[AT:UPPER WORLD]
SAPHIRA'S POV
Nasa hardin ako at nagpapalipas nang oras kasama si Prinsipe Benjamin na kasalukuyang humihingi ng payo tungkol sa kung paano lalabanan ang mga taga Under World. Kanina pa namin pinag uusapan ang mga pagbigla biglang paglusob ng mga taga Under World sa amin. Hindi namin maintindihan kung ano talaga ang sadya nila. Dahil kung ang itinakda ang hinahanap nila, bakit hindi man lang nila ito tinanong at bakit hindi man lang nila hinalughog ang lugar.
"Sa tingin mo, ano pa ang pwede nating itulong kay Miss Hatley?" tanong ni prinsipe Benjamin.
"Sa tingin ko, ang kapatid mo na ang bahala sa pag sasanay niya para mahasa siya sa paggamit ng kapangyarihan."
"Paano naman sa pakikipaglaban? Makakatulong ako doon."
"Prinsipe Benjamin, si Miss Hatley ay pinalaki ng ama niyang mortal na marunong at magaling sa pakikipagdigma. Sa tingin ko kung meron kang maitutulong, iyon ay ang pag gamit ng sandata. Doon ka higit na magaling hindi ba?" napaisip at napangiti naman siya sa suhesyon ko.
"Tama, gusto kong makatulong sa kanila. Alam kong malaking kalaban ang mga taga Under World kaya hindi natin pwedeng hayaan na mag isa siya sa laban na ito, Saphira."
"Ngunit paano ang mga ibang kaharian? Lalo na ang Gemnians at Elemental Users, gumagawa sila ng sariling hakbang na hindi tayo kinukonsulta."
"Hayaan natin sila sa gusto nila para walang gulo. Basta tayo, ipapaalam natin ang plano natin sa lahat at sila na ang bahala kung susuporta sila o hindi."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sasanayin pa natin ang mga Fairy sa pakikipag digmaan At ganun din ang gagawin ng bawat kaharian sa kanilang mga kalahi. Hindi kaya ng isa ang laban na ito Saphira kahit siya pa ang itinakda."
"Tama ka prinsipe Benjamin. Kung tulong tulong tayo, mas makakabuti sa lahat. Napakarami ng mga dark spirit at hindi kaya iyon ng isang batang babae lang at kahit na ng isang kaharian kahit siya pa ang itinakda. Kailangan natin nang pagkakaisa"
CHROME'S POV
Bumalik agad ako sa Upper World matapos ko makilala ang sinasabi nilang itinakda. Sa dami nang nakalaban ko buong buhay ko, ngayon palang ako napatumba nang isang nilalang. Ang nakakainis pa doon ay isa pang may dugong mortal, ang mahihinang mortal.
Nakita ko sa isang ilog ang prinsesa nang Kingdom of Elements na nakaupo at tahimik na nakamasid sa ilog. Isang cute na bata si Prinsesa Ana.
"Oh anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya
"Ikaw pala Prinsesa Chrome. Wala naman, nag iisip lang"
"Kailangan talaga dumayo sa kabilang kaharian para makapag isip lang?" ibang klase din ito eh, kakaiba siya.
"Pasensya na, gusto ko kasi mapag isa at alam mo naman sa amin, laging may nakabantay sa akin." kung sa bagay, pareho kami nang nararamdaman.
"Edi takasan mo ang mga bantay mo. Turuan kita gusto mo?" medyo na excite naman ako sa naiisip ko, magandang turuan ang isang inosenteng bata. Masaya yun, siguradong mag pa panik ang mga Elemental Users.
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasíaIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...