Dahil Birthday ko kahapon, mag UD ako ngayon.. Mwehehe ^___^ ingat kayo guyz.
_____________________***___________________
BLAZE'S POV
Patakbo kaming umalis sa lugar na iyon. Sinundan lang namin si Brainne na naunang tumakbo sa amin lahat, sinusundan niya kasi ang dinaanan nila Daddy kasama ang mga dwarfs.
"Huwag kang aalis sa tabi ko" napatingin ako kay Wayne habang tumatakbo. Tumango ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya kaya mag kahawak kamay kaming tumatakbo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko. Kanina pa ako naduduwag at natataranta pero pinilit kong magpakatatag alang alang sa mga kaibigan ko, salamat sa kanya at pinapatatag niya ang loob ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin para mapanindigan ang tungkulin ko bilang itinakda. Hindi dapat ako panghinaan ng loob diba, dapat matapang ako diba? Ganoon naman kasi dapat kung itinakda ka. Unti unti ko na rin natatanggap.
Napatingin ako sa harap namin nang mapansin kong tumigil sa pag takbo si Brianne na ilang metro na ang layo sa amin. Ang bilis niyang tumakbo, halatang may kinatatakotan talaga siya. Kung ano man iyon, siguradong masama. Napakasama at kailangan naming magtago.
"B-blaze?" napakunot ako ng noo na tumingin kay Elle, si Brianne kasi parang natulala. Nakatingin naman si Elle sa likuran kaya tiningnan ko kung anong meron.
May naririnig pa akong ingay.
"grrooaaaa arrrrr" nanlaki ang mga mata ko at parang nanlamig ang buo kung katawan sa nakikita. Hindi lang yata ako, lahat kami.
"Damn!" sambit ni Wayne at mabilis siyang lumipat sa harap ko na parang tinatago niya ako sa likod niya habang hawak hawak parin ng mahigpit ang kamay ko.
Lalong naging maingay ang paligid, lalong uminit ang ihip ng hangin.
"B-blaze???" sambit ulit ni Brianne. This time puno ng takot at panginginig ang boses niya. Kaya unti unti ko siyang nilingon kahit natulala ako sa kikita ko kanina.
Napansin ko na doon parin sa harap namin kanina nakatingin si Brianne, hindi niya nakikita ang nasa likuran. Mukhang naninigas siya sa takot ngayon. Napatingin ako sa malayo, nakita ko ang mga nag kukumpulan at nag liliparan na mga uwak.
"BRIANNE!" sigaw ko. Malayo kasi siya sa amin kaya natakot ako para sa kanya.
Nagulat ako ng may lalaking humila sa kanya.
ACE'S POV
Napamura ako sa isip ko nang magapos kami at hindi makagalaw sa nag lalakihang mga ugat. Pabalik na kami ng kweba nang ma trap kami sa naglalakihang ugat na gumagalaw.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
