Chapter 13 - Kulto?!

6.9K 179 3
                                    

This one is dedicated for my new follower lei2maeimee, salamat for adding my story to your RL!!!

_________***___________

WAYNE'S POV

Pauwi na kami, tapos na ang action scene namin. Wala eh, ang weak ng mga hambog na iyon!

Napadaan kami sa isang kalye, medyo walang mga bahay dito puro damuhan at bakante na lote. Nakakakilabot tingnan subrang dilim. Walang ilaw maliban sa ilaw ng sasakyan namin.

May natanaw kaming mga taong tumatawid sa daan, ang dami nila ah. Anong meron? Puro pa naka itim.

"Dude! Look at those people!" sigaw ni Aaron, nasa shootgun seat kasi siya at ako ang nga dri-drive.

"Pare mga kulto ba yan???" hindi makapaniwalang tanong ni Axel.

Kung titingnan mo, mukha ngang mga kulto ang mga iyon, marami silang naka hood at naka itim. Hinihinto ko ang kotse dahil nakaharang sila sa daan.

"Not this time...again..." Angelo

"Shit! Kulto ba yun pare?! Bakit sila nandiyan?"

"Dude! Diretso mo!!"

"Gag* paano kung mabangga ko?!"

"Wala akong pakialam mga kulto yan eh!!!"

"Wayne!! DIRETCHO NA!! PAPUNTA NA SILA!!" hindi ko alam ang gagawin ko kasi kung papaandarin ko ang sasakyan, mababangga ko sila. Paano kung mga tao pala yan?

Malay mo trip mag trick or treat?

Teka? Bakasyon palang ah, month of May palang. Excited ba sila? Maka panic naman itong mga kasama ko, mga duwag!

"TUMIGIL NGA KAYO?!!! Hindi sila kulto okay? Naniniwala kayo dun? Tss! Tara na nga"

"H-hoy! t-teka! Saan ka pupunta?!"

"Aalamin natin kung anong problema kung bakit nasa daan sila." hindi ko na sila hinitay mag salita, bumaba na ako sa sasakyan.

"insan siraulo kaba?!!" alam ko si Aaron ang sumigaw, siya lang naman ang pinsan ko eh.

Hindi ko na sila pinansin at lumapit na ako sa mga lalaking naka itim. Bakit ang putla naman nila yata?

Ahh baka puyat sa lamay.

"Manong? Ano pong problema? Bakit po ba kayo nasa daan?" poker face lang si manong eh.

"Ehem! Manong? Naririnig niyo po ba ako?" wala parin eh, baka bingi o pepe. Ang isa nga. "Kuya! Anong problema dito?"

Tumigil sa paglalakad ang lahat, actually pabalik balik lang naman sila sa daan eh. Parang mga langgam lang. Anong problema ng mga 'to? Bakit ang puputla nilang lahat? Tapos na ang mahal na araw diba? May post celebration ba or anything?

"Mga KUYA!!! Kung wala kayong problema, pwede padaanin niyo na lang kami? Kasi kung ayaw niyong umuwi, kami UUWI NA! KAYA Pwe---"

"Sinong uuwi????" GULP* walang emosyong sabi ng lalaking nasa harap ko.

Biglang nag ilaw ang mga mata nila.

M-mukhang t-ta-tama sina Axel.

"Wayne! SAKAY!" tumakbo ako papuntang kotse, this time si Aaron na ang nag drive at ako ang umupo sa frontseat.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon