Chapter 61 - It's done

2.6K 82 9
                                    

Coming to an end na po... Kapit lang... ^___^

--------------------warrior-fairy


THIRD PERSON'S POV

Galit ang mga mata ni Blaze na nakatingin sa hari ng dilim. Sa hinding malaman na dahilan ay nakaramdam ang hari ng dilim ng kaba sa mga titig na iyon ni Blaze. Nagtagumpay siyang galitin ito pero kinabahan siya na baka ito na ang katuparan ng propesiya ukol sa kanya.

Naningkit ang mga mata ng hari ng dilim at umapoy ang mga mata nito ng makita ang pag-ilaw nang Sacred Necklace sa leeg ni Blaze. Kahit na parang invisible crystal ang pag ilaw ng Sacred Necklace, kitang kita ngayon ang itsura nito. Maya't maya ay may nag silitawan na iba't ibang sandata dala ng hangin na nakapalibot kay Blaze.

Humakbang si Blaze palapit sa hari ng dilim, agad naman nitong inatake si Blaze nang kanyang bolang apoy. Hindi natinag ang mga shield na pumapalibot kay Blaze dala ng malakas na hangin.

Umatras ang hari ng dilim at tumakbo palabas sa madilim na silid na iyon, nakita niya ang naka tingin na batang oracle sa kanya halatang kakagising lang nito "Your future ends here devil!"

Napalingon siya sa likod niya, may naka saksak na AX sa kanyang likod, napatingin siya sa palapit na si Blaze "Ahhh!" sang dagger naman ang tumusok sa binti nito. Humarap naman siya kay Blaze pero sinugod parin siya nito. Mabilis na lumipad ang isang malaking kutsilyo at tumusok ito sa kanyang atay.

"Ang isang tulad mo ay walang karapatan sa mundo, dapat ka nang mawala!" sabay sabay na sumaksak sa katawan ng hari ng dilim ang mga sandata na lumilipad sa paligid ni Blaze.

Biglang natumba ang Hari ng dilim, sa wakas ay napabagsak niya rin ito. Mabilis na tumakbo si Blaze patungo sa kinaruruonan ni Wayne. Naka sandal na ito sa pader na nakayuko marahil sa pagod at sakit ng katawan nito.

"Wayne!" malaking ngiti ang binigay ni Blaze kay Wayne tanda nang tagumpay nito, Parang nabunotan naman ng tinik si Wayne at mabilis na tumayo habang iniinda ang pananakit ng katawan nito.

Habang palapit sila sa isa't isa, natigil naman sa pag lalakad si Wayne marahil sa sakit ng katawan niya. Pero bigla itong tumilapon sa malayong parte ng palasyo. Masyadong malakas ang pwersa na sumalubong kay Wayne na kahit si Blaze at napatulala sa pagkabigla.

May pumatak na luha sa mga mata ni Blaze, hindi siya kumurap. Kitang kita niya ang nang yari kay Wayne. Hindi siya makagalaw, halos hindi na siya huminga sa pagkabigla. Nangangatog narin ang tuhod at mga kamay niya. Gusto na niyang tumakbo agad patungo kay Wayne pero parang nanghihina siya sa sinapit ng kasintahan,

"W-wayne?" usal niya habang humahakbang ng maliliit.

Nakadapa si Wayne sa harap ng isang pader na binagsakan niya, halos nasira ang pader sa impact ng pagkatilapon niya roon. Mas lalong natakot si Blaze dahil parang hindi na gumagalaw si Wayne. Hindi na niya nagawang lingonin kung sino ang may gawa nun kay Wayne dahil dali dali na siyang tumakbo patungo kay Wayne.

Halos madurog ang puso ni Blaze nang makita sa malapitan ang itsura ni Wayne. Wala na itong malay, halos puno na nang galos ang maamo nitong mukha, malamang may bali pa yata siya sa mga buto niya. Punit punit na rin ang kanyang damit.

"Wayne wake up. Di ko ako iiwan diba? Diba?" halos di malaman ni Blaze ang gagawin sa sinapit ni Wayne, natatakot siyang hawakan ito baka masaktan lalo si Wayne.

May narinig siyang tawang demonyo na umalingawngaw sa buong palasyo. Pumikit si Blaze at kinuyom ang mga kamay. Gusto na niya agad sugurin ang nilalang na iyon pero mas gusto niyang unahin ang kalagayan ni Wayne. Alam niya na ano mang oras, may masamang mangyayari.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon