Chapter 26 - Love With Deeds

8.6K 165 26
                                    

Warning: Medyo mahaba dahil pang 2 chapters sana ito pero nilagay ko na sa iisang content.
--
[AT:MIDDLE WORLD-MORTAL WORLD]

BLAZE'S POV

Pagkalipas ng ilang oras ay nag resume na rin ang mga klase. Marami ang nagtaka sa pagpasok naming apat sa mga klase namin. Napag desisyonan naming magpalit ng kurso, kami ni Jaynel ay Architecture, si Brix at Elle naman ay sa Business Mgt. Hindi ito ang kurso na gusto namin pero kinuha namin ito dahil sa limang kumag na iyon. Sabi kasi ni Brix mas makakabuti pag malapit kami sa kanila para mabantayan namin sila kasama ang mga Sacred Treasures.

Matapos ang klase, sabay kaming nag lunch sa canteen ng mga girls kasama si Brianne. Masaya naman ang unang araw namin, walang problema.

"Anong masasabi niyo sa first day niyo girls?" tanong ni Brianne

"Okay naman, masaya at kakaiba. Marami akong natuklasan." sagot ni Elle pero binigyan siya ni Brianne ng WEIRD-MO smile.

"Ayos lang, na enjoy ko naman" maikling sagot ni Jaynel

"eh ikaw Blaze?" tanong ni Brianne

"Okay lang din, medyo naiilang at nahihiya pa. New environment eh, still adapting the culture." sagot ko.

"Yeah right! Kakaiba kasi makatingin ang mga tao dito." sabi ni Brix na umiling iling pa.

Paano naman kasi, maliban sa bagong students kami at late enrollees, iba iba din kasi ang lugar na nakagisnan namin. Kami ni Brix ay mula sa home schooling noong primary school years, iba din ang culture noong high school namin sa France. Sina Elle at Jaynel, ganun din ang nararamdaman dahil sa mga kaharian nila sila nag aral.

Kaya parang na cu-culture shock kami ngayon dito. Yung mga tingin at bulungan, alam mo yun para kaming may malaking atraso sa kanila. Para kaming may mga sentensya kung tingnan nila.

"Hahaha alam niyo kasi girls, you're so pretty at lutang ang ganda niyo sa iba. Kaya ganun." Brianne

"Naku naman, dapat big deal yun?" Brix.

"Haha Blaze ang lakas mo palang kumain? Pareho tayo!" Sabi ni Brianne, compare kasi sa mga foods nila, ako yung madami ang order. Gutom eh.

"Hehe yeah, I love foods." sagot ko na nahihiya, bakit pa kasi pinuna ni Brianne eh, na conscious tuloy ako.

"Same here! Haha" sagot ni Brianne "Elle,  you want beef steak?" tanong ni Brianne kay Elle, puro gulay kasi ang kinakain niya.

"Salamat Brianne, pero hindi ako kumain niyan." sagot ni Elle

"Oh vegetarian ka?" Brianne. Tumango tango lang si Elle bilang sagot, malamang ayaw na niya magtanong pa si Brianne baka ano pa kasi ang matanong niya.

Tahimik na kaming kumain na lima, yun kasi ang ugali sa Upper World kaya pinakisamahan na namin sina Jaynel at Elle, total gutom rin kasi ako para makipagdaldalan pa. Dessert na yung kinakain namin, ang sarap talaga ng ice cream.

"Ohemmm!!!"

"Ang gwapo talaga nila!! Kyyaaahh!"

"so cute!"

"hot! Omayyygee!"

Napakunot ang noo ko habang napatingin sa paligid, puro kinikilig ang mga babae na parang mga kitikiti. Anong meron? Susubo na sana ako ng ice cream pero bigla akong natawa.

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon