Chapter 35 - The Root of Mystery

5.3K 121 29
                                    

THE ROOT OF MYSTERY

"The goal of this command is LOVE, which comes from a pure heart and a good conscience and a sincere faith." -1Timothy 1:5

__________________________***_________________________

BRIANNE'S POV

Hindi ko maintindihan kong bakit ako sinaksak nang babaeng iyon noong nagkakagulo ang lahat. Matalim ang ngiting ipinukol niya sa akin habang naka upo siya sa kabilang mesa bago mangyari ang pagsabog sa lugar na iyon. Hindi pa ba niya kami titigilan ni Ace? Meron nga talagang napaka desperadong tao sa mundo. Kaya nagiging monster sila. Dahil sa selos at inggit nagawa niya akong saksakin. Alam kong nagkakagulo sila Blaze sa nangyari sakin pero wala akong magawa, wala akong lakas magsalita. Huli na nang mapansin ko ang isang mainit na usok na pumasok sa bibig ko, alam kong mamamatay na ako pero hindi ko alam kong para sa ano ang usok na iyon.

Ito na siguro ang tinatawag na pag dedelirio, ganito pala ang pakiramdam ng mamamatay. Para kang hinihila ng kung anong enerhiya palabas sa katawan mo, ang hirap huminga, wala kang lakas para lumaban. Pakiramdam ko ay nadadaganan ako ng napakabigat na bagay na halos hindi na ako makaahon.

"Bubwit! Huwag kang mamamatay!" Axel? Kahit lagi kaming nagbabangayan, ngayon ko lang siya narinig na mag aalala ng ganito. Pero kahit kelan talaga, hindi parin siya nagbabago sa pagtawag sa akin ng 'bubwit' kahit ngayon lang makisama naman siya, mamamatay na nga ako nangaasar pa siya.

"ACE! Anong nangyari?!" Blaze? Napangiti ako ng bahagya nang marinig ang boses ni Blaze. Hindi kami gaano matagal nagkakilala pero tinuring niya akong higit pa sa matalik na kaibigan, higit pa sa turing sa akin ni Megan. Parang kapatid na siya sa akin, she is willing to risk her life for her friends.

Nararamdaman ko na parang tinitingnan ni Blaze ang kalagayan ko. Pinunit niya ang damit ko at tinginan ang saksak ko sa dibdib. Anong ginagawa niya? Is she trying to save me?

"Hindi ko alam! Hindi ko alam!" Ace! Si Ace yun! "Katabi ko lang siya kanina kasama ang hawak niyang laruan nang sumabog. Pagkatapos nun ay hindi ko na alam." tuluyang tumulo ang luha ko sa narinig. Mula pagkabata isa siya sa mga pumoprotekta sa akin. Pero siguro, hanggang dito na lang ako.

"Brianne! Huwag kang pumikit. Lumaban ka!" naririnig ko ang sigaw ni Ace. Pasensya kana Ace, mawawala ako sa mundo na hindi ko nasasabi sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Ngayon, nanghihinayang ako sa mga panahon at oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na hanggang dito lang ako, sana nasabi ko sayo ng mas maaga at nakagawa pa tayo ng mas maraming alaala na magkasama. Mahal kita. Pero huli na.

"Dalhin niyo siya sa hospital BILIS!" Sigaw ni Blaze na parang na tataranta.

I feel sorry for my friends. Sorry Ace, for making you wait this long and end up to nothing. Pero aalis naman ako sa mundong ito na masaya dahil nakilala ko ang mga kaibigan na gaya niyo. Thank you AC boys for protecting me ever since childhood and thank you girls for not letting me feel alone and unwanted after my best friend dumped me. Thank you for taking care of me, you did great impact in my life. I hope I've done something nice in your lives too. Goodbye.

........................

I was blinded by light rays. Nasaan ako?

Naglalakad ako sa isang madamong lugar, kahit wala akong idea kung nasaan man ako pero sa itsura ng lugar na ito "Nasa paraiso na ba ako?"

May mga naririnig akong tawanan ng mga bata, tumatakbo, naghahabulan at LUMILIPAD? Anghel ba sila? Napalingon ako sa kabilang parte ng lugar na iyon, nakita ko ang mga minero na parang abala sa pagbubungkal ng mga lupa, ang daming diamante ang nasa kahon, grabe totoong diamante ba ang mga iyon?

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon