ORLANDO'S POV
Hindi ako makapaniwala na nakuha ni Wanda si Blaze at Wayne. Kailangan namin silang mabawi dahil kung ano man ang plano nila ni Naula ay walang nakakaalam. Kailangan namin silang unahan.
"Prinsipe, tingin ko kailangan nating maghiwahiwalay sa ngayon." napatingin ako kay Brix.
"Hindi maaari. Mas madali nila tayong makikita kung maghiwahiwalay man tayo hindi tayo makakapag tulung tulungan." sagot ko sa kanya.
"Mas mapapadali ang paghahanap kina Blaze kung mag hihiwahiwalay tayo. Napakalawak ng Underworld at hindi natin ito kabisado. Kung matatagalan pa tayo, baka kung ano pa ang gawin ni Wanda sa kanila."
Napatingin ako sa mga kasamahan namin na tumango tango na mukhang sumasang ayon sila kay Brix.
"May plano ako." sabi ni Brix kaya mas lumapit ang lahat sa kanya.
"Ano iyon?" tanong ni Prinsipe Benjamin.
"Ang mga lalaki ang maghahanap kina Blaze at Wayne. Kayo na ang bahala kung saan kayo mag uumpisa basta maghiwahiwalay kayo. Aking mga babae naman ay pupunta sa Dark Kingdom."
"Ano?! Anong gagawin niyo doon? Delikado!" nag aalalang sabi ni Axel pero nag walang reaksyon si Brix sa pag react ni Axel at nag patuloy lang ito sa magsasalita.
"Walang bantay ang gate na Dark Kingdom. Alam ko iyon dahil pinag aralan ko iyon. Ang mga bantay na mga tauhan ni Naula ay nakahilera sa loob ng Dark Kingdom malapit sa trono ng Dark King na ngayon ay inuupuan ni Naula." napatingin siya sa mga Dwarfs "Kayo, siguro naman wala na kayong gagawing hindi kanaisnais? Kayo ang maiiwan dito para mag bantay sa kaluluwa ni Blaze kung sakaling magising na siya."
"P-pero paano pag hindi siya nakaalis sa Du-At? Hindi siya magigising"
"Walang problema. Susundan ko siya" napalingon kaming lahat kay Prinsipe Elden. Tinginan ko siya ng masama. Huwag niyang sabihin na nadagdagan nanaman ang karibal ko. "Bakit ganyan kayo makatingin? Ako ang susunod kay sa itinakda sa Du-At dahil kaming mga Nature Spirit lang ang pinanganak na alam ang tunay naming pagkatao at dahil doon ay alam namin ang sekretong pangalan ng aming pagkatao na sumisimbolo ng katauhan namin. At iyon… Iyon ang kailangan para makalabas sa Du-At, dapat malaman ng isang kaluluwa kung ano at sino sila sa mundo."
Napatango tango naman kami pero hindi parin ako kombensido. Meron bang ganoon? Bakit kami walang alam sa pagkatao namin?
"Nagsasabi ng totoo ang kapatid ko, Prinsipe Orlando." baling sa akin ni Prinsipe Elle. Mga mindreader talaga ang mga Engkantong ito. "Iyon ang dahilan kung bakit mga Nature Spirit ang mga nandito, gaya ng mga Dwarfs na iyan at ni Kim." napatingin ako kay Kim na tahimik na nakatayo sa tabi ni Prinsipe Elfin. Umiwas siya ng tingin nang tiningnan ko siya.
"Isasama ko si Kim papuntang Du-At" napatingin kaming lahat sa kanya. "Alam kong hindi ako kilala ng itinakda kaya mas maniniwala siya pag kilala niya ang pupunta sa kanya. Sang-ayon kaba Kim?" Huwag kang sumama Kim, alam kong pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ang Prinsipe na iyan sa Upperworld, paano kung mahulog ang loob ni Kim sa kanya pareho pa silang Nature Spirit, bagay pa. Tss! O di kaya ni Blaze? Kahit mahal niya si Wayne eh malay mo. Haist!
BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasiIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...
