BLAZE'S POV
Nasa apartment na ako nang may tumawag sa cell phone ko.
"Sino naman ang tatawag sakin?" tanong ko sa sarili ko habang naka upo sa couch, hindi pa ako nagbibihis kasi tinatamad pa akong gumalaw. Nakaka stress pala kung may alam ka makipaglaban. Mas malaki pala ang responsibility mo.
Sinagot ko na ang tumawag. Unknown eh.
AKO: Hello, who's this, please?
CALL: Chhuuuummm!!!!!
Tili palang alam na alam ko na. -__-
AKO: oh Brix? Napatawag ka?
CALL: Ano ba yan, hindi man lang sabihin 'hi chum I miss you' kainis ka ha! May new best friend kana diyan? Pinagpalit mo na ako?
AKO: Ang drama ha! Syempre na miss kita, badmood lang ako. Bakit ka nga pala napatawag?
CALL: Waaaahhhh Blaze! Pwede ka nang umuwi!!! So, see you!!!
AKO: Waaaahhhhh talaga?! Talaga Brix?!!
CALL: Kaya behave ka diyan ha! Bye na, ingat! Bleh! Haha
Toooot tooot toooot.......
Bastos na babae iyon ah, binabaan ako.
"AYYY BASTOS!!"
Bigla naman kasi sumulpot.
"SAPHIRA! Nakakagulat ka naman" bigla bigla na lang kasi lumitaw si Saphira sa harap ko. Uso ang bastosan ngayon ah.
"Masanay kana Miss Hatley." nakangiting tugon niya sa akin. Cool na cool lang siya, parang walang problema. Ang cool siguro kung pure fairy ako noh? Kayang madala sa magic lahat. Kaso ako? Hindi eh, I'm not pure fairy kaya limited edition kung baga. Pati powers ko limited, pero at least meron.
"Ano pa nga ba? Bakit ka nga pala napa daan--- este napunta dito?" hindi naman kasi siya nag lakad para mapadaan eh.
"Gusto ko lang kamustahin ang iyong munting pagsubok Miss Hatley."
"Anong pagsubok? May assignment? Quiz? Agad agad? Hindi pa naman tayo nag le-lecture ah." pagsubok daw eh, diba test iyon? Guro siya tapos siya daw ang guro ko, eh hindi pa naman kami nakapag lecture.
"Nakakatuwa ka talaga Miss Hatley. Ang ibig kong sabihin na pagsubok ay ang pagliligtas sa mga taong malalapit sa iyo. Kamusta ang nararamdaman mo? Ano ang plano mo?" naguguluhan ako? Wala naman dito ang mga taong malalapit sa akin, paano ko sila maliligtas?
"Sorry Saphira, huwag mo sanang isiping slow ako pero kasi hindi ko talaga ma gets ang mga sinasabi mo. Naiintindihan ko naman, loud and clear pa nga eh pero pwede paki complete? Nakakalito kasi." ako na ang prangka at matanong. Sigurista ako eh at ayaw ko mag assume kasi madalas nag kakamali.
Perfectionist ako at realist kahit fantasy ang story ko kaya masanay na kayo.
"Para malinaw." Umupo muna siya, oo nga naman baka mangalay siya, walang kwenta talaga ako sa pag aasikaso ng bisita. "Ang pag sakripisyo mong manirahan sa ibang lugar ng magisa para sa buhay ng ama mo, ang pag liligtas sa mga taong hindi mo kilala pero tinuturing ka nila na kaibigan. May padating pang iba, gusto ko lang munang malaman ang niloloob mo sa mga nangyari." ahh iyon pala iyon? So parte iyon ng pagsubok ko? Iyon ba ang mga ituturo niya sa akin? Marunong naman ako makipag laban ah.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
