Entry 01
"Good Night, Good night! Parting is such sweet sorrow, that I shall say good night till it be morrow."
I closed the book and stare at the ceiling of my room. I don't know how many times I already reread Romeo and Juliet's story, but it still gives me that thought. I know fairytales don't exist in the real world, moreso a love story like them is beyond possible, but, I wonder why people fall in love? And what does it exactly feels like of experiencing the pain that love can cause?
How is it to be like Romeo and Juliet?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at dumiretso sa balkonahe. Humampas ang maalinsangang hangin ngayong summer. Humawak ako sa barandilya at naniningkit ang mga matang hinayon ng tanaw ang kalakhan ng hacienda.
Mataas ang sikat ng araw at nagpapasabog ito ng liwanag sa kabuuan ng hacienda. Ang mga magsasaka at iba pa naming tauhan sa farm ay tanaw kong puro nakasuot ng sumbrelo at nakamahabang damit. They must be tired just by feeling the heat on their skin.
Huminga ako ng malalim at nilanghap ang summer air. Before the school year ends, I heard everyone talking about how excited they are for summer. I even heard my classmates planning outings. I was excited, too, pero hindi sa kabuuan ng summer vacation.
Summer for me means that I can be on my own more. I have no academics to think about. I can visit the kids that I usually visit outside our land. But summer also means that I have to take on my duties as a Delavin. Annoying.
"Dito na lang po! Ako na magbuhat niyan!"
Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang malakas ngunit malalim na baritonong iyon. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba at nakita ang ilang tauhan namin na may bitbit na mga basket at ilang sako. My eyes widened when I saw the guy who approached me on Prom.
It's Dax. I remember his name.
"Kaya lumalaki agad ang katawan mo kakabuhat!" Dinig kong biro ng tauhan namin sa kaniya.
He's wearing a simple white printed shirt and faded jeans when he lifted the basket. Kumurba ng hugis barko ang kaniyang mga labi nang ngumiti siya sa pang-aasar at kalaunan ay nakitawa sa biruan. Inilagay niya ang isang malaking basket na naglalaman ng mga gulay sa likuran ng isang pick-up. Sinunod niya ang pagbubuhat ng isang sakong hindi ako sigurado kung anong laman.
"Basic lang 'to! Alam mo ibigsabihin no'n, tatang?" Malakas niyang pakikipagbiruan pabalik.
Pinanood ko kung paano ang tatlong lalaki na may edad na ay nagagawang makihalubiho sa isang batang katulad niya. How people can do that? Socialize?
"Tatanungin ko sa Mama mo at paniguradong alam niya!" Sagot ni Tatang, natatawa, kilala ko siya bilang isa sa mga pinaka-matandang tauhan sa hacienda.
Sumaludo si Dax sa tatlong lalaki pagkatapos niyang mai-karga ang lahat ng sako at basket sa kaniyang sasakyan at natatawang nagpaalam. Tumapat siya sa pintuan ng driver seat at hinintay ko siyang pumasok sa loob nang 'di ko inaasahan ay nag-angat siya ng tingin mula kung nasaan ako.
I saw how he squint his eyes because of the sun rays. Nagtaas siya ng kamay at kumaway sa'kin.
Kumaway siya na para bang naaalala niya ako. Ngumiti siya na para bang kilala niya ako. At tumingala siya na para bang alam niyang nandito ako.
Mabilis lang iyon at pumasok na siya sa loob ng sasakyan at tumakbo paalis ang pick-up. The three old men went back to their work while I was left staring to where they were a while ago.
How can they do that? Communicate like they are so close?
"Tri, anak, kain na ng tanghalian."
I walked out of the balcony and followed Nanay downstairs. Umupo ako sa mahaba at malaking lamesa dito sa dining area. Maraming pagkain sa hapag na sigurado akong hindi ko naman mauubos mag-isa.
BINABASA MO ANG
Wild Series #6: Twisted by Wild
RomanceGrowing up, Trishastrea Yael Delavin has to always personify the proper etiquette her parents instill in her. She lived on their terms and fulfill all their orders. The people in their town pictured her as a perfect model of what a lady should be in...