UNDERWORLD'S SECRETS
"The LORD detest the way of the wicked but HE loves those who pursue righteousness." -Proverbs 15:9
_______________________***______________________
[AT: UNDERWORLD]
Habang nasa bundok malapit sa Lawa ng Apoy ang mga magkakaibigan na sina Axel, Elle at Jaynel kasama ang mag ama na si Blaze at Mike ay hindi nila alintana ang pagmamasid ng tauhan ni Naula na nakakubli sa isang mataas na parte ng bundok sa likod ng malaking bato.
Kitang kita ng tauhan ni Naula ang ginawa ng mga deperadong Lost Soul na mga dwarf ng Kingdom of Nature. Binalak ng mga ito na angkinin ang katawan ng mga magkakaibigan. Kitang kita din niya ang pag dating ng dalawang nilalang doon mula sa liwanag ng bundok. Nababalutan ng apoy ang dalawang nilalang, alam na alam niya na hindi mga taga Under World ang mga ito dahil sa kulay puti na apoy na pumapalibot sa mga ito.
Nawala ang apoy sa katawan ng mga nilalang na iyon at nakita niya ang nag iisang prinsesa ng Kingdom of Elements. Kilala niya ang batang iyon dahil iyon ang natitira at nag iisang anak ng White King. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kasama ng prinsesa ang isang mortal na binata na iyon. Kilala niya ito dahil naka engkwentro na ito ng mga kasamahan niyang namatay. Ang binata na iyon ay ang mga pumatay sa mga kasamahan niya. Hinding hindi niya malilimutan ang mukha na iyon dahil iyon din ang lalaking iniibig ng itinakda.
"Sa wakas, nandito kana." napangisi siya at dahan dahang bumaba mula sa pinagtataguan niya. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan niya.
Naglabas ng makapangyarihan hangin ang binata na iyon na nagtulak upang liparin ang Lost Soul na muntik nang sumanib sa isa pang binata na kasama ng itinakda. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Nanlaki ang mata niya sa naisip.
"Paano siya nagkaroon ng kapangyarihan?" pagtataka niya "Nababalot siya ng putting apoy kanina at ngayon, isang makapangyarihang hangin na nagagamit lamang ng mga angkan ng White King" unti unti siyang napa atras habang tinatandaan sa utak niya ang itsura ng binata na iyon.
Nakita niya ang paghawak ng babaeng Lost Soul na dwarf sa itinakda. Napangisi siya bago tuluyang umalis. "May silbi din pala kayo mga Lost Souls."
Tumakbo siya pabalik ng Dark Kingdom upang ibalita sa kanyang Master ang nasaksihan. Lubhang nasugatan kasi ang Master niya dahil sa ginawa ng Soul Owner na iyon kanina.
JAYNEL'S POV
Sinundan ko sina Blaze at Wayne ng hindi nalalaman ng iba. Duda kasi ako sa ikinikilos ni Blaze, alam ko kung gaano niya kamahal ang ama niya at kung paano siya mag alala sa bawat isa sa amin pero parang may iba sa kinikilos niya.
Isa pa ay hindi ko na nakita ang pagtakbo ng babaeng dwarf na Lost Soul kanina. Hindi ko gusto ang naiisip ko pero ito lang ang makakapag patahimik sa akin. Kailangan kong alamin.
Nakita ko ang pag pulupot ng braso ni Blaze kay Wayne. Isa pa yan! Hindi ganyang kalandi si Blaze, akala mo naman aagawin ang nobyo niya. Humanda talaga sa akin ang dwarf na yan pag nahuli ko siya, ako pa lolokohin niya.
"Booo!"
"Waaaah!" gulat na gulat ako sa bumulaga sa harapan ko kaya napaupo ako sa takot. Unti unti akong gumapang paatras dahil hindi ako makatayo dahil nasa harapan ko lang ang Black Wizard na ito.

BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasíaIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...