HIS IDENTITY
"Doing what is right & fair pleases the Lord more than an offering." -Proverbs 21:3
______________________***________________________
BLAZE'S POV
After what happened yesterday, pinagbawalan ng mga lalaki na magisip pa si Brianne tungkol sa mga nangyayari at minabuti na pag pahingahin na lang ito. Nakakatuwa tingnan kung gaano nila inaalagaan si Brianne. It's rare in the world na makikita mo ang limang lalaking nagpapaka nurse sa isang babae. Syempre simula pagkabata sila sila na ang magkasama. Parang ang sarap tuloy magkaroon ng mga kuya.
Ngayon na halos lahat sa amin ay aware na sa mga nangyayari, nag usap usap kami at na kwento na rin ng mga prinsesa ang tungkol sa Upperworld at Underworld para lubos na maintindihan ng mga lalaki. Napagkasunduan na rin nila na mag sanay upang matuto sila. Lahat ay gustong makatulong kaya lahat ay desidido.
Si Angelo, ay inuumpisahan basahin ang libro na puno ng mga iba't-ibang spells. Binigay iyon ni Jaynel sa kanya para pag aralan bago siya turuan gumawa ng iba't ibang spell. Hindi nga lang daw siya magkakaroon ng wand gaya niya dahil nasa kaluluwa na niya mismo ang wand na magagamit niya, ang Wizard Sacred Wand.
Si Kuya Axel naman, tinuruan ni prinsesa Ana ng mga iba't ibang elemental bending technique. Magkasundo naman silang dalawa dahil mahilig pala si kuya Axel sa mga bata kaya napapakisamahan niya. Habang si Ace na full time naka bantay kay Brianne, hindi naman nahirapan si Elle maguturo sa kanya. Ayon kay Elle, ang Kingdom of Nature ay ang may pinaka madaling matutunan na kapangyarihan. Kailangan lang ay kilala mo ang mga iba't ibang nilalang na sakop ng kaharian at magagamit mo sila bilang depensa. Maging ako ay napanganga sa pag ka weirdo ng kapangyarihan nila. Alam namin na maraming alagang hayop si Ace kaya noong dinala niya dito ang dawalang aso niya bilang dagdag bantay ng bahay ay nagulat kami ng kinakausap niya ang aso. Weird talaga.
Si Aaron? Haha ayon ginawa siyang palaka ni Jaynel kanina at nilagay sa isang fishbowl dahil accidentally na halikan niya si Jaynel noong nag tatalo sila at nag agawan ng isang pirasong unan sa couch. Buti nandyan si Angelo at binalik sa normal si Aaron dahil wala talagang balak si Jaynel na gawin siyang normal kanina. Kaya ayun, dahil sa katigasan ng ulo ni Jaynel, nahirapan kami at pinag pawisan kung paano mababalik si Aaron sa normal hanggang sa nakita namin sa kwarto niya ang libro, na iyon na ngayon ang pinag aaralan ni Angelo.
Napalingon ako sa biglang humalik sa buhok ko. Napangiti ako sa nakangiting mukha ni Wayne na nakatayo sa tabi ko. Nandito kasi kami sa 3rd floor ng CEA building (College of Engineering and Architecture) hinihintay ko ang dismissal nila, mas maraming subject kasi ang kinukuha niya. Ewan ko nga ba kung paano pa siya nakakapag concentrate ngayon lalo na sa mga nangyayari sa amin. To think na siya pa ang top student sa college department namin.
"How's your class?"
"We finished quizzes and all the reporting. Nothing unusual happen, just a normal college class. How about you?"
"I fell asleep in class" tapos natawa ako nang maalala ang katangahan ko kanina. Natulog ba naman ako sa harap ng teacher.
"Well, that's normal" napatingin ako sa kanya. Normal daw ba ang matulog sa klase? "I do that all the time" bulong niya sa akin kaya natawa kaming pareho. "Tara na, naghihintay na sila sa park" bago kami umalis ay yumuko siya ng bahagya at humalik sa noo ko. "I miss you" natawa lang ako ng mahina at bigla naginit ang mukha ko, ayan nanaman siya sa mga pa sweet effect niya.

BINABASA MO ANG
Warrior Fairy (The Blazing Heart)
FantasyIt's not your ordinary fairy tale. She is not Cinderella, Belle or Rose who waited for their Prince Charming to come. But she is the heroine waited by her Prince. The dream of every Prince in different world. Meet Mitzie Blaze Hatley, the Blazing Fi...