Chapter 28 - Falling Inlove

7.8K 164 29
                                        

FALLING INLOVE

"There is no fear in love, but perfect love casts out fear. For fear has to do with punishment, and whoever fears has not been perfected in love." - 1John 4:18

_________________***_________________

[AT:UPPER WORLD]

SAPHIRA'S POV

Hindi mawari ang kaba na naramdaman ko nang makita ko sa mahiwagang crystal ang nangyayari sa anak ko at kay Miss Hatley pati narin sa mga prinsesa. Halos hindi ako makahinga sa panunuod dahil wala akong magagawa. Sadyang mahina ang kapangyarihan ko dahil sa malayo ang Sacred Necklace. Hindi kami pwede tumulong dahil nagkalat sa buong Upper World ang mga black spirits ay naka bantay sa amin. Isang maling galaw lang namin at siguradong kapahamakan ang matatamo namin.

"Mahal na hari, anong gagawin natin!" sigaw ni Otaku. Siya ang pinuno ng Garden Fairy, isang angkan ng mga pixie fairy. Kasing liit lang sila ng palad ko, sila ang taga alaga ng mga halaman at bulaklak sa paligid. May kapangyarihan din silang macontrol ang kalikasan gaya ng mga Nature Spirits.

"Tanging magagawa natin ngayon ay mag tiwala sa mga bata. Makakaya nila iyan, alam ko." seryosong sagot ni Haring Byron, ang hari ng mga fairies galing sa angkan ng mga Golden Fairy.

"Ama, tutulong na po ako" sabi ni Prinsipe Benjamin ang nakakatandang kapatid ni Prinsipe Orlando. Siya kasi ang naging kanang kamay ng ama niyang hari at si prinsipe Orlando ay katuwang naman ng ama sa mga tungkulin sa labas ng kaharian.

"Hindi mo pwedeng pabayaan ang tungkulin mo sa kaharian, prinsipe Benjamin. Nandoon na ang kapatid mo kaya mag tiwala ka lang" sagot ng hari kaya walang nagawa si Prinsipe Benjamin.

"Anak!" sigaw ko ng makitang hinahabol siya ng itim na lion. Nilapitan naman ako ni Prinsipe Benjamin para pakalmahin.

"Makakaligtas si Bridgette, kaya niya ang lion na iyan. Maniwala ka Saphira." tumango tango ako kahit na nag aalala. Siya ang kababata ng anak ko dito sa kaharian namin, matalik sila na magkaibigan noon bago pa pumunta si Brix sa mundo ng mga mortal.

Nakita namin na nakaligtas silang apat sa kagubatan na iyon laban sa mga lion. Napanatag ang loob ko at nakahinga ako ng maluwag. Nagpaalam ako sa hari at sa prinsipe at lumabas na ako sa pribadong silid na iyon at naglakad pababa para makapagisip. Napadaan ako sa isang silid na puno ng mga bote. Pumasok ako sa loob at tiningala ko ang bote na lagi kong binabantayan.

"Konting tiis na lang anak at mapapasayo na rin ng buo ang iyong kapangyarihan" nakalagay sa isang bote ang kapangyarihan ng anak ko. Makukuha lang niya iyon pag nagtagumpay siya sa kanyang misyon bilang Guardian Fairy. Isang tradisyon ng angkan namin para maging karapat dapat na maging taga pagpangalaga ng mga kapwa naming diwata. At ang misyon niyang iyon ay ang bantayan si Miss Hatley gaya ng pagbabantay ko sa ina ni Miss Hatley na si Mitchelle.

Sa di inaasahan ay isang mortal ang naging anak ni Mitchelle kaya kailangang sundan at bantayan ng anak ko ang anak niya sa mundo ng mga mortal. Pero panatag ako dahil inalagaan nilang magasawa si Bridgette sa mundo nila. Bridgette ang tunay na pangalan ni Brix, na ibig sabihin isang tulay tungo sa kapayapaan at karunungan. Nakita kong lumaking masiyahin at mabait ang anak ko kaya panatag ako sa kalagayan niya.

"Malapit na ang ika 18 na kaarawan niya at magiging ganap na siyang Guardian Fairy" napalingon ako sa nag salita.

"Ikaw pala Prinsipe Benjamin" ngumiti siya sa akin at nag bow ako bilang paggalang sa kanya.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon