Chapter 7 - Barkada

7.8K 179 3
                                        

WAYNE'S POV



Kararating ko lang sa mansyon, nandito nanaman ang apat na itlog.

"Oh tol bakit ka naka ngiti? Bago yan ha." Ace.

"Woaaah! Dahil sa barbie girl?" Axel

"Anong barbie girl, baka emo girl? Hahaha" Aaron

"Barbie daw sabi ni Angelo eh. Ayiii!! Angelo, mukhang may karibal ka!" Axel, hindi naman siya pinansin ni Angelo.

"HOY! BAKIT NANDITO NANAMAN KAYO SA PAMAMAHAY KO?!" halos gawin na nila itong bahay ah, feel at home pa sila sa mansyon ko. Oo mansyon ko ito, dahil malapit na rin ako mag 18, ito ang regalo ng ama ko sakin.

"Kalma lang dude. Upo ka muna. Naihatid mo ba?" Angelo, mukhang interesado nga siya sa babaeng iyon ah.

"Hoy! Angelo diba may girl friend ka sabi mo kanina?! Huwag mong sabihin interesado ka sa babae?!" pati ang tatanga tangang iyon, bibiktimahin pa nila. Mga loko loko talaga.

"Oh bakit, masama? Tsaka pwede bang huwag ka sumigaw?" Angelo

"Gago! May girl friend ka, kaya tigilan mo na ang isang iyon!" kailan pa naging two timer ang nerd na to?

"Ebi-break ko na iyon bukas. Kaya pwede na ako kay Blaze. Bakit affected ka pag nag move ako kay Blaze?" aba! Loko loko talaga!

"Insan bakit affected ka? May balak ka din kay Blaze no?" Aaron

"A-anong balak? May girl friend ako sa States at uuwi siya dito!" shit! Oo nga pala may girl friend din ako. Bakit parang na disappoint ako? Tss!

"Ayos! Solo ni Angelo! Hahaha" Axel

"Tss! Bahala nga kayo. Hoy Angelo! Hihiwalayan mo ang girl friend mo dahil sa ta-tanga tangang babaeng iyon?! Ang baba na pala ng taste mo?" smirk*

"Woah!! Walk out?! May nag seselos!!! Hahahaha" Axel, binato ko lang siya ng sapatos ko. Anong selos doon? Nag warning lang ako na tanga ang babeng iyon. Tanga naman talaga iyon eh. Puro kamalasan ang nangyayari sakin kung nandyan siya.





MEGAN'S POV

Ne-nernerbyos parin ako sa nangyari kagabi. Grabe talaga, buti na lang may tumulong sa amin. Kung wala, goodbye virginity, goodbye life na kami ni best friend.

"Hmm Best? Sure ka ba na pupunta tayo kina Aaron? Baka ma OP lang tayo doon eh." childhood friend niya kasi si Aaron, siya ang unang pinakilala ni Brianne sakin dito. Gwapo siya infairness, grabe talaga.

"Oo nga. Tsaka kung hindi tayo makapagsumbong kay mommy sa nangyari, kahit kina Aaron na lang. Tsaka bumalik na daw si Kuya Wayne, gwapo din iyon best! Pinaka crush ng lahat iyon dito." basta gwapo gora lang! Ang landi lang namin noh? Boring naman kasi wala kaming mga friends dito, kaya sulit na iyong mga gwapong friends ni Brianne.

"Pakilala mo ako ha. Teka, ayos na ba ang suot ko? What do you think?" umikot pa ako para ipakita ang suot ko. Naka short shorts ako at sleeveless top. Basta alam ko na hot ako ngayon. Haha syempre mga macho at mga gwapo ang pupuntahan namin ngayon. Maka porma parang hindi lang ako muntikang ma rape noh? Haha Sabi nga nila if you have it, flaunt it. Simple as that at valid ang reason ko ngayon dahil summer.

"Ikaw pa! Mana ka sakin eh! Tara na bilis!" halos magkaharap lang kasi ang bahay nina Aaron at Brianne. Naka short shorts din ang best friend ko pero naka t-shirt with demin blazer. Syempre tinali ko ang t-shirt niya sa likuran para kita ang navel niya. Alangan naman ako lang ang hot at sexy dapat siya din noh, andyan kaya ang crush niya na si Ace. Okay lang ma rape basta sila ang rapist, gora tayo dyan! Haha joke lang po. Ang harot.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon