Chapter 12 - Trouble

7.2K 185 2
                                        

AARON'S POV

Dito ngayon nakatambay ang barkada sa isang burol. Iisang sasakyan lang ang dala namin, iyong pick-up truck ni Wayne. Hanggang ngayon hindi ko alam kong tama ba ang desisyon namin na magpanggap na isang gang nga kami at ako pa ang kunwaring leader.

Nasisiraan na yata sila. Akala ko ba ayaw na nila ng gulo. Kung sa bagay na iintindihan ko naman ang mga barkada ko. Kahit ako, gustong gusto ko ipaghiganti ang mga kaibigan namin pero ang mahirap, hindi namin alam kung sino ang kalaban. Kaya heto kami, patambay tambay para ma tyempohan ang mga pagala gala na mga kriminal na iyon.

"Oh dude, bakit parang namatayan ka diyan?" si Angelo pala, siguro makakarelate siya sa problema ko ngayon, gusto ko ng may pagsasabihan.

"Dude, paano kung ang gusto mong babae noon may gusto sayo pero ngayon iba na ang gusto, ano ang gagawin mo?" tama nga yata si Wayne, isang kalokohan ang ma in love. Hindi ko naman kasi ginusto iyon.

"Seryoso ka? Haha huwag mo sabihin na tinamaan ka din? Si Megan noh?" ganoon ba ako ka obvious para ma laman nila agad. Tss!

"Bwisit nga eh! Bakit ganoon, bigla bigla na lang dumadating ang love na yan. Wala man lang pasabi. Nakakainis!" ginulo ko na ang buhok ko sa sobrang inis.

"Anong malay ko, pareho lang tayo ng nararamdaman." oo nga pala.

"Ikaw, anong plano mo?"

"Di ko alam, bahala na. Gagawin ko na lang kung ano ang gusto kong gawin. Hindi mo naman mapipigilan eh." tska niya ako tinap sa likod. "Oo nga pala dude, kaya ako lumapit para sabihin na may gang meeting daw bukas ng gabi. Panahon na para magpakilala sa kanila." ito ng nga ba ang sinasabi ko eh.

"Ano ang sabi ni Wayne?" nagkibit balikat lang siya.

Bahala na nga.Sana maayos ang mangyayari bukas.







WAYNE'S POV

Nakakalabas na ako ng bahay dahil wala na ang sakit sa puson ko. Sa wakas! Tiniis ko talaga ang sakit kahapon para masipa at masuntok lang ang lalaking muntik nang sumuntok kay Blaze, gag*ng iyon pumapatol sa babae.

Kaso suplada ng Blaze na yun, matapos ko siyang tulungan kahit isa lang iyon tumulong parin ako noh! Kahit masakit pa ang puson ko kahapon tiniis ko yun para tulungan siya tapos sisimangutan niya lang ako at di papansinin? Nakakainis!

Siya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Grr!

Pasamalat siya maganda siya.

Oo maganda talaga siya. Kaso suplada nga lang. Tss!

Pansin ko lang na matamlay ang grupo ngayon. Anong problema nila? Dapat nasa kondisyon sila ngayon eh, mukhang mapapasabak kami bukas.

"Hoy! Tara! Punta tayo sa bayan!" sigaw ko sa kanila, makapag hanap nga ng bar doon baka sakaling ma ibsan ang pag ka BV ng mga kumag na 'to. Babae at alak lang naman ang mga katapat niyan eh.

"Saan tayo?" Axel

"Sa impyerno!" sagot ko at pinaandar ko na ang sasakyan.



---



"Ayos! May ganitong bar pala dito. Ang daming magagandang chicks pare!" Aaron, sabi na nga ba. Ito lang ang katapat nila.

"Wooohoo Inuman na!!" Axel sabay abot sa amin ng mga inumin.

Inabot sa akin ni Axel ang baso pero tiningnan ko lang yun. Bwisit! Pati ba naman dito, nalala ko ang Blaze na yun dahil sa baso? Tss! Kainis!

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon