Chapter 18 - Revelation

6.7K 144 5
                                        

Dedicated to my new friend MAYRAINE... Thank you sa pag support ng story ko!

____***____

AARON'S POV

Ang sarap talaga maging gwapo at sikat. Girls na mismo ang lalapit sa'yo walang kahirap hirap pinagaagawan kapa.

Ano ngayon kung hindi na ako type ng Megan na yun, siya ang nawalan hindi ako!

Pabalik na ako sa tambayan namin ng makita ko ang pinsan ko. Anong nangyari dun?

"Oh insan! Parang badtrip ka ah!" si Wayne kasi mukhang timang na nakatulala na naiinis.

"Tss! Saan ka galing?!"

"Na miss ako agad?haha"

"LUL! Hindi ako nakikipag lokohan sayo, umayos ka!"

"Chill!!! Diyan diyan lang ako bakit ba? Anong nangyari sayo? Mukhang irritado ka kanina pa."

"Tss! Wala! Syanga pala, samaham mo ako."

"Saan?"

"Zone3"

"Huh?" anong meron sa Zone 3? Ahhh alam ko na.

"Uyy insan! Bumalik na si Blaze? Aakyat kana ng ligaw? Hahaha Bago yan ah! Marunong ka nun?"

"Ang daming sinasabi! Tara na nga!"

Natatawa ako na nakasunod sa kanya, kelan pa yun naging ganyan sa babae? Girl friend niya nga  dati hindi niya ma sundo sa bahay o maihatid man lang. Haha iba na talaga.

***

[AT: UPPER WORLD-IMMORTAL WORLD]

BLAZE'S POV

Marami akong inaasikaso ngayon dito sa Kingdom of Fairies. Tinuturo nila sa akin ang bawat pamumuhay ng mga fairy dito pati na ang buhay ng mga taga ibang Kingdom.

May Kingdom of Wizards pala dito, puro daw sila mga good wizards. May Kingdom of Gems din, ang pinakamayaman na Kingdom sa Upper World. Marami daw silang crystal stones sa lupain nila. Meron din Kingdom of Nature, sila ang mga nature spirit kung tawagin sa mundo ng tao ay mga engkanto. Pero mabubuting engkanto sila, ang iba daw ay na ninirahan sa mundo ng mga mortal para alagaan ang kalikasan. At ang pinaka mataas sa lahat ng mga Kingdom dito ay ang Kingdom of Elements. Sila daw ang makapangyarihan sa lahat dahil sa taglay nilang kakayahan na kontrolin ang tatlong elemento. Ang tubig, hangin at apoy sila ang nag bibigay buhay sa kalikasan kaya magka anib sila ng Kingdom of Nature.

Kaso natuklasan ko din na ang mga sacred treasure of life ng bawat kaharian ay nasa mundo ng tao. Tinago nila ito doon. Kaya medyo mahina ang kapangyarihan ng bawat kaharian dahil malayo sa kanila ang buhay ng kaharian nila. Doon daw kasi nang gagaling ang bawat kapangyarihan nila na muntik nang nakawin at sirain ng mga taga Under World.

Ngayon papunta na ako sa isang silid na kung saan namin pwedeng pagusapan ang mga lahat ng ito. Malilinawan na rin ako sa mga tanong ko sa isip ko at kung bakit ako naririto.

Pumasok na ako sa silid, malapad na silid na parang library dahil sa maraming makakapal at lumang libro ang naririto.

"Maaupo ka Miss Hatley" Saphira

Warrior Fairy (The Blazing Heart)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon