Chapter 44 - Evil Heart, Evil Spirit

3.9K 101 9
                                        

EVIL HEART, EVIL SPIRIT

"Even though I walk throught the valley of the shadow of death, I will fear no evil; for you are with me, your rod and your staff, they comfort me." -Psalm 23:4

____________________________***____________________________

[AT: UNDERWOLRD]

PERSON'S POV

Hinabol nina Brianne sina Axel at Jaynel ngunit hindi nila ito naabotan sa bilis ng mga ito tumakbo. Hindi sila makatakbo ng mabilis dahil inaalalayan pa nila ang sugatan na daddy ni Blaze. 'Kung nandito lang sana sina Ace' sabi niya sa isip niya.

"Sina ACE!" sigaw ni Elle kaya napahinto sila ng pagtakbo.



BRIANNE'S POV

"Sina ACE!" Sigaw ni Elle. Parang nabuhayan ako ng loob sa nakita ko. Sina Ace nga!

Wow, iniisip ko palang dumating na. Agad kaming tumakbo sa kinaroroonan nila, tuwang tuwa kami dahil nakita namin sila. Mukhang kasama nina Ace, Angelo at Aaron ang mga prinsesa at prinsipe. Bigla akong kinabahan sa nakikita ko.

"M-mike?" curious na lumapit si prinsipe Orlando sa daddy ni Blaze "Ginoong Mike? Ikaw nga!"

"Teka, Prinsipe Benjamin?"

"Ah ayon si Benjamin ako si Orlando Ginoong Mike." paliwanag ni prinsipe Orlando at tinapiktapik si tito Mike sa balikat.

Kompleto sila. Ang mga prinsesa at ang mga prinsipe kasama ng mga Soul Owners at...

"Bakit sila nandito?!" galit na tanong ni Elle sa kanila kaya napatingin din kami sa kanya. Kahit ako ay naguguluhan, anong ginagawa nila dito? Hinawakan naman siya ni prinsesa Ana sa braso para pakalmahin. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit siya sa taong kaharap namin. Muntik na niya kaming gawan ng masama.

"Hindi namin alam." sagot ni Aaron.

Napatingin sa akin ang isa, nagkatinginan kami ng mata sa mata. Sa lahat ng tao, siya ang hindi ko inaakala na ta-traidor sa akin pero ginawa niya.

"Brianne? Brianne?!" sigaw niya. "Buti nakita kita dito. Sumama ka sa amin, maki sundo ka sa amin. Ito lang ang paraan para ma ligtas ka. Ayaw mo pa naman siguro mamatay hindi ba?" napataas ang tingin ko sa kanya, anong pinagsasabi niya. Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Ano nanamang problema ito?

"Tumigil ka mortal! Huwag mong linlangin ang Oracle kung hindi, ako mismo ang papatay sayo!" sigaw ng lalaki na prinsipe, hindi ko siya kilala dahil ngayon ko pa lang siya nakita. Pero mukhang nakikita ko siya sa mga pangitain ko, ang alam ko prinsipe siya. Isa siya sa mga pangitain ko, hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil isa siya sa mga nilalang na kailangan magsakripisyo.

"Kuya Elfin? Bakit? Anong kinalaman ng mga babaeng iyan?!" kuya? Kuya siya ni Elle? Ibigsabihin siya iyon nakakatandang kapatid ni Elle. Si prinsipe Elfin. Siya ang nakakatandang prinsipe sa lahat ng mga angkan kaya nirerespeto siya at hinahangaan ng lahat. Ngunit...

May lungkot akong naramdaman lalo na nang malaman ko na kapatid siya ni Elle at siya pala si Prinsipe Elfin. Isang matapang at magaling na prinsipe. Pwede naman siguro mapigil ang mga nakita ko sa hinaharap diba? Hindi pa naman nang yayari eh.









WAYNE'S POV

Kanina ko pa pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ng paa ng uwak na ito sa buo kong katawan. Ewan ko ba sa higanteng uwak na ito ba't ang lakas lakas. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil hilong hilo ako sa pabitin bitin dito habang nag eenjoy ang uwak na ito sa kalilipad sa Lawa ng Apoy. Para niya kaming tinutosta, teka si Blaze!

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon