarihan ng mga kapwa niya sa Upper World dahil wala na doon ang mga kayamanan ng kaharian nila.

Pero mas makakabuti iyon sa lahat kesa makuha ito ng mga masasamang Dark Spirits ng Under World.

Lumipas ang ilang dalawang buwan, hindi parin nilang mag asawa nahanapan ng bagong mag mamayari ng mga Treasures at wala na rin silang balita sa Upper World.

Naisipan ni Mitchelle na ipasyal ang anak nila para makalanghap ng sariwang hangin. Napadpad sila sa isang maliit na park ng probinsiyang iyon. Maraming tao ang namamasyal gaya nila. Nakaupo sila sa picnic ground ng park malapit sa play ground ng bigla silang makaramdam ng isang napakalakas na lindol.

Kinilabutan si Mitchelle nang makita niya ang mga tauhan ni Naula. Mga taga Under World na parang mga kulto, malakas ang mga pangamoy ng mga iyon kaya siguro sila na tunton.

"Mike! Itakas mo anak natin dalhin mo na rin ang limang treasures! Ihanap mo agad ng mga soul owners!" nag aalalang binigay ni Mitchelle ang anak nila kay Mike pati na ang maliit na bag na pinaglagyan nila ng mga treasures.

"Paano ka?!" nag pa-panic na sigaw ni Mike, alam niya kasi na mahina pa ang asawa niya dahil kapapanganak lang nito.

"Kaya ko ang sarili ko Mike. Ang kaligtasan ng anak natin at kaligtasan ng lahat ang alalahanin mo. Bilis na, umalis kana!" hindi na nagdalawang isip si Mitchelle at tumakbo na para harapin ang mga tauhan ni Naula.

Habang si Mike naman natatarantang tumakbo sa play ground, maraming mga bata nag umiiyak doon dahil sa takot. Kahit nag aalala siya sa asawa mas natakot siya para sa kaligtasan ng anak niya. Umiiyak na ang sanggol sa mga braso niya kasabay ng mga iyakan ng mga bata sa paligid.

Tumingin siya sa mga batang nag iiyakan, may nasa trolley pa na mga sanggol. Naka siksik ang lahat sa isang sulok at nag aabang sa mga mangyayari. Bigla niyang naalala ang bilin ng ama ni Mitchelle.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon