DECEIVER
"Satan himself disguises himself as an angel of light." - 2 Corinthians 11:14
____________________***____________________
BLAZE'S POV
Pagkaalis ng mga lalaki, nagpaalam narin sina Prinsesa Ana at Prinsesa Chrome na babalik na sa Upperworld. Kahit gustuhin man ni lang makatulong hindi pwede dahil may mga nilalang mula sa kaharian nila ang sumundo sa kanila dahil nag aalala na ang mga magulang nila. Kaya naiwan kami ni Brix at Brianne sa bahay ni Prince Orly.
Napaupo kami ni Brix sa couch nang umalis ang mga lalaki. Pareho kami na hindi mapakali, gustuhin man namin makatulong pero hindi naman namin alam kung saan sila susundan. Tinatawagan ko si Wayne pero hindi sumasagot. Paano kung mga taga Underworld pala ang mga kumidnap kina Elle at Jaynel. Sila lang naman ang may motibo para gawin iyon. Pero kung mga mortal nga ang mga iyon, sino naman ang gagawa nito sa kanila? Hindi naman kami taga rito at wala kaming masyadong kilala. Kung mga kaaway, maliban sa grupo nina Megan at Sofia ay wala naman kami ibang nakakabangga. Mas lalo namang imposible na si Jupert ang gagawa nito, dahil kung siya nga, malamang ako na ang target nun at hindi sina Elle at Jaynel. Isa pa hindi naman niya kilala sina Elle at Jaynel. Naalala ko ang biglang pagalis ni Angelo kanina, nabanggit niya ang pangalan ni Johanna. May kinalaman kaya ang babaeng iyon? Kung iisiping mabuti, maaari siya ang may motibo nito dahil noon pa man, galit na siya kay Elle at nasaktan na rin niya si Elle. Pero sa itsura ng babaeng iyon na parang hindi makabasag pinggan, pero sa ginawa niya kay Elle dati, malaking posibilidad na siya nga ang utak ng gulong ito.
Bigla naman bumaba si Brianne para itanong kung ano ang nangyayari. Nagdalawang isip pa kami ni Brix kung sasabihin namin sa kanya ang nangyari dahil sa kondisyon niya, pero minabuti na namin na maging honest sa kanya. Baka sakali makatulong siya, Oracle na siya ngayon at maaring may alam siya sa mga nangyayari. Sinabi namin ang tungkol kay Noel at ang hatid niyang balita pero bigo kami dahil walang alam si Brianne sa nangyayari. Laging sumasakit ang ulo niya, sabi ni Otaku na taga bantay ni Brix, maaaring naninibago ang katawan ni Brianne sa kapangyarihan na nasa katawan niya.
"Humingi kaya tayo ng tulong kay prinsipe Orlando?" sabi ni Brix habang kinakagat ang mga kuko niya. Bad habit na niya talaga yan pagkinakabahan siya.
"Huwag muna, mortal ang mga kaaway ngayon. Sa tingin ko mas makakabuti ito sa mga soul owner nang malaman nila ang mga kakayahan nila" sabi ni Otaku.
"Yung mga soul owner oo kaya nila, pero paano si Wayne?!" hindi ko mapigilan magalala. Naalala ko dati noong naengkwentro nila ang mga gangster, nabaril sa noon. Mga mortal lang din iyon at muntik pa siyang mapahamak, ano pa kaya kung mga taga Underworld ang mga iyon?
"Blaze, hindi ba mas malalaman natin kung totoo ang hinala natin kung siya nga yung..." napatingin siya bigla kay Brix na walang alam sa pinag usapan namin kanina.
Agad ko naman sinalo ang sasabihin niya para huwag mapansin ni Brix "Oo nga, paano kung hindi at mali tayo?"
"Hindi ako nagkakamali. Pero kung may katanungan man ako, iyon ay ang tungkol sa tunay na ama niya."
"Tunay na ama? Sino? Anong pinaguusapan niyo?" naguguluhang sabi ni Brix.
"Hindi pa namin pwedeng sabihin, Brix." Brianne
"Chum, sasabihin din namin pag na komperma na namin"
"Tss! Sige okay lang kung hindi niyo sasabihin pero hindi ako uupo dito ng walang ginagawa habang nasa panganib si Elle at Jaynel" bigla siyang tumayo at lumabas ng bahay kaya sinundan siya namin ni Brianne.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
